Wakas

242 7 9
                                    

Ps: Half of this chapter: Astley's POV

Wakas

"Love..." 

Nilingon ko siya at napangiti. Lumapit siya sa akin at yumakap nang mahigpit, kagaya nang nakagawian niya. 

"You look more handsome--"

"G'wapo ba 'tong kalbo na nga?" Pagbibiro ko pero natahimik siya. 

"You're still the most handsome guy I ever met. I love you, Love..." 

Ngumiti ako at mas hinigpitan ang yakap. Habang mas patagal na patagal ang oras, mas lalo na ring nahihirapan ang katawan ko. Magmula nang ma-confine ako, wala akong nagawa noong magpasya si Mama na gawin ang paunang pagpa-chemo theraphy ko. Maging si Astley at sang-ayon rin doon. Naging maayos naman ang resulta.

Pero matapos ang isang buwan, napapansin ko na ang epekto nito sa katawan ko. Akala ko, mas magiging manatag ang kalooban ko pero mas ikinalala pala iyon ng sitwasyon. At mas lalo ngang nangamba nang dumaan pa ang mga buwan. Mas naging malala ang paglagas ng buhok ko. Mas madalas na rin ang pagkirot ng buong katawan ko. Miminsan nga'y natataggapuan nalang nila akong nakahandusay sa kung saan. 

Mahal ko si Astley kaya mas nasunod ang gusto niya na ipagpatuloy ko ang pagpapagamot taliwas sa kagustuhan ko noong una na buo na ang desisyon ko na huwag na magpagamot. Kahit alam ko sa sarili kong handa na ako sa magiging kapalaran ko, sinusulit ko pa rin ang oras na kasama siya.Sinusulit ko ang oras para sanayin siya kapag baka sakali mang isang umaga ay wala na ako.

"A-Anong gagawin natin dito?" 

Hindi ko siya sinagot at maingat na lang na naglakad palapit sa kanya. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at lumuhod na sa harap niya. 

"I-Ian? I-Ian... what are you doing?"

"Alam kong ang laki ng pagkakamali ko sayo noon. Alam kong ang laki ng pagkukulang ko sayo. Hindi ako perpektong tao, Astley... pero nagpapasalamat ako at tinanggap mo pa rin ako. Isa ako sa pinakamaswerteng lalaki sa mundo dahil sa kabila ng mga nagawa ko, nand'yan ka pa rin at mahal na mahal ako. Astley... hindi ko maipapangako ang buong oras ko sayo. Pero ipapangako ko na habang nandito ako, susulitin ko ang araw para mahalin at makasama ka."

"I-Ian..." Kitang kita ko kung paano siya lumuhod para mapantayan ako. Umiiyak siya habang nanginginig na nakahawak sa siko ko. 

"Astley... Mahal mo pa rin ba ako kahit ganito ako?"

"Damn! Of course, I do! Mahal na mahal kita! Love, I love you so much!"

"Love, handa ka bang pakasalan ako?" Tanong ko at marahang kinuha ang singsing sa bulsa. 

Kitang kita ko ang pagkabigla niya at mas lalong naiyak sa tanong ko. Kung gaano siya nanginginig ay mas malala naman doon ang nararamdaman ko. Mariin lang ang pagbabalanse ko sa sarili ko para hindi mabulilyaso ang plano ko ngayon.

I wanted to get married. I wanted her to be my wife. I wanted her so bad. 

Mahal na mahal ko siya. Kahit kulang ang oras para makasama siya, gusto ko pa rin na malaman niya na gusto ko siyang pakasalan. Buo ang loob kong makasama siya kahit sa natitirang oras na lamang.

"Yes. Let's get married, Love."

Plinano na agad namin ang pagpapakasal sa lalong madaling panahon. Gusto ni Astley na isang simpleng kasalan lang sa simbahan sa Travesia kung saan ko siya unang nakita. Ang mga kaibigan ko ang tumulong para mas mapaaga ang kasal namin. Taliwas sa napag-usapan namin ni Tito Ramos na papakasalan ko ang anak niya pagka-graduate nito. 

"If that's what you want, I support you. Alam ko naman na mahal niyo ang isa't isa."

"Maraming salamat, Tito--"

Stay, Love (Travesia Series #2) √ COMPLETED Where stories live. Discover now