Chapter 4:

187 5 0
                                    

Den's POV

"Eto na nga bes! Oo. Pababa na'ko ng stairs oh. Wag ka ng magulo diyan. Oo. Bye na." Hay. Grabe talaga 'tong si Medin kahit kailan. Makapag-utos kala mo wala ng bukas! Minsan talaga sarap hampasin netong girla na ito. 

Ang dami dami ko kayang hawak hawak na libro! Atsaka, ang hirap mag lakad pababa ng stairs lalo na kung bit-bit mo mga 'to. Tapos ang gusto ba naman tumakbo ako? Aba matinde!

"Kainis naman kasi si Chesther! Iniwan ba naman ako sa library mag isa! Dapat siya nag dadala ng lahat ng 'to eh." kahit gusto kong kamutin ulo ko ngayon dahil sa inis, eh hindi ko magawa at baka malag-lag sa paa ko 'tong mga dambuhalang libro -____- sensiya. hindi uso Google at Wikipedia sa History teacher namin -____-

Isang hakbang nalang. Isang hakbang nalang talaga!

*boogsh*

"Anak ng-!" my jaw dropped dead as I watched the books pull down by gravity. WHY?!

"Sorry miss... I didn't mean to bump into you. It's just that I'm in a rush." yumuko yung lalake sabay pulot ng mabilis sa mga nalag-lag na libro. "Shiz. Mag-ingat ka kasi!" sabi ko at hinablot na ang mga libro sa kamay niya. Parang na shock naman ito. 

Hindi ko makita masiyado muka niya kasi nakahoody siya. Di ko alam na may snow pala dito sa Pinas. Hindi ako informed. Sana nakapag-scarf at gloves ako. Nyeta.

"I said I'm in a hurry right? Stop mumbling and get over it already." pagkatapos nun umalis na yung lalake. "Hoy!!! Nyeta ha!" 

Sakto tumawag si Medin. Bunganga session again -.-

"Oo nga! On the way na! Oo! Hay nako bes. Kalma."

Medin's POV

Nambwu-bwusit ba talaga ang universe o sadiyang nagkataon lang lahat? Anong ginagawa dito ng Demonyitang chanak na yan? San na ba si Den?! Kanina pa yon ah! Tagal naman eh. Kapag di ako makakapag-pigil, baka mag dilim ang paningin ako at baka masakal ko si Nina ng di ko namamalayan.

"Grabe bes. Ang flirtatious ha." 

Yes! Den is back on act! Its time for Laitan Sessions. "Ewan ko din Den. Naaawa ako kay Nina na naaasar. Halata namang ayaw na sakaniya ni Terrence eh habol parin ng habol. Ilang Gatorade kaya nilak-lak niyan at puno ng energy?" napakamot ako sa ulo sabay sip-sip sa orang juice.

"Bakit? Gagayahin mo?" nakatitig padin si Den kay Terrence at Nina pero ramdam ko ang seriousness niya. "Hindi naman sa ganon Den. Pero kasi, diba? Once na pinakita na sayo ng isang tao na hindi siya interesado sayo, better yet pack-up your feelings and move on." tumango-tango naman si Den.

"Hindi mo pa ba na f-feel ang rejection frend? Never? After all this years?" Rejection? Wala pa namang ganon akong nararamdaman. Except for the kwek-kwek thing. Hay.

"Feeling ko meron..." napalingon naman si Den agad at napatayo. "FOR REAL?!" sigaw nito at nagtakip pa ng bibig. "Grabe. No. You won't give up, diba? Teh. Hindi ka counted dun sa sinabi mo." umilin-iling ako sa statement ni Den. "Pano nga kung nag give-up ako? Pano nga kung dumating ako sa time na sa sobrang pagod ko na hindi na sapat ang isang galon ng gatorade?" Di ko napansin na natahimik na pala ang kausap ko at nakatalikod na sakin.

"Anong isang galon ng gatorade?" tinaas ko unti-unti ang ulo kong nakayuko. Don't tell me...

"Hi Medin! Miss na kita~!"

DFQ? JET?

-----------------------------------------------------------

"Hi Medin! Miss na kita~!" niyakap ako nung lalakeng nakahoody. Si Jet na ba talaga 'to? As in siya na talaga 'to? Dati lang uhuging tanga 'to eh! Yatot pa.

"Jet? Ikaw na ba talaga yan? Kailan ka pa nakauwi?" humiwalay na si Jet sa pagkakayap at- "TEKA NGA! IKAW YUNG NAKABANGGA SAKIN EH! KAYA NALAG-LAG MGA LIBRO NA BUHAT KO!" sabat naman ni Den at pumagitna sa aming dalawa ni Jet.

Tinanggal ni Jet yung hood sa ulo niya sabay ngiti kay Den ng ganito ^______^V "Sorry Den! Sobrang nag mamadali kasi ako kanina eh." nag pout siya. Seryoso ba'to? Patawa ha.

"Den... Panga mo. Baka mag lock-jaw ka diyan. Sara mo teh. Makakain ka ng langaw." unti-unti namang sinara ni Den bunganga niya. "Whatever. Gwapo ka na. Sige, pagbigyan. Pero di mo'ko maaakit. Kay Ervin padin ako. Sorry." 

"Okay lang yun Den. Hindi naman kita balak ligawan kahit na ikaw na lang ang nagiisang tao sa balat ng lupa ^______^V" kahit kailan talaga 'tong dalawang 'to. Hay. Giyera na naman. "Good. Dahil ganon din ako sayo." ayan na ang come back ni Den na sinagutan lang naman ng ngiti ni Jet.

If I were to describe Jet Gamboa Tiu now, hindi sapat ang Chinito, maputi, matangkad, cool, at gwapo. As in above above siya nun. Sobrang laki ng tinulong ng puberty sa kaniya. Naalala ko pa dati, payatot pa siya nun tapos sobrang clumsy siya. As in kulang nalang ligawan niya yung sahig. But that was just in grade five. Ibang iba na siya ngayon. Imagine? Bumagsak ang panga ni Den sa kaniya. The Den-Den Agoncillo. Isa lang ibig-sabihin nun, gwapo siyang talaga.

"Medin? Okay ka lang ba?" tanong si Jet sakin. Tumango naman ako. "Ako lang 'to. Wag kang kabahan masiyado." binulsa ni Jet yung mga kamay niya at umupo sa tabi ko. "Jet. Bilang ganiyan ka kagwapo, madami ka bang nabola sa states?" straight to the point na tanong ni Den kay Jet. Umiling naman si Jet. 

"SERYOSO?" sabay naming sigaw ni Den. "Seryoso ako Medin at Den ^_____^V  Ni wala ngang nagkakandarapa para sakin duon eh. Wala pa ako sa katiting ng mga kagwapuhan ng mga populars doon." napabuntong-hininga naman si Den. "So yung mga High School students dun, parang Taylor Lautner guy?" eto na naman si Den. Daig pa reporter eh.

"Pwede na rin. Pero yung mga ganong mga tipo kadalasan mga Football Jocks na may cheerleaders na kaakabay. One cheerleader on each arm." Napabitch stare naman si Den at ako kay Jet. "Seryoso ba yan?" tanong ko. Facepalm. "Oo. Seryoso." umiling-iling si Jet. 

"Anong oras na?" bigla namang tanong ni Den. "3:30 bakit?" sagot ko naman. "NYETA! NAKALIMUTAN KO! KIKITAIN KO PALA SI CARLO!" aba-aba ano ito? "Kayo na?!" medyo natahimik si Den at Jet. "Carlo? Den? Weh?" makareact naman 'tong Jet na 'to. BAKIT DI BA PWEDE?!

"SERYOSO KA? AKO AT SI CARLO NA HARI NG MGA UGOK? HUH. BIGTI LANG AKO FREN. KUHA LANG AKO SINULID. BYE NA NGA!" 

Sarcasm naman talaga ni Den eh. Nag-wave good bye nalang ako kay Den habang papalayo na ito para kitain nga si Carlo. Iniisip ko palang na magkasama silang dalawa, kinikilig na ako. hihi. "Huy! Medin! May bubulong ako sayo." sabi naman nitong si Jet ng makalayo na si Den. "Sabihin mo nalang. Wala namang masiyadong tao." umiling naman siya. Okay. Choosey ka ha. "Ano?" sabi ko sabay lapit ng tenga ko sa muka niya. 

"Dito na ako for good, Din. Pwede na kitang ligawan."

Ha? A-Ano daw? Jet. Nag-marijuana ka ba sa states?

------------------------------------------------

(A/N)

Updatey na naman! yes! achievement!!!!!! Hindi na ako masiyado busy now :D five days walang pasok woohooo! galing :DDD wattpad modeeeee :* vote comment share silent leaders :D

xx wushuREADIN

Not Your Typical GirlfriendWhere stories live. Discover now