Chapter 3 of 3:

194 6 0
                                    

Terrence’s POV

 

Masiyado na akong pinag-papawisan. Sobrang kinakabahan at hindi mapirme sa isang lugar. Putaragis naman kasing birthday surprise na ‘to! Mga pare, para lang malaman niyo, first time kong gawin ‘to sa best friend ko pa. Na, take note, isang babae.

 

Kinakabahan ako. Doble pa sa inaakala niyo. Hindi ko alam kung ano mangyayare o kung pano sisimulan. Kung tutulungan ko ba siyang umakyat sa hagdan na daraanan niya mamaya o tititigan ko lang siya?

Sa sixteen years na mag-kasama kami, ang ineexpect ko, mag sasawa ako sa mga jokes niya na paulit-ulit niyang binabanggit pag malungkot ako o pag nag-break kami ng mga naging girlfriend ko. Akala ko din, maiinis ako sa kakulitan niya at sa pagiging bipolar niya.

Pero nagkamali ako. Lahat ng mga expectations ko binago ni Medin. Ganun kaimportante sakin ang loka-lokang yun. Iniisip nga ng iba, sa sobrang close namin, mag syota daw kami. Pati mga ex ko, pinag seselosan siya.

Natatawa nalang ako kasi impossibleng mangyare na maging kami. Mga hinala naman talaga.

“HOY! TERRENCE! KANINA KA PA NAKANGITI DIYAN.” Di ko namalayan na sinisigawan na ako ni Den-Den mula sa malayo. “Ah. SORRY!” nagising tuloy ako sa realidad.

Mga ilang minuto pa ay nakatanggap na ako ng text message galing kay Tolits (Carlo)

From: Ungas

Tolits! Mga 0.01 seconds nalang andiyan na si Medin.

Punyeta pare! Ang bilis mag lakad!

Tarantado talaga ‘tong si Carlo kahit kailan. Puro kabal-balan mga pinagsasasabi. Napailing ako sa text message niya at ngumiti. “It’s now or never Terrence. Make this night special for Medin.”

xxx

Medin’s POV

 

Naasar na ako sa kakuparan mag maneho netong si Dennis. Gusto ko ng umuwi sa bahay at mag pahinga. Hindi pa ba sapat na libutin naming ni Pete ang kasulok-sulukan ng mall? Tapos ngayon may “SURPRISE” ulit? Nyeta. Kaya ayaw ko ng birthday with friends dahil sobra sila kung mag effort ng surprises.

“Pansin ko lang ha? Bakit parang ang kupad natin?” halos patayin na ni Pete si Dennis ng irap. “Ano ba Pete. Alam mo ba ibig-sabihin ng ‘Drive Safely’?” kumamot si Dennis sa batok niya. Halatang naiinis na.

“Pare, lumiko ka na diyan para di na tayo dumaan sa highway. Traffic na ngayon.” Sabi naman netong si Carlo. “Ready ka na para sa last surprise of the day?” nginitian ako ni Carlo. I smiled at him. Bitterly.

“Grabe Din ha. Ampanget mo.” Inirapan ko si Carlo. BIRTHDAY KO.

xxx

Mga dalawang liko pa, nakarating na din kami sa nakakatakot na lugar na ‘to. “Hoy! Kayong dalawa! Anong ginawa niyo?! Bakit ang chaka ng lugar?!” nag sisisigaw na si Pete. Ako naman biglang tumaas balahibo. “Tsk. Gusto yata akong patayin ng mga g*gong ‘to.” Bulong ko sa sarili ko.

Not Your Typical GirlfriendWhere stories live. Discover now