Chapter 4 of 6:

162 6 4
                                    

Medin’s POV

 

Pag-pasok ko ng bahay, ang laki sobra ng ngiti ko. Parang wala na nga daw bukas sabi ni kuya Lex. Bilang isang dakilang kengkoy ang kuya ko, pinicturan pa ako at kung ano-ano pinagsasabi niya. Ipadala na daw ako sa mental and stuff.

“Sus, inlove lang yan. Nasendan pa nga ako ng maling text nung isang gabi.”

Mag-susumbong na ngalang si kuya Hex, wrong timing pa. Hay! Masaya ako ngayon, pwede? Ayoko na balikan yung kahihiyang yon. Nakakaasar!

“Akyat na ako kuya ah! Nag-update yung paborito kong wattpad writer eh. Vavu.”

“Oi. Maligo ka na muna. Amoy araw ka.”

Umiling-iling ako sa mga sinabi ni kuya Lex. Abnormal talaga. Amoy araw daw. Eh amoy daily scent kaya ako! Pag-akyat ko ng kwarto, tinignan ko yung kwarto ni Terrence kung bukas pa yung mga ilaw. Bukas pa naman pero nakasara ng bahagya yung mga kurtina.

Kinuha ko yung laptop ko at nag email sa kaniya.

E-mail To: TheRenceVirjilio@gmail.com

 

Oi lalake. Salamat sa pag hatid mo sakin ah. Tuwang tuwa si kuya Hex dahil nauwi mo daw ako ng ligtas. Hehe. Wag nalang tayo mag pupuyat para hindi malate. Good night.

 

So ayon. Nung nasend na yung email, sinara ko na muna yung mga kurtina ko at sinindi ang dim-lights para habang nasa banyo ako, hindi kumakain ng kuryente yung mga walang kwentang light bulb na yan na energy saver daw. Eh every month kaya ang mahal mahal ng binabayaran namin. Hindi naman kami ganon ka gastos sa kuryente.

Naligo ako at nag-toothbrush. Nag pajama ako at sinuot yung t-shirt na bigay sakin ng daddy nung umuwi siya galing olkahoma business trip. Ang laki laki sakin kaya sobrang komportble.

Binuksan ko yung laptop ko kung meron akong nareceive na e-mail pero wala. Ang meron, sixteen miscalls galing kay Jet. At ten text messages. Pano nalaman ng asungot na ‘to yung number ko? Eh di ko naman binibigay sa kaniya. Konti nalang talaga… mauubos na pasensya ko dito sa taong ‘to! Ang kulit!

Tinext ko nalang siya.

Jet. Matulog ka na. Bye.

 

Sending… sent.

 

Nung nasend na, pinatay ko na yung phone ko saka tinago sa ilalim ng unan ko. Binuksan ko yung kurtina ko at ang bumungad sakin?

Si Terrence at ang maamo niyang mukha. Parang naka upo siya sa maliit na sofa malapit sa bintana niya. Naka-earphones siya at nakikinig ng music. Hawak hawak niya yung gitara niya na parang katatapos lang niya itong tugtugin at natulog na. Oo. Tulog siya ngayon kaya ang lakas ng loob kong tumitig.

Not Your Typical GirlfriendWhere stories live. Discover now