Chapter 5 of 1:

165 6 5
                                    

(A/N)

Papabilisin ko na ‘tong story haha. Mag-ffocus na ako sa mga bagay na dapat binibigyan ng spotlight :D hindi na ako masiyado mag bibigay ng fillers hehehe. So sana magustuhan niyo ito :) sabihin niyo lang kung may dapat i-improve tong story na ‘to. Pansin ko din kasi, masiyado akong nagfocus sa mga fillers nung mga nakaraan. Hahaha. Enjoy this chapy lovies! :D <3

Medin’s POV

 

Ilang linggo at buwan na din ang lumipas at magigising nalang ako isang araw, oras na pala para sa graduation pictures namin.

Iniisip ko palang naiiyak na ako. Hindi lang dahil sa lalayo na ako sa mga kaibigan ko pero dahil din sa lalayo na ako sa school na ‘to mismo. Kahit saan ako mag punta sa skwelahan na ‘to sobrang daming masasayang memories. Sobrang saya na mga bagay na ayaw kong iwanan. Kung mag education nalang kaya ako sa college? Hindi masama. Pero gusto ko talagang maging Doctor eh.

Andito kami sa photo studio ng school ngayon na club room ng News Paper Team. Ang cool nga eh. Hindi ko akalain na may ginawa ang photography team ng ganitong kalaking project. Ang mga stolen shots ng mga seniors. Isang malaking bulletin board ang pinagdikitan ng mga stolen shots namin.

Meron akong nakitang picture ni Carlo na naka-topless. Katatapos lang yata ng training nila noon ng soccer. Kinilig ako para sa bespren ko. Pano, hindi na natanggal ang mga mata niya sa picture ni Carlo na yon. Pang bench body pala ‘tong lokong ‘to eh! Nung marealize ni Den na tutulo na laway niya sa pagtitig sa letratong yun ni Carlo…

“Oi. May nakita akong picture ni Terrence!”

Hinila ako ni Den at Nina sa kanang banda ng bulletin board. Ah. Nagtataka ba kayo kung bakit kasama na namin si Nina? Wala naman. Hahaha. Hindi. Nag apologize kasi siya sakin tapos sabi niya may nalaman daw siya tungkol kay Terrence. Tapos isang gabi daw, narealize niya na sobrang tanga na daw pala niya para umasa pa. sa sobrang tanga daw niya, nag-over flow na tapos ako daw yung sumalo. Kita mo? Ang demonyita diba? Haha. Pero isa rin ang pagiging bitchy niya sa mga bagay na nagustuhan ko nung naging official friends na kami.

At dahil maganda si Nina, hindi malayong madaming mag kagusto sa kaniya na lalake. Kaya after 3 weeks of palihim niyang pagkakaroon ng crush kay Terrence, eh natagpuan na din niya ang lalakeng handa ding mag-pakatanga para sa kaniya.

Hindi pa tinuturo nila Nina at Den ang picture ni Terrence, na-spottan na agad ito ng mga mata ko. Sa litrato ni Terrence dito hindi mo masasabi kung stolen nga ba o sinadiya yung pagkakakuha sa kaniya para sa isang photo shoot. Sobrang hindi ko maipaliwanag.

Sunglasses looks perfect on him. Dahil mahilig siya sa polo shirt, oh pak! Blue na polo shirt na binili niya sa Bench kasama ako nung birthday ni Kaye-Kaye. AKO. KASAMA. NIYA. NOON.

Kinikilig parin ako. Hahaha.

Yung medyo nakatayo niyang buhok parang sobrang effortless lang niyang padaanan ng kamay niya. Sobrang gwapo na hindi ko maintindihan. Ewan ko kung na cucutan lang ba ako sa kaniya ngayon dahil para sakin lagi namang gwapo tong nilalang na ‘to eh.

Not Your Typical GirlfriendWhere stories live. Discover now