Chapter 1:

690 12 4
                                    

Medin's POV

Kung nag hahanap kayo ng kwento mula saakin, hindi ako magpapahuli diyan. Marami akong baon! Sa katunayan nga, mala MMK nga kaya ang takbo ng buhay ko.

Katulad niyo, isa akong hopeless romantic na tao. Wala akong inatupag kundi ang mag basa ng mga kwento sa Wattpad na naging paborito ko nang gawain. Ngayon nga meron na akong singkwentang added stories sa Reading List ko. Lahat ay nabasa at paborito ko.

Kahit na puro Wattpad stories ang laman ng utak ko, syempre nagaaral parin ako, hindi lang talaga mahalata ng mga teachers at mga kuya ko. Sabi nga sakin ng Math teacher ko, bakit daw may 93 akong average sa Math eh hindi naman daw niya akong nakikitang nagbabasa sa loob ng klase. Hindi nga daw ako nag dadala ng libro. Which is somehow true.

Gusto ko ngang sagutin at sabihing, "anong gamit ng library?" pero ngalang, mabait kasi ako kaya kahit gustuhin ko man, hindi ko parin gagawin.

Last year na nga namin ngayon sa High School eh. Sayang lang dahil konting panahon nalang ang sasayangin namin dito sa St. Joseph. Hahaha! Joke lang.

Ako? Ako yung high school student na hindi matiyaga sa pag aaral pero may top. Hinding-hindi mo aasahan. Natatawa nga sakin si Katelyn eh. Siya kasi ang top one sa klase namin. Pano ko daw nagagawang hindi mag-aral pero still top three sa klase. Syempre, sikreto ko na yun!

Pag dating naman sa ka-ingayan at kalokohan, hindi din naman ako nag papahuli. Pero shempre, ang pers honor si Den-Den Dela Vega Agoncillo. Matatagalan kapag sinabi ko pa buong pangalan niya! Mahaba eh! Parang may Protacio Viceral Bonefacio Luna Rizal Cojuanco sa pangalan niya. Masiyadong mahaba -.- sipag mag isip ng magulang niya. Eh ako? Isang boring na Medin Anne Ramos and nagawang ipangalan.

Di manlang dinagdagan kahit ganto lang: Medin Anne Maganda Pa Kay Anne Curtis At Jessie Mendiola Ramos. Oh diba? Mas maganda sana pakinggan! Hindi yung Medin Anne lang. Parang walang kalatoy-latoy eh -______-

Ngayon nga ay kasama ko si Den at as usual nag bubunganga na naman at panay pa ang hampas sa likod ko -_______-

Den: Medin!!! Ang gwapo talaga ni Ervin ano?! Nakita ko siya kanina eh! Nasa canteen siya! Kinawayan ko pa kaya!

Ang saya naman talaga netong si Den at kailangan pang manghampas. Isang matindeng hambalos pa, malalaglag na talaga ang baga ko sa sahig!

Iba talaga ang tama ng bes ko sa Ervin Lance Baldomeo na yan. Pano ba naman, hindi lang gwapo at mayaman yang si Ervin. Siya lang naman ang captain ball ng Basketball team ng St. Joseph! Talaga nga naman!

"Ano ba Den?! Tatlong taon mo nang pinag papantasiyahan yang si Ervin, may napala ka ba?" tinaasan ko siya ng kilay na naging dahilan naman ng pag pout niya at pagpapacute na naman para kampihan ko naman siya at supportahan kahit minsan lang. Good thing, immune na ako sa mga kaartehan niya. Matagal na!

Den: ih! Wala. Pero ito nalang kaligayahan ko no?! Atsaka isa pa, tanggap ko naman na kahit kailan, hindi niya ako mapapansin.

Umiling-iling ako sa kadramahan ng kaibigan ko. Kung alam ko lang, lagi mong pinag dadasal na sana umikot ang mundo pabaliktad at dumating ang panahon na mainlove din sayo si Ervin. Wala din naman akong magagawa, kaya naman go lang siya.

Napatingin ako sa may field at nakita ko si Terrence na nakatambay sa may bench sa malapit. Kasama niya ngayon si Carlo na punong-puno ng kalokohan ang utak. Napapangisi nalang ako sa mga nakikita ko ngayon.

Sorry. Hindi pa ba halata? Oo. Parang ang bespren ko, nagiilusiyon din ako. Pero a little bit slightly only. Oo na. Sige na. Fine. Mas ilusyonada ako kesa sa bespren ko -.- Pero hindi ngalang ako kay Ervin may gusto. Hindi parin ba halata? Kay Terrence! Siya gusto ko. OO siya! Hindi ka nag kamali nang basa. T E R R E N C E.

Nakakainis nga eh! Bakit kasi sa kaibigan at ka barkada ko pa ako nag kagusto? Eh pwede naming sa ibang tao nalang. Ang puso nga naman talaga. Punong-puno ng surpresang hindi mo lubos inaasahan.

Hindi ko namalayan na medyo matagal na pala akong naka-tanga sa dereksiyon ni Terrence at Carlo. Nalaman ko nalang na kinakawayan pala ako ako nito nang batukan ako ni Den.

Ako: Aray ha?! Para saan naman iyon?!

Den: yung Terrence mo kumakaway sayo!

Ang puso ko Terrence Virjilio. Kainis naman eh! Kinikilig tuloy ako :")

----------------------------------------------

(A/N)

First ever Tagalog novel koooo :D support, comment, share and vote na din! Sige, ako na makapal muka! Hahaha! thanks guys! Mwamwa!

Not Your Typical GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon