Chapter 3 of 2:

202 6 2
                                    

Medin's POV

Pumasok ako sa kwarto ko na may ngiti dahil sa pakulo nang dalawa kong kuya. Dahil sa sayang hindi ko mapigilan, nag blog nalang ako (oo na. Nerdy na kung nerdy. Masaya kaya mag blog!)

Papasok na sana ako sa banyo nang may narinig akong sumisigaw mula sa salas. Imagine ha? Third floor na ‘tong kwarto ko, rinig padin yung putaragis na boses ni kuya Lex. “ANO?!” sigaw ko. “Andito si Pete!!! Baba ka muna!”

Si Pete? Eh kaya pala nasa maximum level kung makasigaw ‘tong si kuya Lex kasi si Pete yung nandun. May lihim na pag nanasa kasi si Pete kay Kuya Lex HAHAHA Natural na habulin nang mga bading.

“Tawagin mo nalang ako kung feeling mo marerape ka na!” tuluyan na nga akong nag lakad papasok nang banyo at naligo na. Birthday ko no. Hindi ko afford maging mabaho. Bukas nalang.

Mabilis lang ako maligo. Mga fifteen minutes lang tapos na ako. Nasanay na eh, diba nga lagi akong late? Hahaha. So sanay na'ko sa mabilisang galaw. Pero still, binibigo padin ako nang mundo. Ibang klase ang time phase nang earth.

Nag-toothbrush na ako at nag damit nang desente. Nag suklay at naglagay nang sombrero. Harap sa salamin. “Happy Birthday na talaga!”

“Hoy girla! Ang tagal mo ha!” nagulat nalang ako sa pag-pasok ni Pete sa kwarto ko. “Oy, bakla. Ang OA mo. Mga twenty five minutes lang naman akong nag ready nang sarili ko.” Nag-paypay si Donya Peter. “Kahit kailan talaga napaka Filipino Time mo!”

Hinila ako ni Pete palabas nang bahay tapos nag jeep kami papuntang mall. “Hoy gaga! Diba sabi ko naman sayo hindi ko gusto tumambay sa mall. Para lang yan sa mga tulad niyo ni Tine.” Umiling-iling si Pete. Nagpumiglas ako sa hawak nito at nag lakad na palayo. “Medin Anne Ramos! Punyeta ha! Sayang pamasahe natin!”

Lumingon ako kay Pete at ngumise. “Fine. Payag na’ko pumasok diyan sa mall na yan.” ngumiti si Pete. “Pero sa isang condition.” Nag-pout siya na dahilan nang pag-tawa ko. Ang gwapo neto eh. Bading lang kasi. SAYANG!

“Fine. Sabihin mo yang mga kondition mong bruha ka nang matapos na tayo bago pa tayo magkalimutan.” Pete rolled his eyes.

“Bilan mo’ko sombrero.”

xxx

“HOY! Anong ginagawa natin dito? Maling Department Store yata ‘to. Dun tayo sa mga pang-lalake. Andun yung gusto kong sombrero.” Nakakainis naman ‘tong si Pete. Dinala ba naman ako sa womens wear! Kahit kailan talaga!

“KUNG HINDI KA MAG-TITINO, JUJUMBAGIN NA KITA.” Pag babanta ni Pete sakin. Grabe. Nakakatakot lang. Hindi nalang ako nag-salita at baka majombag nga ako. Silent na muna ako at pag-bibigyan ko muna si Pete sa mga kakyemberluhan niya.

“ETO! OH MY GOSH. Nakita ko ‘to sa magazine ateng. Bagay na bagay sa’yo. Siguradong lilingunin ka nang mga kalalakihan!” pano namang hindi ako lilingunin eh kapag yumuko ako na suot-suot yan, kitang kita na kaluluwa ko! Umiling ako. At saka nag pamulsa.

Not Your Typical GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon