Chapter 3 of 1:

225 8 2
                                    

Medin’s POV

Natapos ang isang linggo na hindi ko manlang naramdaman ang presence ni Terrence. To add to that, hindi ko na nga siya ka-klase, hindi na din siya nakakasabay nang barkada tuwing lunch kasi umaalis ito. Hindi ko nga din alam kung saan pumupunta eh.

Tuwing uwian, nauuna siyang umalis kesa samin. Kapag umaga naman, lagi siyang late. Kahit na gustong-gusto kong tanungin kay Terrence kung anong kumakain nang oras niya, hindi ko din naman magawa kasi tuwing nag-kakasalubong kami sa corridor, lagi siyang nag mamadali.

Hindi naman siya nag mintis na itext ako. Thankful ako dun kaya kahit na papano, wala naman akong tampo o galit sa kaniya.

Sabado ngayon. Nagising akong walang kalatoy-latoy. Actually, nagising akong bipolar. Lumabas agad ako para makalanghap nang sariwang hangin. Sakto, naabutan ko si Terrence na umiinom nang kape sa garden nila. Nakatalikod siya sakin pero alam kong suot niya salamin niya ngayon.

Ilang taon ko na din siyang di nakikitang nakasalamin. Mula kasi nung nag High School kami, nag contacts na si Terrence kasi sumali siya sa soccer team. Mas guwapo siya pag nakasalamin, promise. Medyo ka-aura niya si kuya Hex pag nakasalamin.

Para maiwasan ang sobrang awkward na aura na bumabalot sa pagitan namin, pinili ko nang pumasok sa loob pero- “AY TEKLANG KABAYONG MUKANG PALAKA NA NAGLALAKAD SA LUNETA!”

“Medin?” napalingon si Terrence sa akin. Grabe nakakahiya :’( gusto ko nang ilibing  sarili ko nang buhay. “Ha? Oy, Terrence! Andiyan ka pala.” Patay malisiya nalang! Wala na akong maisip na excuse eh. “Uh, oo eh. Hinihintay kasi kitang lumabas.” Nginitian ako ni Terrence sabay kamot sa batok.

 

BAKIT BA KASI ANG LAKAS NANG TAMA KO SAYO?

“Ha? Bakit naman? May lakad ba barkada?” nakakunot ang noo kong sabi. “Ah, wala naman, Medin.” Tumingin ito sa baba sabay tingin uli sakin. “Happy Birthday Medin!” bati nito na may ngiti sa mga labi.

Namiss ko siya nang sobra. Lahat tungkol sa kaniya. Yung ngiti niya. Yung muka niya. Yung- teka? BIRTHDAY?

Tinalikuran ko muna si Terrence at prinoseso ko yung sinabi niya. Ngayon na ba yung Birthday ko? Seryoso? Bakit hindi ko alam? Inabduct ba’ko nang mga aliens kagabi?

Dahil nagkakagulo na ang mga bagay-bagay sa utak ko, “KUYA!” sigaw ko. I need someone to bring me back to reality. Birthday ko na pala di ko manlang alam. Kinakalimutan ko na sarili ko dahil the past week si Terrence lang inaalala ko at yung Typical Girlfriend List na kakyemberluhan lang naman ni Tine.

Agad-agad naman akong pinuntahan nang dalawa kong kuya, “Teka. Diba sabi ko KUYA lang? Buti sana kung KUYA’S diba? Hindi ba kayo nakikinig sa English class niyo o kinalimutan niyo na ang singular at plural dahil nag college na kayong dalawa?” nagkatinginan si Kuya Hex at Kuya Lex.

“Ikaw nalang kumausap sa loka-lokang yan. Mas mahaba pasensiya mo sakin.” Pumasok na ulit sa bahay si Kuya Lex na mukang irritado. Kung sana marunong kayo nang singular at plural -__-

Not Your Typical Girlfriendحيث تعيش القصص. اكتشف الآن