Chapter 2 of 7:

243 7 4
                                    

Den-Den's POV

Umabsent lang ako nang dalawang araw iniba na section ko?! Ang galing naman talaga nang mga teachers. Wala naman akong kalokohang nagawa eh. Bakit nilayo pa'ko sa besy ko? :'(

Pero okay lang yun. Kasama ko naman dito si Pete eh. Tapos madami din naman ako ka close dito. Hindi mahirap mag-cope up :) Keri lang. Kahit na ganon, namimiss ko na si Medin. Isang oras sa isang araw lang kami mag sama nun sa isang klase eh. Sa Honors class at sa CLE lang. Nakakaiyak tuloy.

Yung dalawang subject pa na yon, 30 minutes lang ang itatagal. Ang sakit lang sa hair.

Bilang isang mahilig chumika, ako yung isa sa barkada na madaming alam sa what's hot and what's not. Pasunod ako kay Tine. Mas madada sakin yun nang sampung beses plus two.

Kwentuhan ko nalang kayo tungkol sa barkada :D

***flash back***

Sa loob nang five years na mag-kakasama kaming walo, ang dami-daming nangyare. Bihira ang away samin. Ewan ko ba. Siguro dahil hindi uso ang drama sa aming magkakaibigan.

Naalala ko nung unang beses kaming magkakila, grade six kami nun. Kami kasi ni Medin, Terrence, at Carlo, dito na kami nag grade school. Kami yung matatagal nang magkakakilala at nagkakasawaan na sa pagmumuka nang bawat isa. 

Fisrt day of school nun, may astigin na lalaki ang dumating. Ang cool at ang gwapo talaga niya tignan. Kami nga ni Medin nun lag-lag panga nung makita namin na nakatayo yung lalaki sa door frame (grade six palang kami niyan ah. Ang haharot na lol) "Ka-klase ba natin?" Kinalabit ako ni Carlo. "Pusta. Bakla yan." Sabat naman netong si Terrence.

Medin and I just shrugged the both of them off tapos binaling uli namin ang aming mga mata dun sa lalaking maangas ang dating. Alam mo yun, titignan mo palang mapapa-woah ka na. 

Tapos nung papunta na siya dun sa upuan niya- "Ba't ganon?!" sigaw ni Medin. "Ba't pumipilantik kamay niya?!" sigaw niya ulit. Tama nga si Terrence, bading nga :( sayang naman siya :'(

Sino yung tinutukoy ko? Si Pete :D Hindi ko na maalala kung pano kami naging mag kaibigan nun basta ang alam ko, tinulungan namin siya ni Medin nung niloloko siyang bading nung mga kaklase naming panget. Mga insecure kasi mas gwapo pa sa kanila yung bading. HAHA.

Sunod naman 'tong si Katelyn. May braces pa yan nun eh tapos ang laki nang salamin. Matalino siya pero mahiyain. Dati nga kapag mag-papagawa ka nang homework sa kaniya nag-papabayad pa yan nang five pesos. Mukang pera lang?

Pero dahil desprada na talaga ako sa Algebra nung grade six, napilitan akong bayaran siya nang ten pesos para sa dalawang problems. Wala pang limang minuto, nasagutan na niya kaagad. At dahil don, forever friends na kami bigla. 

Si Dennis? Hindi naman ako yung unang nakakilala dun sa bugok na yun. Si Carlo. Nag-kakilala daw sila sa village tapos pinilit daw ni Carlo na mag-transfer siya sa St. Joseph. Dahil matino pa si Carlo nun at wala pa masiyadong alam na kalokohan, trinansfer si Dennis sa St. Joseph nang di inaasahan.

Nung una, kalmado lang si Dennis at tahimik. Matalino din ito sa Math gaya ni Medin at Katelyn. May pag-asa siyang maging photo journalist balang araw kasi ang galing talaga kumuha nang litrato. Grade six palang kami, kasali na siya sa school news paper. Ang cool lang diba?

Tapos nang tumagal-tagal, medyo kumakapal nadin muka netong si Dennis pero mas gusto ko naman yung ugali niyang ganito kesa yung hindi mo siya makausap. Una niyang dinaldal sa amin si Carlo, sunod si Terrence tapos si Medin saka si Pete. 

Dahilan kung bakit huli niya kaming nakasundo ni Katelyn? Dahil iba daw kami makipag-usap. Ako daw matabil ang dila si Katelyn naman sobrang smart hindi niya alam kung pano siya mag rerespond. Napakamot ako nang ulo sabay hampas sa balikat ni Dennis, "Tao din ako." sabi ko sa kaniya. Pag-tapos nun, kumapal na muka niya pag ako kausap niya.

Mga two days nang nakalipas mula nung first day. Sa dalawang araw na yon di parin pumapasok yung isa pa naming ka-klase. Ewan ko nga kung bakit eh. Pero still hoping parin ako na ngayon, papasok na talaga siya.

Mga first period, may kumatok sa pinto. Yung principal namin. May bata siya na kasama na kaedad namin. Siya na siguro yun. Yung new classmate namin. Napalingon ako sa likod tapos nakita ko si Dennis na may kislap sa mga mata, si Terrence na nakangiti, at si Carlo sa walang pakialam. Hala. 

Siniko ko si Katelyn at Medin, "Huy, muntanga si Dennis dun sa likod. Inlab yata dun sa bagong classmate natin." lumingon si Medin. "Ha? Tulog nga eh. Kung ano-ano naman nakikita mo." umiling-iling ito. Oo nga no. Bakit natulog?

Si Terrence naka ngiti padin. Medyo naguguluhan ako. Bakit nakangiti 'tong si terrence? Crush din kaya niya yung bago? Hala. Patay. Baka anong gawin nang besy ko :'(

Nung pumasok na nga yung bagong classmate, nag pakilala ito. Tine daw ang pangalan. The way na magpakilala siya, halatang mayaman na. Conyo mag salita eh. Atsaka ang daming nakadikit sa buhok niya. Nagmuka tuloy siyang christmas tree.

Liningon ko si Terrence dahil kanina pa niya ako kinakalabit. "Den, bigay mo nga kay Medin. May tampo yata sakin eh." inabot niya yung kendi. Awtsu! Ang sweet naman!!! Pero ngalang alam ko na si Besy lang ang may gusto kay Terrence, pero si Terrence, prends lang. Dun na siguro naimbento yung FRIENDZONE na tinatawag ngayon.

"Besy, bigay ni Terrence." may ngiti ko pang bigay sa kaniya yung kendi. Hinablot lang niya tapos binato sa bintana. Hala! Sayang yun! Piso din yun! Tanga rin 'to minsan eh. "Sayang yun ah." pabulong na sabi ni Carlo. "Okay ka lang?" kinalabit ko si Medin. "Ma'am!" napatingin sa kaniya lahat nang kaklase namin pati si Terrence at yung natutulog na si Dennis nagising. "Uwi na po ako. Masakit ngipin ko." sabi neto sabay hablot sa bag and then woosh. Kumaripas nang takbo palabas nang classroom.

Alam ko kung saan yan pupunta. Sundan ko nalang mamayang break. Tinatamad ako eh. Hehe.

Nung breaktime sabay kaming pumunta ni Terrence sa likod nang banyo. Tapos nakita namin dun si Medin kasama si Carlo. Mukang hindi na masakit "ngipin" ni besy ah. Nginitian kami ni besy at Carlo. Ewan ko kung ano pinagusapan nila pero buti nalang okay na si Medin.

"Bakit di mo sinabi na kinakapatid mo pala yung si Tine? Di sana inaya natin kumain kaninang Lunch." ngumiti siya kay Terrence. "Eh hindi mo'ko binigyan nang time para mag explain eh." kumamot ito sa batok niya. Sayang talaga 'tong dalawang 'to pag hindi naging sila in the future. Malulungkot ako nang super super :(

Pag-tapos nun, kinakausap nalang namin bigla si Tine nang parang matagal na kaming magkakakilala. Alam mo yun? Yung hindi mo alam kung pano kayo naging friends and you just suddenly were friends? Hahaha!

Ganun kaming walo. Hindi namin alam kung pano kami naging magkakaibigan, we just suddenly were :D

**End of flashback**

-----------------------------------------

(A/N)

Yehey!!! Ngayon kilala niyo na kung sino ang bumubuo nang barkada nila Medin at kung pano sila nagkakilala :D "...hindi namin alam kung pano kami naging magkaibigan..."

Naranasan niyo na ba? Ang cool nang feeling. Mapapa-woah ka! hahaha :D

vote, comment and shareeeee :*

Not Your Typical GirlfriendWhere stories live. Discover now