Chapter 6 of 3:

83 6 0
                                    

Medin's POV

"Excuse me? Sino ka at anong ginagawa mo dito?" tanong ko habbang nakatayo sa door frame. Fingers crossed. Sana si Terrence 'to. Nung tumalikod yung lalake sa na nakatanaw sa bintana, parang nag-slow motion ang mundo. Alam niyo kung bakit? Kasi hindi siya yung inaasahan ko.

"Hi. I'm Terrence's cousin." Seryoso niyang sabi. Tinitigan ko lang siya na may halong inis. "Wala akong pakialam kung sino ka. Nasan si Terrence?" sabi ko habang nakatingin sa kaniya ng deretso. Sana ramdam mo ang talim ng titig ko. "Oh. Hindi ko alam kung nasan si kuya Terrence. Basta pinagbantay niya ako dito." Sabi niya sabay taas ng balikat. So mas matanda kaming dalawa sa kaniya.

"Ikaw siguro yung kwinekwento niya sakin. Medin diba? Ang plain mo masiyado. Kakaiba ka sa mga naging girlfriend ng kuya-pinsan ko." Kumento niya. "Sutil ka ah! Ano gusto mo away o gulo?!" nag lakad ako papalapit sa kaniya tapos tinaas naman niya yung dalawang kamay niya nung dadampi na yung kamao ko sa pisngi niya. "ate, kumalma ka pwede? Boto padin naman ako sa'yo kahit papano. Yun nga lang, ayaw ka ng mommy ng pinsan ko." Derederetso niyang sabi. Dahil sa narinig ko, parang nanlambot ang mga kamay ko at kusang bumaba ang mga ito.

"Oh." Matipid kong sagot. "Oh? Ang pathetic mo masiyado. I'm Elexir Virjilio Buenavista. Terrence's cousin. We're at the same age." Sabi niya tapos inabot niya yung kamay niya sakin. "Why are you telling this to me?" tinitigan ko lang siya. "Why? Hmm. para hindi ka na masaktan?" sabi niya sabay taas ng kilay na parang hindi pa sigurado sa mga sinasabi.

Please. Hindi pa po nag sisimula ang love story naming ni Terrence may hahadlang na agad? Pwedeng pa extend naman po? Lord naman eh :(

"I better go. Okay ng narinig mo yung mga gusto kong sabihin. His mom has cancer. She needs Terrence in her side. Kailangan niya ang anak niya ngayon. Kung mahal mo si Terrence papalayain mo siya." Tapos umalis na yung "pinsan" ni Terrence. Ako? Andun. Parang isang batang inagawan ng lollipop. Sa lahat ng narinig ko, hindi pa ba ako iiyak? Ayokong maging selfish pero, hindi pa nga nag sisimula love story naming mauudlot na? bakit ganun? Talaga bang sobrang ayaw kaming magkatuluyan ng universe? Ginawa ko naman lahat ah. Sinunod ko yung punyaterang list na yan!

Pinagsisikan mo yang sarili mo. Walang kasalanan ang tadhana. Ikaw nga yung naki-usap sa universe diba? Kaya kasalanan mo na nasasaktan ka ngayon.

Sa dinami dami ng narealize ko, bigla nalang nagflash-back ang lahat. Tinignan ko yung mga litrato namin ni Terrence nan aka sabit sa may kisame ng kwarto. Meron dun yung kumakain kaming barkada ng kwek-kwek. Meron dun yung nakaupo kami ni Terrence sa bench malapit sa field. Meron din yung naka-upo kami sa damuhan habang nagtatawanan. At madami pang mga litrato na sabay kaming kinuhanan. Pero ang nag pakawala sa mga luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo at yung mensahe nung mga litratong yun.

Lumayo ako sa mga litrato. At dun ko nakita ang mga letrang binuo nila.

"You're not the Typical Girl I usually go out on a date. Yes. You're plain and dull but you're the only girl on the surface of the universe that I wan't to ask... Will You Be My Girl?"

Umiyak ako. Umiyak ng umiyak. Bakit ngayon pa? bakit ngayon na magsisimula na ang lovestory namin saka naman mauudlot? Wala naman akong ginawang masama. Hindi ko kaya na mabuhay sa bawa't araw na may pag-sisisi ako. Pero ayoko din na mabuhay sa bawa't araw na gumawa ako ng desisiyon para sa sarili ko. Ano bang gagawin ko. Anong dapat kong gawin?

Siguro mas kakayanin kong masaktan para sayo. Pero hindi ko kayang nakikita kang nasasaktan dahil lang sakin. Terrence...

"Medin?" sa kalagitnaan ng pag-iyak ko. May narinig akong boses na tumawag sakin. Isang boses na hinding hindi ko kayang makalimutan. "T-Terrence?" sabi ko habang sinusubukang punasan ang mga luhang walang tigil sa pag-tulo.

Kahit na blurry ang paningin ko nakikita ko ang lungkot at pag aalala ni Terrence. Pinuntahan niya ako atsaka ako niyakap. Dahil dun, naiyak na naman ako. Grabe. Ang sakit na nakikita ko siya ngayon. Ang sakit na alam ko na palalayain ko na siya pero siya hindi niya alam yung dahilan. Ang sakit na ang unfair ng universe saming dalawa. Ang sakit dahil nakilala ko siya.

"Bakit? Hindi ka ba natuwa?" nalulungkot niyang sabi. Magkayap padin kami ngayon at hindi ko mapigilang hilingin n asana huminto ang oras at panahon para lagi nalang kaming magkayakap. "N-Natuwa a-ako." Pinilit kong ngumiti kahit na muka akong tanga sa mga pinag-gagawa ko.

"Ano bang nangyare? Ayokong nakikita kang umiiyak." Humiwalay si Terrence sa pagkakayakap saka niya ako hinarap sa kaniya. Nakayuko ako. I'm just sobbing infront of him like a defenseless child. Ayokong mag-mukang mahina sa harap niya pero hindi ko mapigilang umiyak. Kahit naman sino maiiyak kapag ganto ang magiging kahihinatnan ng love story nila diba? Sinong bang engot ang ngingiti sa oras na 'to. Wala.

"Terrence... H-Hindi ko alam." sabi ko. Pinunasan ko ang mga luha ko atsaka ngumiti. Sinubukan ko pero hindi ko nagawa. "Medin. Yung look so dashing with your dress. Ang ganda mo. Hindi ko mapigilang ngumiti at mahalin ka pa lalo. Medin, ngumiti ka na para sakin? Kahit para sakin lang. ayokong ganiyan ka."

Iniangat niya ang ulo ko saka pinunasan ang mga hinayupak na luha na tumutulo. "Terrence, ayoko k-kasing mawala ka s-sakin." Hinawakan ko yung kamay niya na naka hawak sa muka ko. "Ayokong u-umalis ka." Tuloy ko. Ngumiti lang si Terrence sakin. At wala niyang pag aalinlangang sinabi ang mga katagang alam ko na kapag narinig ko, hindi ko na kakayaning pakawalan pa siya.

"Medin. I wan't you to be mine. Only mine. And if you stay with me, nothing can tear us both apart. Kahit sino man yan. Medin, hinding hindi kita iiwan. Tanging entrance lang ng mall ang makakapag-hiwalay satin. Other than that, wala na." ngumiti siya. Yung ngiting care free at tanging pure happiness lang.

"Terrence. Ganun din naman ako eh."

"Eh ano na sagot ng babaeng mahal ko?" ngumiti siya ulit ng nakakaloko.

"I'll be staying by your side. I wont let go. I promise." Selfish na kung selfish. Sa ngayon, gusto ko munang mag-mahal ng walang iniintindi. Uunahin ko na muna yung sarili ko. Whatever the consequences will be, alam kong hindi na ako mag-iisa sa pag harap sa kanila. Because I have this guy with me. I have Terrence with me no matter what.

Virjilio, I don't know why I love you this much.

"I love you, Medin."

(A/N)

and viola! Hope you like-like-like the update! :D medyo sad nung una diba? Pero nakabawi! Hahahaha! Yie! Ang saya mabuhay. Kaso madaming naglipanang epal. Basta ang mahalaga naman eh, be strong and keep on going.

Hihi. Ano guys? Love ko kayo kaya may ganitong chapter! Haha :) vote comment and share lovies :* mwa mwa mwa!

xxwushuREADIN :D \m/

Not Your Typical GirlfriendWhere stories live. Discover now