Chapter 4 of 4:

193 7 2
                                    

“Huli ka.”

WAH! What to do?! Gusto ko nalang mag sink. Mawala nalang sa mundong ‘to. Ngayon. Agad.

“T-Terrence. Ano kasi-“

“Chansing lord.”

“TUNGAW! Ginigising lang kita! Hindi ka pa kasi bumababa. So inassume ko na hindi ka pa nag break.”

“Sige.”

Ganon lang yon? Sige. Ampupu ha! Bumalik ulit siya sa pag tulog. Habang ako, naka-upo lang don. Hinihintay ko siyang gumising ulit kahit alam kong chinachallenge lang niya ako.

After 50 seconds…

“TERRENCE!”

Yinugyog ko siya hanggang sa mapilitan siyang tumayo sa inuupuan niya. Nakakaasar talaga ako. Hindi ko manlang siya matiis. Pero siya natitiis ako. Baka nga ayos lang sa kaniya na wag akong kausapin ng isang buong linggo. Hindi ko maimagine. Baka wala pang isang minuto, kinakausap ko na siya.

Binuksan niya yung mga mata niya tapos tumayo siya. Inabot niya kamay niya sakin para itayo ako. Nung parehas na kaming nakatayo at naglalakad pababa ng hagdanan, bigla siyang nag salita.

“Medin. Okay lang ba sayo na tumulong ako?”

“Hm? Maganda ang pag tulong. Bakit kelangan mo pang mag paalam?”

“Oo. Tama ka. Maganda nga ang pagtulong. Pero sa tingin ko, pag ako yung tutulong, mali.”

Medyo naguluhan ako. Kaya hinayaan ko lang muna siya mag-explain sakin.

“Mali? Pano? Sorry. Napapagong ako.”

“Wala. Hayaan mo nalang yon. Dahil ikaw na ang nagsabi sakin na mabuti ang tumulong, sige. Gagawin ko ang lahat para makatulong sa taong yon. Pinapangako ko Medin.”

Bakit parang kinabahan ako sa mga sinabi netong si Terrence? Eto kaya yung prinoproblema niya? Eto kaya yung dahilan kung bakit ganon yung itsura niya kanina at kung bakit ganto nalang siya kung umasta? Wala sa sirili. Wala sa composure. Wala sa totoong mundo. Para siyang nasa mars.

“Sino ba tutulungan mo?”

“sikret!”

“May feeling akong lalake yon.”

Hindi siya nag salita. Sa halip, huminto lang siya sa paglalakad tapos bigla niya hinawakan kamay ko. HINAWAKAN. NI. TERRENCE. KAMAY. KO.

Ang saya ko Po. Salamat Ho ng marami!!!

“Ganto muna tayo. Kahit ten seconds lang.”

Not Your Typical GirlfriendWhere stories live. Discover now