Chapter 3 of 4:

196 6 0
                                    

Medin’s POV

 

Ewan ko kung magagalit ako kay Terrence nung dumating ako sa villa na prenepare ng barkada para sa birthday ko. It’s designed with pink and purple balloons and cute little butterflies hanging from the ceiling.

Ang dami nilang niready na food at sobrang ganda talaga ng ginawa nila sa villa ng village namin.

Pano ba namang hindi ako magagalit eh ang layo-layo ng nilakad ko. May acting pa ako sa madilim na villa na yun na parang nasa outer space ako sa sobrang lamig at dilim.

Tapos tumakbo pa ako papunta dito na sobrang bilis. Pakiramdam ko nga may paltos na yung paa ko eh. Pero keri lang.

Idagdag niyo na rin yung pamamasiyal namin ni Pete sa mall for how many long HOURS. Pero at least, may napala ako dun. Eh itong birthday party na surprise na ito? Napagod na nga ako, nakatitig pa sakin si Terrence na parang nakakita ng multo.

Inirapan ko nga.

“Ano? Masaya ka na?” tumawa naman siya at saka nag lakad palapit sakin. “Iniisip ko lang kasi kung tutulungan ba kita diyan. Baka kasi kung tulungan kita, ma sapak mo lang ako.” Inirapan ko ulit. Ano ba yun? Hindi yan yung ineexpect kong sasabihin niya.

hinubad ko yung heels ko at kumaripas ng takbo dito para lang sa mga tirada niya? eh halos wala na nga akong pakialam kung may nakakita nang underwear ko habang tumatakbo ako eh. Siguro dinaig ko na ang mga Jamaican Sprinters sa bilis ng takbo ko.

“Hindi mo na ako kailangan tulungan.” Umakyat na ako. Sinadiya ko pang mabangga ang balikat niya for more galit effect. “Ano pala meron? Bakit ang daming pagkain?” sinawsaw ko yung daliri ko sa choco-mocha cake na may nakasulat na “HAPPY 16TH BIRTHDAY MEDIN!”

“Hmm. Birthday ko pala?” isang bitter na tawa ang nailabas ng bunganga ko with instant pahid sa mga mata gamit ang mga daliri na parang naluluha na sa kakatawa. BUMENTA KA PLEASE?

“Nakapag-suot ka lang ng palda, nawala na manners mo?” aba-aba? Terrence, kahit na sabihin nating may gusto ako sayo, hindi ako papayag na ganiyan ang mga sinasabi mo sakin ngayon.

“Manners ba hinahanap mo? Hindi lang yung sakin yung nawala. Nasan na ba yung sayo? Hanapin mo nang may mapatunayan ka kahit papano.” Umupo ako sa may lamesa at saka yumuko para punasan ang mga mata kong nang-gigilid ng luha.

Naramdaman kong lumapit siya. HINDI AKO MAHINA.

“Terrence, hindi ako…!” na gulat ako ng Makita ko siyang nakatayo sa harap ko na may pink na rose na hawak. Shet.

“Bakit pala di ka nag susuot ng palda noon?” naka-ngiti niyang sabi sabay abot sa rosas. Hinablot ko at saka nilapag sa lamesa ng pagalit. Kunyare. Haha.

“Nag-papalda ho ako. Sa school.” Paliwanag ko sabay irap sa kaniya. Hindi ko talaga mapigilan ang pag tulo ng mga hinayupak na luha na kanina pa dumadausdos sa pisngi ko. Tumigil na kayo. Ano ba?

Not Your Typical GirlfriendOnde as histórias ganham vida. Descobre agora