Chapter 4 of 7:

127 5 0
                                    

Terrence’s POV

 

Habang kinakanta ko yung mga awiting “Close To You” at “Out of My League” nakatingin lang ako sa mga mata ni Medin. Habang siya… ang cute niya pag natataranta. Haha. Kung san napupunta yung tingin ng mga mata niya. Kung saan saan siya humahawak. Sa bewang, sa buhok, sa noo, sa tenga. Hindi din siguro niya alam na namumula siya kanina.

Ang saya saya ko kanina. Parang baklang nagtatatalon sa tuwa yung puso ko. Parang sasabog na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko talaga mapapatawad si Jet pag sinaktan lang niya si Medin. Hindi ko siya mapapatawad.

Sinakripisiyo ko kaligayahan ko para sa kaniya na kaibigan ko. Kahit na kumukulo dugo ko sa kaniya ngayon, yun ay dahil sa nararamdaman kong kompitensiyahan sa pagitan namin pag nandiyan si Medin. Pero pag wala, buddies talaga kami. Hehe.

Ang weird no? Siguro iniisip niyo, binabackstab ko siya o pakitang tao lang ako. Hindi rin mga tol. Isa rin siguro to sa mga paraang dapat kong gawin para kahit papano, kahit palihim lang, napaparating ko kay Medin na gusto ko siya. Na mahal ko siya. Kahit na alam kong huli na ang lahat para samin.

At least, hindi ako mag sisisi diba? Wala akong pag sisisihan sa huli. At hindi ko masasabing wala akong ginawa. Dahil kahit papano diba? Sinubukan ko.

Voice Mail

 

Hey Terrence. Nina here. Have you FINALLY told Medin your feelings? Dahil kung hindi, aagawin kita mula sa kaniya. Alam mo namang andito lang ako lagi, right? Good night. I love you. I hope. Someday. I’ll get an answer to that.

 

Napa-buntonghininga nalang ako doon sa voice mail na natanggap ko mula kay Nina. Kailan ba niya ako titigilan? Like. SERIOUSLY? (Hehe. Hi Tine! XD)

Nakakainis kasi. Suffocated na nga ako sa kung anek-anek na pinapagawa sakin ni Jet, dumadagdag pa si Nina. Buti nalang andiyan si Medin na oxygen ko. Pinakilig ko lang ba sarili ko ngayon?

“Ang labo mo kuya.” Si Jano yan. Yung grade three kong kapatid. Haha. Half brother lang actually. Nag asawa kasi si Daddy ulit nung mag hiwalay sila nung biological mom ko. Ayoko nalang pag usapan mga detalye.

“Diba sabi ko sayo, matulog ka na? Sige ka! Hindi ka tatangkad niyan.”

“Ayoko muna matulog. Kelangan muna natin mag pray.”

“Sige pray tayo oh. Pero dapat alam mo yung i-ppray mo ah? Yung-“

“Yung importante at makakabuti.”

Nginitian ko si Jano at saka ko siya binuhat at umupo kaming dalawa sa kama ko. Naka indian sit ako tapos si Jano naka kandong sakin.

“Papa Lord, I love you po. Sana po wag mo po papapangitin kuya ko. Atsaka po Papa Lord, sana magging matankad nako. Para mabuhat ko din si ate Kaye-Kaye at mammy. Papa Lord, nakita ko po kanina na umiiyak si Ate Din Anne (Medin). May pinapanuod po siya sa TV, awayin niyo po yung TV kasi pinaiyak niya si Ate Din Anne eh. Ayoko na iyak siya. Bless mo kami. Labyu amen.”

Not Your Typical GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon