Chapter 3 of 7:

169 6 2
                                    

Terrence's POV

Isang araw ko siyang binulabog.

Sa Facebook at sa SNS. Maski sa text at tawag. Pero wala akong narereceive na feed back o sagot mula sa kaniya.

Alam kong nasa bahay lang siya. Ayaw lang talaga niya akong pansinin. parang kahapon lang mag kayakap kami under the rain ah? XD

Gusto ko lang naman malaman kung ok lang ba siya. Sa huli, ang tanging nagawa ko lang ay bulyawan ang cell phone ko.

"ANO BA?! SUMAGOT KA!"

Medin's POV

Isang araw akong nabulaboig sa kaniya.

Punyeta. Nakaka-irita na ang mga pag-memessage niya sa akin sa Facebook. Pati nga SNS ko hindi pinalampas eh. Yung cellphone ko na puro GM ang narereceive puro Terrence Virjilio na ngayon ang nasa inbox.

OO. NAKAKAKILIG NA.

Pero at the same time, nakakabuwiset. Yung gustong gusto mong ipahinga yung katawan mong sobrang pagod na pagod tapos may mag riring tapos sasabihin, "You received a voice message." Hay buhay!

Yung mga messages naman niya, "Medin, sino yung lalakeng ineeffortan mo?"

Kung hindi lang siya isa't kalahating manhid, malalaman niya yun.

At sa huli, napasigaw nalang ako.

"ANO BA?! TANGA KA BA TALAGA?!"

xx

"Medin! Ano ba gising na! Monday na Monday, late ka na naman? Mahiya ka naman sa attendance sheet ng teacher mo!"

Boses palang kilalang kilala ko na. Si kuya Lex. Monday? Kahit naman hindi Monday late ako ano. Tulad nga ng sabi ko kay kuya Hex, issue padin ba ang pagiging late ko araw-araw?

Pero teka, may mali eh. May mali talaga.

"KUYA! BAKIT IKAW GUMIGISING SAKIN NGAYON?!" napatayo ako kaagad. Sinampal sampal ko pa muka ko para magising nang tuluyan.

Shit. Hindi nga ako nananaginip. "Bakit?" masungit na tanong sakin ni kuya Lex habang inaayos yung mga pinamili namin ni Pete sa mall nung Sabado. "Bakit ba kasi naiisipan mong mag-suot ng mga ganito katataas na heels?" sabay angat sa pares ng sapatos na kulay black.

"Isa lang ang heels na meron ako FYI. Atsaka, hindi ko lagging gagamitin yan. Ang tangkad ko na masiyado para mag heels." Hinablot ko yung sapatos na hawak niya sabay itcha sa may kama ko.

Ligo ng limang minuto. Bihis ng limang minuto. Patuyo ng hairla ng tatlong minuto. Toothbrush ng thirty seconds. Hablot ng pandesal sa lamesa. Karipas sa labas para hindi mahuli sa skewela at para hindi masigawan ng dalawa kong kuya.

Pero kahit na anong gawin ko lagi parin talaga akong late T_T ba't ganun? UMAYOS NAMAN SANA TIME PHASE NG MUNDO.

xx

"GUYS!!! MEET JANO!" sigaw ni carlo na may buhat buhat na cute na tuta sa mga braso niya.

"Wow ang cute naman niya!" sabi ni Den sabay himas sa ulo ng aso. "Thanks! Matagal ko ng alam-"

"HINDI IKAW!" sabat naman ni Pete sabay agaw sa aso. Nag-apir naman kami ni Katelyn habang humagalpak sa tawa si Dennis. Ibang klase! May new member sa barkada! Si Jano! Yehey! XD

"San mo siya binili?" tanong ko kay carlo ng nailapag na ni Pete ang aso sa lamesa na siyang pinaikutan naming lahat. Agad namang nahiga si Jano at natulog. Ang cute lang.

"awwwweeee! Ang cute naman ni jano liit! Nag sleep na in the middle of the lamesa!" nag-pangalumbaba si Tine sabay ngiti sa tulog na si Jano. "Ano nga carlo? San mo binili si jano?" nilabas ko yung phone ko para kuhanan ng litrato ang bagong myembro ng barkada.

"Gagawan ko siya ng ID at Uniform na parang sa mga estudyante." Bulong ko sa sarili ko.

"Ah. Si Jano ba? Sa totoo lang hindi naman sakin si Jano. Kay Terrence talaga yan." nag-tinginan ang lahat atsaka sabay sabay na nag-react. "KAILAN PA SIYA NAG-KAHILIG SA ASO?"

"Ngayon alam ko na kung bakit ganiyan yan. Isa ring batugan yung amo. Sa soccer lang masipag." Mental facepalm inabot ko. Buntonghininga.

"Hoy, grabe ka. Hindi lang naman sa soccer masipag si Terrence eh." Sabi ni Dennis sabay inom sa bote ng tubig na kanina pa niya hawak-hawak. "Pati din naman sa pag-hahakot ng chiks." Dag-dag ni Carlo. ANO DAW?

Nag apir ang dalawang tukmol sabay halakhak. Kung legal lang na patayin kayong dalawa, matagal ko ng ginawa.

Tumingin agad si Den sakin. Yung mga mata niya nangungusap. Parang bumubulong ng, "Oh? Ano girl? Kakaskasin na ba natin mga gilagid nila?" Hay. Masasabi ko talagang bespren ko si Den. Parehas kaming nag papantasiya. Pero sa mag kaibang lalake nga lang.

Pareho pa kaming hindi maswerte sa ganitong mga bagay. Bakit ba kasi mga manhid at mga lalakeng hindi namin maabot ang pinili ng mga puso namin?

(A/N)

hay grabeeeeeeee. Grabeng late na ang update ko L may exmas kasi kami kaya kelangang mag review ng maigi :D pero still! Nakapag-update padin naman kahit papano :))))) enjoy niyo tong newly update chappy na itoooo :*

xx wushuREADIN :D

Not Your Typical GirlfriendWhere stories live. Discover now