37th Death: Captured

Start from the beginning
                                    

"K." wika niya kaya naibato ko sa kanya ang throw pillow na yayakapin ko sana. "Saglit naman! Nag-iisip pa 'ko e!"

"Wala ka naman no'n e." Natatawang nginisihan ko lang siya nang samaan niya ako ng tingin. "Mag-kwento na lang you, 'kay?"

"Oo na. Anong gusto mong unahin ko? Bad news? Beri bad news? O beri beri bad news?"

"Bakit ba umasa pa ako sa good news?" asik ko na ikinatawa niya. "Sige, simulan mo sa dulo."

"Pwedeng sa beri bad muna?" hirit niya kaya muli ko na naman siyang binato. "Aray naman! Bakit ka ba nambabato?!"

"Just tell me na lang kung ano 'yong pwede kong malaman!" naiiritang sigaw ko.

"Ang beri bad news ay nakuha nila 'yong ibang kasama ng mga kasama ko. Ang beri beri bad news ay sumugod si Shane mag-isa roon. Tapos 'yong bad news, 'wag mo na lang alamin."

"Kelly Ann!"

"Wag kang maingay!" angil niya at saka nag-indiat sit. Ngumuso siya at saka mahinang nagsalita. "Nandito ang mga anak nila."

"What the...?" My eyes widened nang mag-sink in na sa utak ko ang sinabi niya. "Did you just said something unbelievable? How? Why?"

"Yeah. At dalawa sa kanila ay kasama ko."

"Kelly Ann!" sigaw ko nang mag-sink in ang sinabi niya. Nagmamadali akong tumayo. "Bakit mo sila dinala rito?! Paano kung saktan nila sila?!"

Natatarantang bumalik ako sa basement na ikinagulat ng mga gising pa. I calmed down a bit dahil mukhang wala namang nangyayaring patayan. Pero hindi ako dapat makampante. I didn't mind their reaction at inilibot na lang ang paningin ko. I saw them sa isang sulok and their looking at me ng may pagtatanong sa mga mata.

"Tyrone, Lanie, lumabas muna kayo." wika ni Keann.

"May problema ba?" tanong ni Tyrone nang makalapit sa amin. He's avoiding my gaze gaya ng kasama niya.

Hindi na kailangang ipapakilala pa sila sa akin dahil alam ko na kung sino ang sino. Keann didn't answer and just signalled them to follow her that they silently obliged. Isinara ko muna ang pinto bago sumunod sa kanila. I didn't think twice and just launched myself to the both of them. Pero agad na sinangga ni Keann ang espada ko gamit ang kanya bago ko pa sila madaplisan man lang. Nang dahil sa ginawa niya ay naalerto ang dalawa at inilabas ang kanilang armas.

"Anong problema n'yang kasama mo sa amin, Keann?" Lanie asked so fiercely that made me smirk.

Oh, I like the guts.

"Umalis ka d'yan, Keann."

"Ayoko."

"Kelly Ann." Nagbabanta ang boses ko. "Umalis ka na d'yan."

"Kaibigan kita, Lee. Pero pareho tayong mapapahamak kung ipagpapatuloy mo 'to. Magagalit si Shane at hindi natin gustong mangyari 'yon." She explained to enlighten me. "They knew nothing."

"Paano ka nakakasigurado?" tanong ko at ibinalik na ang espada ko sa lalagyan nito. Ganoon din siya. "Paano kung niloloko ka lang nila?"

"Wala akong tiwala sa kanila pero kay Shane, mayroon. Kasasabi ko lang hindi ba? Sumugod siya para lang iligtas ang dalawa pa."

"May tiwala ako kay Shane. Pero ibang usapan na ang mga 'yan. Baka nakakalimutan mo? Anak sila ng mga taong sumira sa pamilya natin, sa lugar na 'to at sa buhay ng mga naninirahan dito. Nananalaytay sa dugo nila ang dugo ng mga magulang nilang maiitim ang budhi." Masama ang tingin na iginawad ko sa dalawa na akmang magsasalita pa. "Wala kayong alam kaya 'wag mo silang depensahan kasehodang magulang n'yo sila. May magulang bang hahayaang mapahamak ang kanilang anak?"

"Lee, tama na." Hinawakan ni Keann ang braso ko. "Kahit sa pagsasabi ng totoo ay wala tayong karapatan. Hayaan mong sila na ang magsabi sa kanila ng mga dapat nilang malaman."

"Tss. 'Yon ay kung magsasabi sila ng totoo." Inirapan ko sila at saka padabog na naupo sa sofa. "Kalmado na ako kaya maupo na kayo."

They did as they told. Isinandal ni Keann ang ulo sa balikat ko at doon ko naramdaman ang pagod niya. Medyo nakonsensya naman ako sa iniasta kanina pero hindi naman niya ako masisisi.

"Try asking them if you really want to prove their innocence." bulong ni Keann.

"Yon na nga ang gagawin ko e, umepal ka pa." pabirong bulong ko at saka hinarap ang dalawa. "Paano kayo nakapasok dito? At bakit kayo nandito?"

"Tamang-tama lang pala ang dating ko. Ako na ang sasagot ng tanong mo." wika ng hindi ko kilalang boses ng babae.

I was about to pull out my sword nang may espadang tumutok sa leeg ko ma pumigil sa plano ko. From the tip of the blade ay itinaas ko ang tingin hanggang sa makita ko ang isang hindi ko mapangalanang nilalang.

"Tao ka ba?" bulalas ko na ikinainis niya yata dahil nararamdaman ko na ang dulo ng espada sa balat ko.

"Alliah, anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Lanie na hindi ko alam kung natatawa o nag-aalala.

Oh, she's an ex-friend. Anyway, I can't blame her naman kung hindi niya alam ang irereact. May babaeng nakatayo sa harap ko na Alliah ang pangalan at hindi kaaya-aya ang itsura niya.

She's wearing an all white fitted outfit at puti ang mga mata niya. Ang kalahati ng mukha niya ay may mga itim na linya na hindi mukhang tattoo kasi hindi naman artistic ang dating. Ang kalahati rin ng buhok niya ay kulay puti.

"Oh, I become stronger. At nandito ako para dalhin kayo sa impyerno."

'Yon ang huling narinig ko bago ako makaramdam ng sakit sa ulo.

Yari sa akin ang pesteng humampas sa ulo ko!

CIEATHWhere stories live. Discover now