Chapter 6 of 2:

74 5 0
                                    

Medin’s POV

“Sino naman yun?” kumunot ang noo ko sa sinabi ni kuya Hex. “Ewan.” Inayos niya yung tuxedo niya saka nag-patuloy. “Basta ang sabi niya, pumunta ka nalang daw sa photography club room.” Tinignan niya ako ng seryoso. Agad namang lumaki ang mga mata ko nang maalala ko yung papel na binato sa bintana ko kanina lang. nako! Hindi ko pamandin alam kung sino yung taong yun :(

“W-wala ka bang patalandaan dun sa nagpapatawag sakin?” natataranta kong tanong. “Wala eh. Pero sa tingin ko, first year siya.” Kuya Hex crossed his arms. “Siya siya. Umalis ka na para makabalik ka agad dito. Mag s-start na din kasi yung ball.” Sabi naman ni Kuya Lex. Nakakapag-taka naman. Parang hindi yata OVER PROTECTIVE sila kuya ngayon? Anyare?

“Ano? Ganun nalang yun?” sabi ko habang nakataas ang kilay. “Ganun nalang ang alin?” sabi naman ni kuya Lex na nakataas din ang kilay. “GANUN NALANG YUN? Ibebenta niya ako sa taong hindi ko naman kilala? Kuya! Pano kung balak akong imurder nun?! Marami pa akong pangarap sa buhay at gusto ko pang mag asawa! Ayoko pang ma---“

“KUNG HINDI KA PUPUNTA DUN TALAGANG HINDI KA MAKAKAPAG-ASAWA!” sabay pa nilang sabi. Hindi mo makakailang mag kambal nga ‘tong dalawang tukmol na ito. Dahil sa sinabi ng mga kuya ko, tumigil na ako sa pagpapaka-hysterical ko at inayos na ang sarili. “kelangan ko ba talagang pumunta dun? Eh hindi ko pa nga nakikita si Terrence eh.” Ewan ko kung anong nasabi ko pero nag tinginan si kuya Hex at Kuya Lex saka ngumise ng nakakaloko. “ANO NA NAMAN?” reklamo ko.

“Wala! Dun. Punta na dun! Para maabutan mo pa yung Ball!” sabi ni kuya Hex habang tinuturo yung daan papuntang photography club room. Inirapan ko silang dalawa, “Oo na. pupunta na po mga kuya.”

Ewan ko kung anong nangyayare, but with just the thought of talking with someone, who I think is special to me, is enough to make my heart beat 10 times per second. If that is even possible!

xx

Halos hilain ako ng katamaran pabalik sa gym kung saan nagkakasiyahan na ang mga Seniors at college students sa dance floor. Naririnig ko ngang mag salita si Kuya Hex at sinabi pa ito tungkol sa Kiss Someone Under The Mistletoe Booth kuno na once a year lang daw mangyare.

Napaisip tuloy ako. Pano kung may nag-setup samin ni Terrence dun sa booth na yun? Yieeee! Iniisip ko palang nakakakilig na. pero bigla kong naalala. Masama palang mag-nasa sa isang tao. Kaya kahit nageenjoy pa ang utak ko sa lawak ng imahinasiyon ko pinilit ko itong burahin. Erase erase erase!

“Grabe, nakakabaliw palang mag isip ng sobra.” Pataas na ako ng hagdan ng may nakita akong pink na bond paper na sitting pretty sa isa sa mga stair case. Syempre, dahil hindi ko naman kalat yun, di ko na pinulot. Anong akala nung taong hindi nagmamahal sa mother earth? Ako mag-pupulot ng kalat niya? ‘ba, manigas siya! Hindi niya ako personal janitress o ano man.

Dumeretso na ako sa second floor kung saan nakalocate yung Club Room. Tapos na pansin ko yung mga pink na bond paper na katulad na katulad nung papel na nilagpasan ko lang kanina. Then it hit me. “Shet. Letter Chain. Ulit! Kunyare walang nangayare. Dzzzzt! Hay. Flash back! Flash back!” bulong ko sa sarili ko habang parang aning na nagtatatatakbo papunta sa stair case kung saan ko nakita yung unang letter.

Not Your Typical GirlfriendWhere stories live. Discover now