Kabanata 10

139 6 0
                                    

                          Sorry

Stay, Love
Written by: Shiningblueee

Kabanata 10

"May partner ka na ba para sa school night, Shay?" tanong ni Eli.

Nilingon ko siya at hindi agad nakapagsalita, siguro ay dahil sa naiilang ako sa katabi ko ngayon. Tumikhim ako at binalik na lang ang paningin sa bintana na nasa kanan ko. Pero pansin ko sa peripheral view ko na nakatingin si Ian sa gawi ko.

"Oo... Si Renz..." mahinang ani ko.

"Renz Brian Sandejas!?"

Agad kong naramdaman ang pag-init ng mga pisngi ko dahil sa reaksyon ni Eli. Tumango ako bilang tugon. Si Tito rin ay natawa sa asal ng kanyang anak.

"Bakit? Crush mo ba iyon, anak?"

"Huh!? No, Dad! Member na dapat kasi siya ng club namin kaso tinanggihan niya.  Ang sabi niya ay hindi niya maasikaso 'yung mga gagawin pero willing naman daw siyang mag-donate. Matalino. Pogi rin at ang yaman kaya no'n!"

"Pogi rin naman ako, Elissa! Nakapiring ka siguro kaya 'di mo 'ko makita!" Saad ni Ian kaya awtomatiko akong napalingon.

Tumawa siya habang nakatingin sa unahan. Sumilay ang malalim niyang dimple. Nakaputing t-shirt na lang siya ngayon, hindi suot iyong polo at wala na rin siyang suot na ID. Mabilis ang nagawa kong pag-iwas nang tingin nang mapalingon siya sa akin.

We're not cool. He hates me right?

"Naku! Masyado ka talaga confident. Eh, ikaw ba? Sinong partner mo?" tanong muli ni Eli. Parang ilang minutong hindi ako huminga para lamang marinig ng klaro ang sagot niya.

"Si---"

"Si Kylie, 'di ba?"

Parang may tinik na bumalot sa dibdib ko nang marinig iyon mula kay Eli. Rinig ko siya ang tawa ni Ian sa tanong na siyang nagpatindi nang anumang kirot sa dibdib ko.

"Sino ba dapat?"

"Syempre ako!"

Napalingon ako dahil sa sinabi ni Eli. Pero binalot lang kami ng tawanan nilang dalawa ni Ian. Hindi ako umimik pagkatapos no'n hanggang sa makarating kami ng bahay. Bumaba agad ako at pumasok pero pinigilan  ako ni Eli.

"Shay! Chance mo na ngayon, 'di ba? I-bake mo na si Julius!" Saad niya habang kinikiliti pa ang tagiliran ko.

"Huh? Ano kasi..." hindi ko masabi iyong naging sagutan namin ni Julius. Kaya ngayon na nandito siya, hindi ko alam kung ano ba at paano ang magiging akto ko.

Magpapanggap na walang nangyari?

Napabuntong hininga ako baga tumango. Inilapag ko muna ang gamit ko sa kwarto at nagbihis. Naroon na rin si Tita, dumulog dahil sa bisitang narito ngayon. Dumeritsyo na ako sa kusina at inayos ang mga gagamitin. Naging hobby ko na rin ito at palaging naku-kwento kay mama ang mga gawa kong cookies kaya siguro maraming binibili si Tita Melissa na mga ingredients dahil iyon ang tugon nina Papa.

Masaya ako sa ginagawa ko. Gusto ko nga rin sanang sumubok ng bago. Hindi ko pa nata-try iyong cheesecake at iyong napanood ko na tutorial kung paano gumawa ng cake. Ito na rin ang kinawilihan ko rito sa pag-stay sa bahay nina Eli. Noong isang araw nga rin ay nakwento sa akin ni Tita na may gusto raw sa akin na magpagawa ng cookies. Naipatikim niya kasi iyong gawa ko sa mga katrabaho niya at nagustuhan ito.

"Pwede mo na talaga 'to maging negosyo." Nagulat ako nang nandito na pala si Tita.

"Naku, Tita! Wala naman pong kakaiba dito sa gawa ko. May mga mas masasarap pang mga cookies ang mabibili sa mga bakeshop."

Stay, Love (Travesia Series #2) √ COMPLETED Where stories live. Discover now