Kabanata 11

139 6 0
                                    

                        Congrats

Stay, Love
Written by: shiningblueee

Kabanata 11

Ramdam ko ang pamamanhid ng kanang braso ko at sa kaunting galaw lang ay napapadaing ako. Malakas iyong impact kaya naman sa ngayon kapansin pansin na ang pangingitim ng parteng bahagi na nabangga ni Ian. Kitang kita iyon dahil sa suot kong isang puting sleeveless top at simpleng pantalon. Allowed naman ngayon sa school kung anuman ang gusto naming suotin.

"Are you really okay? May oras pa naman. I'll take you at---"

"I'm fine, Kyle."

"You also look pale." Komento niya kaya nakagat ko ang labi ko.

Nakaalis na sina Ian at Dan. Kung hindi pa siya tawagin ng girlfriend niya ay mukhang hindi pa siya aalis. Halata ang guilt sa mukha niya, kapansin pansin iyon. Kaming dalawa lang ni Kyle ang naiwan dahil si Renz ay umalis saglit. Aniya may bibilhin lang at hinintayin ko raw siya. Maging si Eli rin ay napasugod kanina sa akin. Hindi ko alam kung kanino niya nalaman ang nangyari sa akin.

"Ayos na nga ako. Ang kulit niyo naman. You may go now, I'll wait for Renz---"

"I can't leave you here, Astley. I'll stay until that guy came back. Iyon ba 'yong nagkakagusto sayo?"

Pinamulahan ako sa sinabi niya. Naupo ako sa bench na naroon. Seven-thirty pa lang naman at alas otso pa ang start ng show. Marami rami na rin ang pumapasok na ibang ibang grade level ang pumapasok ng venue. Ako nalang at si Renz ang hindi pa pumasok roon para sa assigned area namin.

"Just tell me when he hurt you. I'm gonna punch his face hard." Seryosong sambit niya kaya natawa ako.

"Roger, Kuya!"

"Very good." Napasimangot ako nang guluhin niya pa ang buhok ko kaya naman nang makita niya ang reaksyon ko ay tumawa siya.

"Hala, lumayo ka nga! Baka makita ka nang crush mo tapos lalo pa 'yon maturn off sayo," pagbibiro ko at agad rin napatingin sa paligid.

"Your joke isn't fun at all."

"Sungit naman!"

Naghintay kami nang ilang minuto kay Renz. Hinihingal pa siya nang makarating at tagaktak ang pawis. May dala siyang paper bag at iniabot iyon sa akin. Hindi ako nakpagsalita nang kunin niya ang kung anong bagay na nasa loob no,'n. Ilang segundo lang ay naramdaman ko ang kamay niya na maingat na nakahawak sa magkabilang balikat ko.

"Wear this." Aniya at ngumiti.

"B-Bumili ka pa talaga nito?" nahihiya kong tanong.

It was a black cardigan blazer that covered my body. He even managed to fold the sleeves up to the elbow so it fit better with what I was wearing. My face heated when he leaned closer to me.

"Much better."

Umiwas kaagad ako nang marinig ang pag-apila ni Kyle sa gilid ko. Narinig ko pang may binubulong bulong ito sa akin pero hindi ko naman maintindihan. Tumikhim ako at tiningnan ang kaibigan pero masama ang tingin niya sa akin.

"A-Ah... Kyle... Si Renz---"

"Alam ko." Putol niya kaya naitikom ko ang bibig ko. Inilahad naman ni Renz ang palad niya pero ilang minuto iyong nasa ere bago pa tanggapin ng kaibigan ko. Ilang beses pa siyang nagpabalik balik ng tingin sa aming dalawa kaya ako na mismo ang pumutol sa kung anumang iniisip niya.

"Magkaibigan lang ka---"

"I'm her suitor." Renz formally said that made my cheeks heated for once more. "Oh, I guess we need to go inside the venue. Shall we?"

Stay, Love (Travesia Series #2) √ COMPLETED Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα