Chapter 5 of 6:

147 7 2
                                    

Terrence’s POV

 

“Ano? May nakalap ka bang impormasiyon?” masayang tanong sakin ni Jet. Una, hindi ko siya pinapunta dito. Basta basta nalang siyang nambubulabog ng bahay ng may bahay. Pangalawa, hindi ko aakalaing kinakausap ko parin siya hanggang ngayon dahil tinuring ko na siyang karibal mula pa nung Biyernes. Pangatlo, nyeta siya.

“Hindi ako imbestigador. At lalong hindi ko tatay si Mike Enriquez o si Gas Abelgas. Kaya pwede, wag puro SOCO at Imbestigador ang theme ng tanong mo? Panira ng araw eh.” Naiinis kong sabi sa kaniya habang pilit na hinahanap sa dictionary ang salitang superabuntant.

“Mamaya na nga kasi yang assignment!” hinablot niya sakin yung ballpen saka binulsa. Talaga bang hindi susuko ‘tong syokoy na ‘to from under the energetic sea?! “Anong gusto mong malaman?”

“Three days na ang nakalipas. Sa tingin mo? Bakit sa tatlong araw na yun, halos hindi ako pinansin ni Medin? Ang weird nga eh. Kasi mag katabi lang naman kami, pero parang absent ako.” Nagtatakang tanong ni Jet sabay buntonghininga.

MEDIN.

 

So tatlong araw na pala ang lumias pagkatapos nun. Ewan ko kung pano kiligin ang mga lalake pero ang pakiramdam ko, parang bading na nagtatatalon ang puso ko dahil sa tuwa nung araw na yon.

Sinabi niyang gusto niya ako. Pero para sakin, sinabi na din niyang MAHAL din niya ako. At ganun din ako sa kaniya. Ngayon, pano ko sasabihin dito sa asungot na gusto namin ni Medin ang isa’t isa? Sakit nga sa ulo ang PAG-IBIG! Sana kung may enssurance pag nasaktan ang isang tao ‘no?

Pero wala eh. Realidad ito. at hindi ka normal pag hindi ka nasasaktan at nalulungkot. Mahal ko si Medin. At handa akong gawin lahat para mabulldozer ang mga haharang.

xx

“Nasabi mo na ba kay Jet?” pambungad ni Carlo noong sinagot ko na ang tawag niya sa telepono. “Oo.” Mahina ko lang na sagot. “Paano?!” sigaw neto mula sa kabilang linya na naging dahilan kung bakit ko inilayo ng konti ang telepono sa tenga ko. Ang saya pa talaga ng gagong ‘to habang ako namimilipit parin ang panga dahil sa suntok na lumanding sa gwapo kong mukha.

Hindi ko akalaing sa isang gabi lang, ang dami ng naganap. Sa isang gabi lang, nasabi ang lahat sa hindi inaasahang panahon at oras galing sa maling tao. Pero buti nalang talaga…

**flashback**

 

“Mag kwekwento ka ba o tutunganga nalang diyan sa dictionary?” naiinip na tanong ni Jet habang nakapatalumbaba sa lamesa. “Jet. Nung Friday.”

 

Nung sinabi ko yun, parang nabuhayan na si Jet at parang handa ng makinig ulit. Parang ayoko tuloy ituloy.

 

Seryoso ka ba talaga Terrence? Alam kong alam mo na gulo lang ‘to. Wag mo nalang kayang sabihin?

 

Yan na naman ang konsensiya ko. Ang dakilang pakialamero. Ayoko ng gulo at lalong ayokong ilihim kay Jet ‘to. Kaya naman sa tingin ko, kelangan niyang malaman habang hindi pa nagtatagal.

Not Your Typical GirlfriendUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum