Chapter 6 of 5:

67 5 0
                                    

Medin’s POV:

Halos apat na araw na din ang nakalipas mula nung Christmas ball. Kaya naman apat na araw naring boring ang buhay ko -___-

Tatlong araw nalang pala bago mag birthday si Papa Jesus. Hindi ko din pala na kumpleto ang simbang gabi -____- susme! Ang dami ko ng nakakaligtaan! Tsk. Ano pa bang maikukwento ko sainyo? Yun nga. Apat na araw ng boring ang buhay ko… tapos nasa bahay ako kadalasan nila Den para makasagap naman ng saya.

Alam niyo ba kung bakit boring? Boring kasi mula noong sinagot ko si Terrence, apat na araw na din akong walang balita sa kaniya. Sa KANILA actually. Dahil pati itong si Carlo at si Dennis hindi nag paparamdam sa barkada. Sabi ni Pete may something fishy daw siyang naaamoy. Sabi ko naman kilikili lang niya yon dahil baka apat na araw na din siyang hindi naliligo. Hahaha!

Dzt dzt… Dzt dzt…

 

1 message received.

*bukas mensahe

O________O

Si 8888 nag text! Wala na daw akong load~

Karipas pababa! Papuntang tindahan ni manang Turing! Pati ba naman pag-papaload nakakaligtaan ko na din?!

“Manang! Manang turs!” aish! Tagal naman ni Manang. Dati rati dito lang yon nakatambay. Pssssh. “Oh, din! Bakit parang may humahabol sayong baka diyan?!” bulyaw naman niya pabalik. “Eh manang naubusan na po’kong load eh.” Natawa naman si Manang. “Nako kayo talagang mga bata kayo! Hindi mabubuhay ng walang load.” Ako naman ang tumawa.

“Kung hindi naimbento ang load system sa mga mobile network services manang, edi sana wala kayong kinikita?” tumawa kaming pareho. Grabe! Unang beses kong tumawa ng ganto kalakas mula nong Christmas Ball. “Nga pala Din, pumunta dito si Tekloy kanina.”

(A/N)

Tekloy ay palayaw ni Terrence. Hahaha! Ang kyot! <3

Sus. Kay manang nag papakita. Sakin hindi -___- tsk.

“Ganon ba manang? Buhay pa naman?” cold kong sabi. “Buhay na buhay. Eh halos madapa na nga kanina at parang hinahabol din ng baka.” Umiling-iling ako sa sinabi ni Manang na parang natatawa. “Eh ano po bang ginawa dito? Apat na araw na akong walang balita dun sa ugok na yon eh.”

“Ayon, nag paload din. Siguro na-uubos load nun sa kakatext sa girlfriend niya. Sino ba bagong girlfriend nun Dinyara?”

(A/N)

Dinyara ang palayaw ni Medin sa mga kapitbahay niya. kulit ano? haha! :D

Not Your Typical GirlfriendWhere stories live. Discover now