Chapter 15: Final Chapter

120 5 0
                                    

(A/N)

Eto na 'to guys. Final Chapter na :( ang sakit lang kasi mamimiss ko mag sulat ng kadramahan ni Medin. Sorry napabilis ang story hahaha! atsaka hindi ko din kasi alam kung pano tapusin. kaya eto. Enjoy the final chapter!!! :D 

-----------------------------------------------------------------

Terrence’s POV

 

Siguro nga naging sobrang bobo ko. Siguro naging sobrang kitid ng utak ko. Siguro naging tanga lang ako o kaya naman naging selfish. Ayaw ko kasing masaktan kaya ako ang nanakit.

Siguro isinusumpa na ako ng lahat sa mga ginawa ko kay Medin. Umiwas ako sa kaniya sa mga panahong kinailangan niya ako. Eto mga utol ah, hindi ako lumayo kay Medin para lang mag-pakasal o um-oo sa arranged marriage na yan.

Sa totoo lang, tumanggi ako. Pero sa pag tanggi kong yon, dun naman sumama ang loob sakin ng nanay ko. Kaya naman para maging quits kami, inilayo niya talaga ako kay Medin. Hindi siya pumayag na mag kita kami. Hindi nga siya pumayag na mag karoon ng kahit na anong communication sa pagitan naming ni Medin.

Dahil ako si uto-uto, sinunod ko naman ang nanay ko. Pinag bantaan din kasi ako ng tatay ni Kylie. Si Kylie nga pala yung dapat na fiancé ko. Pero only to find out, may boyfriend din pala siya. Oo, tama kayo. Hindi lang ako ang may ayaw sa arranged marriage na yon. pati si Kylie ayaw niya.

Yon nga umabot ng isang buwan ang walang kibuan namin ni Medin. Nakita ko lang siya two weeks before the graduation. Pasahan kasi ng requirements nun kaya dapat pumasok ka talaga kahit na atat na atat ka ng mag bakasiyon.

Nung unang sulyap ko sa kaniya, wala akong gustong gawin kundi titigan lang siya mag damag. Walang kurapan. Gusto siya lang nasasagi ng mata ko.

Pag may nakaharang sa view ko sa kaniya, binabatukan ko talaga. Siya lang, ayos na. Masulyapan lang siya, kumpleto na araw ko. Kaya naman sa buong dalawang linggong nakikita ko siya, sobrang saya ko. Hindi ko mapigilang mapangiti araw-araw.

“Anak? May sakit ka ba?” tinignan ko ang mommy nung nilapat niya ang mga kamay sa noo ko. Tinanggal ko naman yon saka ngumiti ng kaunti. “Wala po ma. Sadiyang masaya lang ako.” Ngumiti din siya.

 

“Are you and Kylie---“

 

“Hindi si Kylie ma. Si Medin. Siya ang dahilan kung abkit ako masaya.” Nag-laho naman ang ngiti sa mga labi ng mommy ko. “I thought you’d stop seeing that girl?” nakakunot ang noo niyang sabi. “I’m following the rules mom. Hindi ko binali ang pangako ko sayo. Na hanggat nandito kayo sa Pilipinas, sainyo lang ang attensiyon ko.” Nag buntong huminga si mommy.

 

“Am I being a selfish mother?” I nodded. Bawal mag sinungaling. Hahaha. Natawa lang ang mommy. “Anak, you’re too honest.” Tumawa na din ako. Ako din naman eh. Sobrang selfish ko. Hindi ko naipaliwanag ang lahat kay Medin kaya naman siya ang malungkot ngayon. To add to that, dinamay pa ng katangahan ko ang lahat ng taong nag aalala para kay Medin.

 

“Ako din naman mommy eh. Nagiging selfish. Biruin mo, natitiis ko si Medin sa panahong ganito. Pero yung matignan ko lang siya sa bawat oras na nasa skwela, pakiramdam ko, natatanaw ko ang mga anghel sa langit. Ganon yung pakiramdam.”

 

Tumingin sa bintana si mommy. “Since I’m feeling better, you should too son.”

 

At yun nga! Pinayagan na ako sa wakas ni mommy na makipag usap kay Medin at ipagpatuloy ang ano mang-ugnayan na naudlot. Ang saya ko lang nung araw ng graduation. Kasi makikita ko na siya ulit. Makakausap ko na siya ulit. At mayayakap ko na siya ulit! Mga bagay na hindi ko ipag papalit sa pera.

Bumili ako ng cake at kape. Hehehe. Alam ko kasing bestfriends niya ang dalawang pagkain na yon. kaya naman inisip ko na makakapag-pasaya sa kaniya yon.

Pero nung pinakita ko sakaniya yon, mukang nagalit pa yata. Nag burst out siya. Lahat ng sinabi niya sakin sapul lahat sa puso. Tagos pa nga eh! Ang sakit marinig na ako ang sinisisi niya. ang sakit marinig mula sakaniya na ako ang dahilan kung bakit siya malungkot. Ayaw ko sa lahat ang nakikita siyang malungkot. Pero sa kabobohan ko, ako pa talaga ang naging dahilan ng kalungkutan niya.

Nahiya na akong lumapit sa kaniya o kausapin man lang siya pag tapos ng burst out niya na yon. Ang sakit lang palang marinig na nakamove-on na siya samantalang hindi pa kami break. Si Medin talaga advanced. Atsaka ang pinaka masakit? Yun yung sinabi niya sa pag-mumuka ko mismo na wala na akong magagawa. Na walang ng paraan para maka-bawi pa ako. Na hindi na niya ako mahal.

AFTER A YEAR…

“Oy! Terrence! Kanina ka pa tulala.” Sinigawan ako ni Carlo sa tenga kaya naman napalingon ako sa kaniya agad agad. “Ano ba?! Kailangan sumigaw?” ginulo ni Carlo buhok niya. “Alam mo mas malabo ka pa sa mata ng lolo ko. Kung mahal mo, bakit ka susuko?”

teka, binabasa ba nito isip ko? “Manghuhula ka ba pre?” dapat pala hindi ko nalang sinabi yon. kasi naman sinikmuraan pa ako eh! “Sira! Halata naman sayo eh. Kahit hindi mo sabihin, alam na alam ko yan. Ikaw na kaya ang pinaka madaling basahing tao sa mundo.” Sorry Carlo pero kailangan kitang barahin. Hinayupak ka eh.

“Libro ba ako at kailangan mong basahin? Atsaka tolits, privacy tong utak ko. Brain hacker ka din eh!” saka ko siya kinutusan. Akmang manununtok na naman kaya naman inunahan ko na siya. Napahawak naman siya sa braso niyang inasinta ko ng kamao. “Kotang kota ka na sa pananakit ah. In love pamandin ako sa’yo fafa!” inirapan ko nalang siya. “Ang dirty mo Carlo. Mamaya hindi ka sagutin ni Den.”

Biglang nag bago ang timpla niya. “Pare, kung hindi mo naitatanong. MU na kami.” Pag mamalaki niya. Aba ayos. Sa isang taong niyang pan liligaw MU palang sila ni Den? Punyemas. At proud pa talaga si Carlo dun ah.

Hindi ko maiwasang matawa. “Gago. Bakit ka tumatawa?” nanlilisik yung mata niyang nakatingin sakin. “Pare, congrats! Isang taong anibersaryo ng panliligaw mo. At, eto pa repa. Matutuwa ka! MU na kayo makalipas ang isang taon.” Kumunot naman noo ni Carlo. “!@#$% ka talaga Terrence!” minura ako pero tumawa din.

“Pero eto, seryoso. Ayaw mo bang magkabalikan kayo non?” ngumuso siya sa bandang harapan namin. Nakita ko si Medin na nakikipag tawanan kay Den. Kumaway si Carlo kay Den, nakit naman siya neto. Napalingon din si Medin sa banda namin at ngumiti din kay Carlo. Kakaway din sana ako, pero sa halip binulong ko nalang sa hangin ang gusto kong sabihin…

“Akin ka.”

 ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Diba pabitin mga ateng? Dito na papasok ang good news! May sequel ito!!!! Hahahaha. alam ko namang alam niyo na ehh. or baka hindi. eesh!! Basta yon na yung good news ko. May sequel ito. pero hindi ko pa alam kung kailan ako sisipaging mag sulat ulit hahaha! Tinatapos ko pa kasi yung TLMS :)

Salamat sa mga nag basa at patuloy na nagbabasa at mag babasa pa ng katha ko. Ito ang pinaka unang kong libro sa wattpad na umabot sa 5K+ reads at dahil mababaw ang kaligayahan ko, okay na din yon para sa starter na tulad ko. Paka-abangan nalang ang SEQUEL ng NYTG anytime soon :D

SALAMAT ULIT SILENT READERS! <3 saranghae!

vote, comment, support, share! \:D/

xxwushureads :) 

Not Your Typical GirlfriendWhere stories live. Discover now