Kabanata 7

190 12 16
                                    

                              Rejected

Stay, Love
Written by: shiningblueee

Kabanata 7

"Wow! Thank you, Shay!" Pabiro akong napairap sa kanya.

"May bayad 'yan!" sabay bigay sa kanya ng gawa kong cupcake. Sabay kaming natawa kaya muntikan pa siyang mabulunan dahil sinubo niya ng isahan ang cupcake. Nang mahimasmasan ay bumaling siya sa akin.

"Para ulit 'yan kay Julius?" usisa niya kaya naramdaman kong bahagyang uminit ang pisngi ko. Agaran akong umiling at inayos ang pinaglagyan ng cupcake.

"Hindi, ah! Itong isang box ay para kay Dan. Parati ko kasing nakakalimutan na bigyan din siya. At nakakahiya namang na naabala ko siya noon para lang iabot kay Ian iyong mga baked ko na siguro akong hindi naman tinatanggap no'n---"

"Paano mo naman nasabi na hindi niya 'yon tinatanggap?"

"Wala. Feel ko lang kasi sa tuwing pumupunta ako sa Building nila o kaya sa room ay si Dan ang tumatanggap nang ipinabibigay ko. Hindi niya ako hinaharap kaya napaisip lang ako na baka ayaw niya. Kaya itong ginawa ko ay para lang kay Dan, Kyle, Lara, sayo, at kina Mama."

"Sus! Kunwari lang 'yon..."

"Huh?"

"Ang sabi ko'y bilisan na natin dahil baka ma-late pa tayo!" saad niya at tumakbo na sa kwarto niya.

Napatingin ako sa wall clock at kalahating oras na nga lang ay magta-time na pero nandito pa rin kami sa bahay. Dali-dali kong inayos ang mga cupcakes na ginawa ko at inalis ang apron.

Naghugas ako ng kamay bago tumakbo sa kwarto para makapagligo na. Sinabi sa akin ni Lara na hihintayin niya na lang ako sa Building nila after lunch para maipakilala niya ako sa iba pang member at kay Senior daw.

I also doubt na masungit talaga iyong Senior na binabanggit niya base na rin sa naging usap-usapan ng iba kong kaklase. Medyo kinakabahan tuloy ako. Siguro bibigyan ko na lang siya nitong gawa kong cupcake ngayon. Hati na lang sina Lara at Dan. Six pieces naman kasi ang laman bawat kahon.

"Oh? Thanks! Can you teach me how to do this next time?" Kyle opened the paper bag and looked at me, smiling.

"Bakit? Ibibigay mo sa nililigawan mo?" pagbibiro ko kaya natawa siya.

"Maybe... In the near future."

"Hoy, Kyle! Si ano ba 'yan!? Ikaw, ah? Balita ko ay may crush daw sa 'yo iyong kaklase ni Lea. Si Leizl De Guzman," umupo si Eli at tinaasan ng kilay si Kyle.

"What are you talking about!? And please! Don't mention her name---"

"Ay! Nagtatanong lang ako, galit ka agad? Kalat na kasi, 'tsaka ang ganda rin kaya no'n! At bagay kayong dalawa!"

"But she's too loud to be with." Reklamo pa nito kaya nagkatinginan kami ni Eli at parehas na natawa nang malakas.

"Omg! Gosh! Kinikilig ako---"

"Hey! Please stop it, Elissa!" saway nito at minasahe ang noo na parang nauubusan ng pasensya.

"Wait nga lang! First of all, hindi ka nag-apila no'ng sabihin kong maganda siya at bagay kayo! At anong ibig sabihin ng 'she's too loud to be with!?' nagkikita ba kayo nang palihim!? Ikaw ah---"

"Shut up!" iritadong saad nito at napatayo.

"Aalis ka na!?" gulat na tanong ko.

"Ang ingay ng pinsan mo." Aniya. Agad namang huminto sa pagtawa si Eli at umupo nang maayos.

Stay, Love (Travesia Series #2) √ COMPLETED Where stories live. Discover now