Kabanata 18

97 6 0
                                    

School Night

Kabanata 18

"Kanina ka pa namin hinahanap. Where have you been?" Usisa ni Eli nang lumapit ako sa kaniya.

"I'm sorry. I was looking for Kyle. Nakita mo na siya?" Ngumiti siyang nakakalokon at hinigit ako.

"Yup. But he didn't see me." Kumunot ang noo ko nang mas lumapit siya at inakbayan ako.

She's always like this whenever she's up for some crazy things. I don't know why others keeps on telling me that I was modest like her. But honestly, she's crazy most of the time. Siya pa nga ang malakas kung mangbiro sa aming tatlo nina Kyle pero siya rin mabilis mapikon.

"What is it this time?" She shrugged her shoulder while covering her lips not to laugh out loud.

"Y-You know what..." hindi niya ito natuloy dahil sa malakas na tawa. Maging tuloy ako ay natawa na rin sa nakakahawa niyang pagtawa.

We're always like this, though. Hindi pa nga natatapos ang sasabihin ay natatawa na agad, kaya ang end up ay puro tawanan nalang kahit hindi pa alam kung anong gustong sabihin ng bawat isa sa amin.

"Ano nga!? Alam mo Eli, para ka ng baliw. Baka makita ka na dyan ni Nathan," banta ko kaya agad siyang tumahimik na animong nag-transform kaya lalo akong natawa. Sinamaan niya ako ng tingin bago lumapit sa akin at bumulong.

"Kyle is making a move. And you what? I don't know why he even think about that. Hindi man lang ako tinanong kung ano ang magandang strategy na pwedeng gawin."

"What? What do you mean? Anong ginawa niya?"

"May pinaabot na letter doon sa kaibigan ni Leizl. 'Yang kaibigan talaga nating 'yan, masyadong torpe."

Tumawa kami pareho. Napailing ako at pumasok na ng sasakyan. Nagpaiwan si Eli sa school dahil may assembly silang mga officers para sa school night bukas. Nang hapon ding iyon ay sinurpresa ako nina Papa at Mama Leslie nang makauwi kami.

"Congrats, Anak!"

"Maayos na po ang pakiramdam mo, Mama?"

"Syempre naman. Magaling kaya ang nag-aalaga sa akin."

I smiled and both hugged them. Papa was holding a cake. He leaned on me and kissed my forehead. We celebrated the whole night. Si Eli ay nagawa nang ipakilala si Nathan kina Mama at Papa dahil kasama niya ito nang makauwi.

"Naku, huwag niyo lang pababayaan ang pag-aaral niy, ah."

"Opo, Tito."

It was actually one of the nicest days of my life staying here at Eli. Masaya akong narito rin sina Mama para samahan ako. Madaling araw na rin pero hindi ko nang nagawang matulog pa dahil ngayon din mismo aalis sina Papa dahil masyadong busy ang negosyo nila sa Travesia. Hindi nga rin maaring tumagal dito dahil ang naiwan lang doon ay ang dalawang matandang Gomez, sina Lola't lolo.

Kumuha nalang ng domestic flight si Papa dahil sa sitwasyon ni Mama. Minsan nga'y nababahala ako sa kanya pero ang sabi naman ni Papa ay normal iyon buhat na rin ng aksidente noon. Naaksidente si Mama gamit ang sarili niyang sasakyan noong nasa edad sampu palang ako.

Naalala ko'y kalahating taon palang ako sa pudir ng mga Gomez. Ang nabanggit lang sa akin ni Papa ay nagka-amnesia si Mama. Kaya hindi ko na rin nagawang magtanong pa dahil natatakot ako na baka mas lalong makaapekto pa sa kalagayan niya iyon.

Isa rin sa rason kung bakit tuwing sasapit ang buwan ng May ay lumuluwas sina Papa ng bansa para ilayo ang atensyon ni Mama sa anumang bagay na magkakapagpapaalam sa nakaraan niya. Iyon ang mas magandang naisip na paraan ni Papa.

Stay, Love (Travesia Series #2) √ COMPLETED Where stories live. Discover now