Kabanata 3

225 18 2
                                    

                          Again

Stay, Love
Written by: shiningblueee

Kabanata 3

Masyado akong naguguluhan sa inasal at sinabi niya. Hindi ko man siya kilala pero para akong mina-magnet para alamin ang buong pagkatao niya.

"Oo. Ian ang pangalan. Siya 'yong tumulong sa akin kahapon, Eli. Nakita ko na siya kanina kaso mukha atang hindi maganda ang araw niya kaya baka next time ko nalang ulit pasalamatan," saad ko sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang binitawan niya. Hindi ko rin matukoy kung bakit imbes na sundan siya para sana kausapin ay hindi na ipinagpatuloy pa. May kung ano sa akin na pinipigilan akong gawin. Siguro'y mas mabuting sa susunod na magkita na lang kami ulit. Hindi naman pahirapan ang makita siyang muli dahil dito rin siya nag-aaral sa pinapasukan ko.

"Sayang naman. Kapag nakita mo ulit, ituro mo sa 'kin para makilala ko at makapag-thank you na rin." Aniya kaya tumango ako.

Nang mag-ring ang bell ay pumasok na agad kami sa respective classroom namin. Mas matanda ng isang taon si Elissa sa akin at Grade 11 siya habang Grade 10 naman ako. Nang makarating ako sa building namin ay nagpaalam na rin siya sa akin bago tumakbo sa katabing building. Naging maayos naman ang unang araw ko. Sa totoo nga'y mababait at maganda ang pakikitungo ng mga kaklase ko sa akin.

"Hi! Dito ka na umupo!" tumayo ang babaeng may mahabang umaalong buhok kagaya ng akin. Morena at maganda ang kurba ng katawan. Nahihiya aking ngumiti at umupo na sa iwinestra niyang upuan.

"Thank you."

"No problem. By the way, I'm Lara." Inilahad niya ang kamay sa akin na agad ko naman tinanggap.

"Astley Shane."

"Pinsan mo pala si Pres. May club ka ng nasalihan?" tanong niya.

Si Eli panigurado ang tinutukoy niya. Ang alam ko ay President si Elissa sa Volunteer team ng school na 'to. Madalas nga siyang makwento sa amin ni Tita sa tuwing tatawag ito noong nasa Travesia pa ako. Ang probinsiya ng Travesia ang tahanan ko magmula pa noong hindi pa ako sa pudir ng mga Gomez.

Nahihiya akong tumango bilang tugon. Hindi ko na kailangan ibukang bibig kung ano ang dala kong apelyido sa ngayon.

"Gusto mong mag-join sa Teakwondo Team? Miyembro kasi ako ro'n at kasalukuyan kaming naghahanap ng mga gustong sumali. If willing ka, punta ka nalang sa Building." Aniya at tumahimik na nang dumating na ang guro namin.

Taekwondo Team? Naglakbay ang utak ko dahil sa offer ni Lara sa akin. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba iyon o hindi. Siguo'y magpapaalam na muna ako kina Mama.

"Dito naman ang STEM Building. Itong sa harap iyong sa ABM Building. Tapos dito ako madalas dumadaan papuntang Guidance para mas mapadali at hindi nakakapagod. Masyado kasing mainit sa field." Ani Eli.

Lunch break na at pagkatapos na pagkatapos naming maglunch ay inilibot ako ni Eli sa buong parte ng paaralang ito. Masyadong mahaba kasi ang oras at ang sabi niya ay wala naman siya gagawin sa club nila kaya sinamahan niya ako ngayon.

Lumiko kami at doon nadaanan ang Taekwondo Building na katabi lang ng school gym. Bigla akong nahinto sa paglalakad at napatunganga sa pintuan. Dito ko siya unang nakita kahapon, parte rin kaya siya ng Team? Athlete ba siya rito?

"Astley!" napakurap ako at binalingan kung sino ang tumawag sa pangalan ko. Iyon ang lalaking nakausap ko kahapon. Ano nga ulit ang pangalan niya?

"Kilala mo na siya, Shay? Si Kyle. Guitarista ng Venom Band ng school."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Eli. Ngumiti si Kyle. Nakakamanghang parte pala siya ng banda. Pinasadahan niya ang buhok gamit ang kanang kamay habang ang kaliwa naman ay nakahawak sa kanyang gitara na nakasabit sa braso niya.

Stay, Love (Travesia Series #2) √ COMPLETED Where stories live. Discover now