Chapter 2 of 6:

205 9 0
                                    

Medin's POV

Naghiwalay na kami nang landas nina Pete at Dennis sa may kanto. Kami ni Terrence, bilang magkapit bahay kami ay sabay na kami nag lakad pa-uwi. Ngayon yung pers time na walang kilig-kilig akong nararamdaman. Ewan ko, nag vanish bigla sa kawalan.

Napaka-bipolar naman netong si feelings.

"Din!" liningon ko si Rence. Naka-ngiti pa 'to at naka-tayo sa tapat nang tindahan. "Gutom na ako." he mouthed. "Kakakain mo lang nang kwek-kwek gutom ka na naman?" Ang siba naman talaga. Napa-kamot nalang ako sa ulo at patamad pang lumapit kay Rence. Tumigil ako medyo malayo parin sa kaniya.

Ako: Rence naman eh. Uwi na kasi tayo!

R: Lapit ka muna dito *smirks*

Tengena! Ang demanding naman talaga. Lumapit ako nang onti sa kaniya. "Aish! Din ah!" hinila ako ni Rence papunta dun sa bangko sa tapat nang tindahan. Doon kami naupo habang inaantay namin yung softdrinks at turon na binili nitong si Terrence. Libre naman niya eh. Kaya di na'ko umangal. Tinuruan ako nang mga magulang ko na maging magalang sa ganitong mga pag-kakataon. Bawal tanggihan ang grasiya.

Nang inabot na ni manang yung binili netong si Terrence, nilantakan niya kaagad. Grabe! Sa sobrang siba, hindi ko magawang kagatin yung turon ko. "Ba't di ka kumakain? Libre ko yan oh." tinitigan ko lang siya habang kumakain. Bakit ganun? Pag si Rence na yung gluton, ang cute tignan. Pag ibang tao, ang baboy eh. Gusto mo nalang masuka.

"Gusto mo pa?" inabot ko yung pagkain ko sa kaniya. Tinitigan lang niya, "Ano ka ba Din. Libre ko yan eh. Tapos tatanggihan mo lang. Pero kung gusto mo, sige." hinablot niya sakin yung turon. Susme Terrence, wala ka ba talagang kabusugan? "Maiimpatcho ka diyan sa ginagawa mo eh."

Pumamewang ako sabay taas nang kilay sa kaniya. Nginitian lang ako nang loko. "Din, maiba ako. Ano paborito mong kanta?" sabi nito habang sinisipsip yung softdrinks niya. with matching "aah!!!" pa sa huli. Sound of refreshment? PUNYETA WAG KAYONG GREEN MINDED!

ako: ikaw? ano paborito mong kanta?

Terrence: pinasa mo lang yung tanong eh.

Ginulo ni Terrence yung buhok niya. Ang cute lang niya tignan pag-naiinis. "So ano na nga?" tanong niya ulit. Umupo ako sa tabi niya. "Uhm? Kapikon naman nang tanong mo." I said with a thinking gesture. Medyo chill lang si Rence ngayon na naghihintay nang sagot ko.

"Kung 'Your Love' by alamid, masiyado nang gasgas. Kung 'Para Sayo' nang parokya masiyadong pa-assume ang message. Eh kung 'Moment of Truth' nalang kaya?" tinignan ako ni Rence. Siguro agree siya sa choice of music ko. Idol kasi niya FM Static. 

"Moment of Truth talaga?" tanong nito na medyo natatawa pa. "Eh ano gusto mo? Wrecking ball ganon? O baka naman inaasahan mong Pusong Bato paborito kong kanta?" inirapan ko siya. "Eto naman di mabiro oh. Sorry na Din. Ang cool lang kasi nang choice of music mo." tumayo ito at nagsimula nang mag lakad. Sinundan ko naman. Baka kasi may tambay eh. 

***

"Oh Din, bukas nalang uli ah. Agahan mo naman gising mo nang di ka na malate." matawa-tawa niyang paalala sakin. "Oo na Terrence. Pero hindi ko ma p-pramis." naglakad ako papuntang pinto namin. "Din!" sigaw ni Terrence nang maka-rating na din 'to sa harap nang pinto nila.

"Good night Medin." ngumiti ito sakin nang sobrang tamis. Yung muka ko sa panlabas napaka-plain lang. Halos walang facial expression. Pero yung puso ko? Shet. Parang si Pete kung makatalon sa tuwa. Halos madamay na lungs ko, di nako makahinga. 

"Sige lang. Good night din Rence."

Edi nakabawi na si Terrence dun sa Kwek-kwek. Masaya na uli ako :D 

-------------------------------------

(A/N)

Lakas maka-good vibes netong si Medin. Hype ako nung sinusulat ko kasi ang daming nag-kakagulong ideas sa utak ko habang sinusulat ko 'to :DD

Vote, comment, share :DDD happy saturday silent readers!!! :D

Not Your Typical GirlfriendOnde as histórias ganham vida. Descobre agora