Chapter 3:

202 7 2
                                    

Carlo's POV

Astigin ang start nang klase kanina kasi pumasok na si Den. Pero nung bandang recess na, nagsimula nang  mag-tanong ito tungkol dun sa Ervin na mukang kupal na yon. Gusto ko na mapamura sa sobrang sakit at sobrang inis.

Gusto ko ngang maging si godzilla ngayon at lamunin nalang nang buhay si Ervin. Pero siguro pag ginawa ko yun, hindi ako mapapatawad ni Den na pinakamamahal ko pa. I'd rather hurt just to see her smile. Kung iniisip niyo na si Terrence ang pinagbubuhusan ko nang lungkot. Mali kayo. Kung iniisip niyong si Dennis, mas mali naman kayo. Bakit naman ako hihingi nang advice sa ungas na kapareho ko din nang kalagayan? 

Eto na talaga. Ang nagiisang sandalan ko sa ganitong pagkakataon na hindi ko na talaga kaya ay ang kababata ko din na si Medin. Di kayo nag kamali nang basa. Si Medin nga.

Kahit na hindi kami yung mag-kaibigan na pa sweet at malambing sa isa't isa, at least nag babatuhan kami nang mga masasakit na salita. Mukang ang pangit naman yata tignan yung malambing kami sa isa't isa eh mahal ko bespren niya. Siya naman mahal niya bespren ko. EW naman pag ganon. Okay lang kung si Pete maimagine ko na maging girlpren ko in the end, pero si Medin? Papatayin ko nalang sarili ko.

So kilala niyo na ngayon kung sino kasabay ko sa pag-uwi? Si Medin. Walang iba kundi si Din-Din. Kailan kaya magiging si Den-Den? Nakaka-asar talaga oh! Ano ba kasi meron sakin at di ko magawang sabihin kay Den lahat lahat?!

"Oh? Ba't nakakunot noo mo?" tanong ni Din na may kahalong katamaran. As usual. "Naaasar lang ako sa sarili ko." sagot ko. Yun yung totoo eh kaya masakit tanggapin. Wala akong magawa. Meron kong naiisip na paraan kung pano ko sasabihin kay Den yung FEELINGS ko na kasing tanda na nang bunso kong kapatid.

Medin: Dapat lang. Hindi mo naman masisisi bespren ko kasi wala siyang ka ede-edeyang mahal mo pala siya. Kung sana- 

Ako: Din. Matagal ko nang gustong gawin pero di ko magawa.

Medin: Ah. Oo nga pala. Parehas kayong isinumpa ni Dennis nang habang buhay na kaduwagan slash katorpehan.

Minsan talaga ang sakit magsalita netong si Medin. Pero totoo lahat eh. Wala akong magawa kundi tumango nang tumango sa mga sinasabi niya sakin. Hindi ko naman masabing insulto ito kasi lahat totoo. Isusupalpal ko nalang sakaniya lahat nang sinabi niya kapag nakagawa na ako nang move. lol. Pero mukang malabo pa yata. 

Crush ko na si Den nung grade six pa. Pero hindi ibig-sabihin na crush ko siya, hindi na ako nag-girlfriend. May dalawa din naman akong nabola. Pero hindi rin nag-tagal dahil kahit anong gawin ko, kay Den parin talaga ako bumabalik. 

Ipagpalagay nalang natin na ako ay isang walang kwentang paper clip. Tapos si Den yung magnet. Kahit na anong pilit kong lumayo, wala eh. I'm stuck with her. Sakaniya at sakaniya padin ang ending ko. Sana.

Tapos na-alala ko yung kwneto sakin ni Dennis. Na tutulungan daw siya ni Medin kat Tine. Ngayon yun diba? "Medin, maiba ako." hinabol ko pa siya kasi ang bilis mag lakad nang loko. "Kamusta na pala yung pag tulong mo dun kay Dennis? Kwinento lang niya sakin eh."

Medyo napangiti si Medin. "Ah yun ba?" panimula nito. Maganda naman hitsura ni Din nang simula nung kwento tapos- "Nagpakahirap pa ako sa gago na yun! Hinatak-hatak ko pa para mapilit lang na siputin na si Tine sa cafeteria kasi mag isa lang siya dun. Alam mo ba kung ano ginawa?! Parang kinder na ayaw pumasok sa school! Kumapit-kapit pa sa posteng nakita. Punyemas talaga!"

Napa-face palm ako. Mukang mas mauunahan pang matuklasan ang gamot sa Cancer kesa sa gamot nang torpeng katulad ko. Punyemas na katorpehan 'to!!!!

------------------------------------------

(A/N)

halu halu! next friday na next update ko. Ingat mga idol :D

vote, comment, share! love you goodnight!!1 :D

Not Your Typical GirlfriendWhere stories live. Discover now