Chapter 6:

103 6 1
                                    

Medin’s POV

 

Mapayapa akong naglalakad sa pagitan ng dalawang bookshelf sa library namin. I was busy scanning astronomy when I heard someone making sutsot (wow. Hi TINE! XD) “Walang manners.” Bulong ko sa sarili ko. Alam na nasa library, may ganang mang sutsot ng tao. Kung hindi naman makapal ang muka.

“Uy.” Sabi ng isang lalake. “Psst!” ulit niya. nakakagago na ha. Nakakagago na talaga! “Alam mo ba yung salitang MANNERS?!” sigaw ko.

“SHHHH!” sabi nung librarian na nakaquota pa pala sa upuan niya. Nag bow ako para magpaumanhin saka ko tinignan ng masama yung sumotsot sakin na naging dahilan ng pag-sigaw ko.

“Sorry. Napagalitan ka pa tuloy.” Pag sosorry nung lalake sa kabilang gilid ng bookshelf. Tinanggal ko yung astronomy book na kay kapal-kapal na humaharang sa muka nung lalake.

“HI.” Sabi ni Terrence na may hindi maipaliwanag na ngiti sa kaniyang mga labi. Nakakaloko talaga ‘tong taong ‘to. Kung saan saan nalang sumusulpot na parang kabuti. Pero aaminin ko, nakakakilig yung pagsulpot sulpot niya kung saan saan kasi hindi ko yun inaasahan.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko habang papunta siya sa kung saan ako naka-tayo. “Hindi ko naman talaga plinanong magbasa, pero nalaman ko kasi na nandito ka kaya pumunta ako dito.” Sabi ni Terrence na may malawak na ngiti.

“Nga pala, para saan yang astronomy?” dugtong niyang tanong. “Tinignan ko lang kung ano ba talaga ang totoong itsura ng stars.” Ngumiti ako atsaka binalik ulit yung libro sa bookshelf. “Hm? Hindi ba parang late ka na sa pag-tuklas niyan?” natatawa niyang tanong. Tinignan ko siya atsaka ng pout, “Nothing is ever too late.” Banggit ko atsaka naglakad ng palayo sa kaniya. Agad naman niya akong sinundan.

“Edi its never too late for me to be your last dance sa Christmas ball?” agad akong nalingon kay Terrence. Oo nga pala ano,  isang week nalang, Christmas ball na. Naalala ko tuloy, si Jet nga pala ang date ko dun. Huminto ako atsaka ko hinarap si Terrence sakin. “Oy, sabihin mo nga sakin. Nasabi mo na ba kay jet?” seryoso kong tanong,

Tumango siya na parang bata. “Kelan?” tanong ko ulit. “Kahapon.” Matipid niyang sagot habang nakatingin padin sakin. Tinaas ko ang isa kong kilay. “Anong sabi niya?” nagkibitbalikat siya at saka nagsalita.

“Sinapak niya ako.” Kalmado niyang sabi.

Sinapak lang pala eh-

“SINAPAK KA NI JET?!” sigaw ko. At shempre, nakagarner na naman ako ng isang mahabang SHHHHHHHHHH! Mula sa librarian namin. Kinaladkad ko si Terrence palabas ng library. Kelangang magpaliwanag sakin ni Terrence ngayon. As in now na!

xx

“Sabihin mo lahat.” Panimula ko nung nakadating na kami sa likod ng dormitory ng mga college students. Nakasandal ngayon si Terrence sa may Mahogany tree at ako naman nakatayo at naka cross arms sa di kalayuan at sapat na para marinig kung ano man ang mga sasabihin niya.

Not Your Typical GirlfriendWhere stories live. Discover now