Chapter 5:

120 6 0
                                    

Terrence’s POV

 

Nasa locker room ako ngayon kasama si Carlo. Nag-hahanda kami para sa training. Dahil kasi sa exams last week, hindi na kami masiyado nakapagtrain. Kailangan daw namin ng two-week body conditioning. Ewan. Ang arte ni coach ngayon eh.

The next thing I know, nag-iingay na naman si Carlo at nagrereklamo. Di ko masiyadong naiintindihan mga sinsabi niya kasi sobrang bilis niya magsalita.

Basta involved sa ranting niya yung coach namin at yung agad na pagtanggap ng team kay Jet kahit wala namang recruitment na naganap. Ganto na ba talaga ka desperado ang team na ‘to?

“Nakikinig ka ba ha?!”

“Ano ba? Di mo kelangan sumigaw Carlo. Rinig na rinig kita.”

“Terrence! Wag mong sabihin na papayag kang kuhanin nalang ng team yang si Jet? Eh kahit na san angulo mo tingnan, puro pandaraya eh! Porket galing amerika, na recruit na agad. Pano naman yung mga matagal ng nakapila sa puwestong siningitan lang naman niya!”

“Ang dami mong dada! Relief player lang naman siya eh. Walang dapat ipag-alala dun.”

“Relief player nga. Pero once na pinasok yan sa field at nag-mayabang dun, kahit ako kaya niyang palitan. Maging ikaw, pwede niyang agawan.”

Yan naman ang hindi mangyayare. Alam ko at ni Carlo na hindi ko hahayaang mangyare yun. Three years na akong Mid-fielder at ace ng team. Ayoko namang maagaw lang sakin ng ganun-ganun lang yung bagay ng sobra kong pinaghirapan ng buong buhay ko.

Umiling-iling ako.

“Tara Carlo.”

“Date tayo? Saan?”

“Engot! Training na!”

xx

“AHHHHH! RAMDAM KO NA YUNG ABS KO!”

Yan na naman si Carlo sa mga kalokohan niya. Parng 2 hours training lang ginawa namin, abs na agad nasa isip niya. Nasa locker room na ulit kami ngayon at nag-bibihis na. Mula nung magsimula ang training, hindi ko pa nakakausap si Jet. Siguro mabuti narin ‘to para makapagpahinga naman ako sa mga balak niya.

“Ikaw pre? Ramdam mo na ba abs mo?”

“Ewan ko kung engot ka lang talaga o engot at boplaks.”

“Sakit mo magsalita ah! Inggit ka lang sa abs ko eh!”

“Sinong maiinggit sa abs mo. Eh tinataguan nga katawan mo eh!”

“May abs ka ba rence?”

“Nababading ka na ba?”

“Medyo.”

Not Your Typical GirlfriendWhere stories live. Discover now