Chapter 6 of 1:

111 6 2
                                    

Medin’s POV

 

Hindi ko alam kung pupunta ako sa Christmas Ball mamayang gabi. Walang klase ang mga seniors dahil dun. Nakakainis nga eh. Dahil blinack-mail kami ng mga advisers namin. Sabi nila, ang hindi daw umatend ng Christmas Ball, absent sa attendance sheet. DIBA? WAGAS KUNG MAKAPANGBLACK-MAIL. CHILD ABUSE NA NGA EH.

Nag buntong-hininga ako. “Pano ba ‘to? Mag papalagay na naman ako ng nakakakati sa muka. Tapos mag papalagay ng nakakatigas ng buhok. Tapos magpapalagay ng kolorete sa talukap ng mga mata ko. Mag susuot na naman ako ng mataas na sapatos. Hay. Ang hirap maging babae.” Ito ang matatawag kong isang nakaka-frustrate na moment sa buhay ng isang babae. “Anne, andito na yung—hindi ka padin ang bibihis?! Andiyan na yung make-up artist ni Tita Rowena!” ayan na naman si kuya Lex. Nag mamadali na naman. “Kuya, ano ka ba? Alas quatro palang. Alas sais yung Ball. Ang OA mo masiyado.” Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa kama. Sakto naman at pumasok na ng kwarto ang make-up artist na magaayos sakin.

Nilapag niya ang mga kagamitan niya sa lamesa atsaka ako pinaupo sa harap ng salamin. Aayusan na daw ako. Lord, masiyado pa akong bata! Wag niyo po akong pababayaan! “Alam ko nasa isip mo.” Dumating si kuya Hex na nakaporma. “Oh, anong eksena mo at muka kang Jake Cuenca sa lakas ng dating mo ngayon. Wala ng good boy good boy.” Natatawa kong sabi. Inirapan lang niya ako.

“Emcee ako sa Event sa University.” Tumango nalang ako. Emcee pala si Kuya sa Christmas Ball. Ang galing. May instant Chaperone din ako kung sakali. “Hindi ka papatayin o kakatayin. Umayos ka diyan.” Tapos umalis na siya sa kwarto ko. Heh. Lakas maka bad vibes ng kuya ko ngayon ah. Sarap ibitin.

Tinaas taas ng stylist yung buhok ko. “Mukang walis tambo.” Sabi neto. Na siyang nagdulot sa pag kunot ng noo ko. “Ang face, hmm.” sabi neto. Mas lalo tuloy napakunot ang noo ko. Ano bang gustong palabasin ng baklang ‘to? Mas maganda siya sakin? Huh.

“Aayusan niyo po ba ako o hindi?” tanong ko na medyo naiinis. Hindi siya nag salita ay nilapag nalang lahat ng gamit niya sa lamesa at matapos ang ilang sandali, inayusan na nga ako. Hindi ko alam ang nangyayareng pagbabago sa muka ko dahil halos nakapikit ako habang inaayusan. Ni hindi ko nga maimulat ang mga mata ko dahil baka matusok ng kung anong pag kulay na ginagamit niya. mahirap na, at baka hindi ko na masilayan pa si Terrence.

“Tapos na.” sabi nito. Minulat ko naman dahan dahan ang mga mata ko. Napangiti ako. “Mag laway lahat ng makakakita sayo.”

xx

“Medin! Ang tagal mo ah! Kanina pa nakaalis yung stylist mo andiyan ka padin?” naririnig ko na naman ang walang katapusang reklamo ni kuya Lex. “Sandali lang no! Masiyado kayong nagmamadali.” Nung matapos na ang pagsusuot ko ng damit at paglalagay ng sapatos, ay humarap na ako sa salamin para makita ng maayos ang sarili ko.

“Grabe. Ako ba talaga ‘to?” sa sobrang pagkatulala ko sa salamin, hindi ko napansin kung sino ang nagbato ng isang crampled paper na may bato sa bintana ko na sakto ay lumanding sa kama ko. “Hala. Kanino naman kaya galing ‘to? Di naman kaya, death threat ‘to?!” sabi ko sa sarili ko. Tinignan ko ang bintana ni Terrence, hindi naman bukas. Hindi nga nakabukas ang ilaw ng kwarto niya eh. Baka umalis na? kahit na nag dadalawang isip akong buksan at basahin ang laman ng papel, ginawa ko padin.

Not Your Typical GirlfriendWhere stories live. Discover now