Chapter 2 of 2:

269 9 0
                                    

Medin's POV

Umuwi ako sa bahay na hindi mapinta ang muka. May halong yamot, galit at lungkot na nag sabay-sabay enexpress ng pag-mumuka ko.

I-imagine mo kung gano ka-panget ang aura ko ngayon? Kasuka lang eh.

Kainis kasi si Terrence! Hindi na nga ako naka-kain ng Kwek-kwek, hindi ko pa siya nakasabay pauwi! Hanep! First time talaga tong mangyare. Simula kasi nung mag grade school kami nung dungaw na yon, mag kasabay na kaming umuwi at pumasok sa school. Tapos ngayon lang, iniwan pa ako at naunang umuwi. Bwiset!

Nang maramdaman nang mga Kuya ko na nakauwi na'ko nang bahay, agad akong kinutusan ng Kuya kong si Kuya Lex. "Aray! Bakit yun?!" Sigaw ko habang hinihimas nang bahagya ang batok ko. Bad mood na nga eh!!!

"Iniwan mo lang pinagkainan mo kaninang umaga sa lababo! Hoy! Wala tayong katulong. Baka limot niyo na ho kamahalan?" Parang si mommy talaga si Kuya Lex. Katunog pa ni mommy Kung mag salita. Matabil ang dila ng kuya kong 'to. Kahit na nakakasakit, basta totoo ang sasabihin niya, sasabihin niya parin. Sarap pagulungin sa pison no?

Nginitian ko nalang siya at nag sorry dahil mabait akong kapatid. Pero kung ako talaga mas matanda dito Kay Kuya Lex, bubusugin ko to ng kutos at sipa araw-araw! Joke! Mabait nga ako diba? Hahaha!

Sakto, pag baba ko ng bag ko sa sofa, bumaba galing itaas si Kuya Hex. Kambal ni Kuya Lex. Mag kamuka sila eh. Pero ang pag-kakaiba lang, si Kuya Hex, may salamin at mukang matalino. Si Kuya Lex naman, mukang matinik sa chiks at mas malaman kesa Kay kuya Hex. Si Kuya Hex kasi, puro basa nang libro. Hindi manlang mag work out. Buti kamo, gwapo at matalino. Dun palang bawing-bawi na si kuya Hex.

Tatlo lang kaming mag-kakapatid pero sabi nang mommy, para daw siyang nag-papalaki ng isang dosenang anak sa katigasan daw nang ulo namin. Napapailing kaming tatlo kapag sinesermonan kami ng parents namin. Kapag naalala ko, napapangiti nalang ako nang hindi inaasahan :D

ISS! Badtrip ako! Badtrip ako sabi eh!

Bad trip ako dahil dun kay Terrence Virjilio! Bwiset yan! Kung hindi dahil sa kaniya edi sana full smile ako ngayong araw na 'to. Ang astig nang gising ko at start ng klase eh! psh!

Umakyat nalang ako sa taas at nag bihis. Pag-katapos nun nag scan nang notes. "Wala naman palang assignment eh." bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang mga nilabas kong libro sa bag ko. Nang matapos ay nag log-in na ako sa wattpad at nag-basa. Ito nalang talaga ang nakakapag-pasaya sa akin ngayon. Ito lang!

----------------------------------------------------

Matapos umiyak dahil sa istoryang binasa ko sa wattpad humiga ako sa kama ko. "Kailan kaya darating si true love?" bulong ko sa sarili ko habang pinupunasan ang mga luha na walang tigil sa pag-patak. Baliw na yata mga mata ko. Bumangon ako dahil pakiramdam ko kailangan ko nang bumalik sa realidad. Ang realidad na mas masaklap pa sa sad ending ng storyang kababasa ko lang. Ang nakakalungkot na realidad na kahit anong pag papapansin ang gawin ko, hanggang prends lang talaga kami ni Terrence.

Mga ilang minuto ang lumipas, naubusan na ako ng lakas para mag emo kaya naka-tanga ako ngayon sa langit. Ang daming bituin at hugis kuko and buwan. Alam mo yun? Crescent? Ano ba yan! Hina naman nang imagination mo idol! Yun na nga, naka-tanga ako sa kalangitan nang mag ring ang cellphone ko. Hindi ko alam kung ba't may tumatawag sakin, kaya kahit labag sa kalooban kong sagutin ang unregistered number na tumatawag, ay ginawa ko nalang.

"Hello?" 

"HI MEDIN! ITS TINE HERE!" ang lakas talaga nang boses netong conyo diva na ito!!! Hindi rin nauubusan nang energy! "Bakit na naman ba? May nakalimutan ka na naman bang sabihin sakin?" patamad kong tanong sa kaniya. "Hay, I can feel your katamaran here! Cheer up ka naman! Ang ganda kaya nang ibabalita ko sayo!" nararamdaman ko ang pag hampas ng kamay niya sa hangin. You know, for additional pasosyal accent? 

"Listen okay? Pag hindi mo na gets, I wont repeat na." sabi nito sabay hinga nang malalim. Inayos ko ang upo ko at niloudspeaker pa ang cellphone ko. Listen nga daw eh. 

"I made chika with Carlo kaninang Araling Panlipunan." masigla niyang sabi. "Aba, kung tungkol kay Carlo yang kwento mo, ibaba ko na to!" sabi ko sa kaniya na may halong pag babanta. "Hay nako Medin. You need to listen to me or else you'll lose your chance.' malungkot na sagot netong si Tine. "Sige, I'll just chika it to you tomorrow, okay? Para we're with Den-Den, Katelyn and Pete na din." 

"Okay. See you!" pagtapos nang chika na yon, naramdaman ko na ang pagod sa buong mag hapon. Hindi ko namalayan, pinapanaginipan ko na naman si Superman.

-------------------------------------------------------

(A/N)

Wala akong maiisip na Cast for Medin and Terrence. Ang hirap mag decide eh. Boyish kasi tong si Medin. hahaha. Silent readersssssss :D vote, share, and leave a comment :DD <3

Not Your Typical GirlfriendWhere stories live. Discover now