Chapter 5 of 2:

133 6 0
                                    

Jet’s POV

 

Jet Gamboa Tiu. Hay. Nakakasawa ng banggitin ang napaka ikli kong pangalan kaya naman sinasama ko pati yung middle intial ko.

If I were to describe myself in one word, I’ll take “wasted” for an over all description of myself. Wasted kasi ang dami kong sinayang sa buhay ko. Isa akong malaking SAYANG sa mundo.

Hindi ako nag pursige sa amerika kaya naman pinadala uli ako dito sa pilipinas. Sabi din ng parents ko, disappointment daw ako. Malas diba? Parang soccer at si Medin nalang ang mga choices ko sa buhay. Kaya naman nung lumabas sa mga labi niya yung mga salitang “IKAW NALANG DATE KO SA CHRISTMAS BALL OH?!” kahit na parang kakainin na niya ako sa inis, ang saya ko padin.

Siguro nag tataka kayo kung bakit ko nagustuhan si Medin eh nasa amerika ako. Matagal ko na siyang kakilala. Mula pa noong mga bata kami. Oo, inaamin ko, hindi ko pa siya gusto noong grade school pero nung nag highschool na kami at nauso na ang Facebook, yun, dun ko nakita ang mga bagay na nagbago sa kaniya.

Salamat sa social networking!

Pupunta dapat ako sa birthday niya. Kaso hindi pa ako pinapatapon ng mga magulang ko nung araw na yun. Sana pala inagahan nila akong pinapunta dito sa pinas. Iba ang itsura ko kay Terrence. Oo gwapo ako. Alam ko naman eh. Pero iba ang appeal ni Terrence sa mga babae. Silent Treatment ba?

Ako kasi, friendly. Pero hanggang duon lang. Pero ‘tong pagkachinito ko, dito lang yata sa Pinas nag karoon ng epekto. Sa amerika kasi, normal na tao lang ako. Ayoko nga ng gantong attensyon. Gusto ko yung dating AKO.

“OI. BAKA START NA NG HOMEROOM?” si Medin yan. Nahalata siguro na tulala ako. Ang galing. Sige. Madalas na akong magiging tulala para mapansin ako neto. Hahaha. Biro lang.

“Oo nga eh. Kahit kelan ang ganda ni Miss Fonda.” Tinignan ko siya nung sinabi ko yung maganda. “Tss. Wag ng pumatol sa matanda.” Inirapan niya ako sabay buklat ng notebook niya. “Wala namang pinapasulat ah.” Kumento ko habang nakapatalumbaba. “Ih. Mind your own business. Intsek!” she stuck her tounge out like a kid. Seriously? Lalo lang ako naiinlove sa kaniya.

Umiling-iling ako at kinamot ang batok ko. Ganito ako pag kinikilig eh. Ewan. Di ko maipaliwanag kung bakit. Sa dinami dami ng babaeng pwede kong magustuhan, si Medin pa?

Ang epic nga eh. Kasi lahat ng mga kaibigan kong babae, gumanda naman nung nag highschool. Pero si Medin lang nakakuha ng attention ko. Ang lakas ng tama ko dito. Masaya ako pag nandiyan siya, parang mamamatay naman ako pag may kasama siyang iba.

Ewan ko kung bakit pero nag seselos ako pag kasama niya si Terrence. Alam ko mag kaibigan lang sila, pero ibang klase ang ngiti ni Medin kapag kasama niya si Virjilio. Hindi naman siguro diba? Atsaka kung may gusto nga si Terrence kay Medin, hindi siya papaya na tulungan ako pag dating kay Medin.

Oo, maliwanag na para sakin. Hindi kaselos-selos si Terrence. Kasi mas gwapo naman ako dun. Hahaha. Biro lang.

Speaking of the devil…

“Maam, good afternoon po. Bigay ko lang project ko.” May inabot si Terrence kay Ms. English tapos tinignan niya ako. Tinignan ko din siya. Tapos saka niya ako nginitian. Problema nun? Tumango siya as a sign of goodbye. Ganun din ako. Tapos nag wave siya kay Medin at Tine.

Not Your Typical GirlfriendWhere stories live. Discover now