Matapos kong maligo ay nag bihis ako, si ate Riane na ang pumili neto para saakin. Si Dad at Tita Jacqueline naman? hindi namin alam kung pupunta sila. Last year kase late sila dumating, tapos na ang misa atsaka nag uuwian na yung ibang empleyado ng kumpanya ni mama nung dumating sila. Ngayon baka ganon ulit, ayaw nila ng atensyon dahil hindi daw naiiwasan ang mga baseless chismis katulad nalang ng narinig ni ate Riane na kabit daw talaga si Tita Jacqueline noon pa man pero hindi alam yon ni mama.







Ayokong mang bintang o mag bitiw ng kung ano mang salita dahil iniiwasan kong maka sakit ng damdamin, kaya kong manakit ng pisikal pero yung naramdaman ng tao? Hindi ko kakayanin. Isa pa, mukhang nag mamahalan naman talaga si dad at Tita Jacqueline. Kaya nga nabuo si Jacob diba? Magkakaroon ba ng Jacob kung hindi nila mahal ang isa't isa? Siyempre malabo yon. Binitiwan ni dad ang lahat, unti mong mga huling alaala ni mama ay tila gusto niya na ring burahin.








"Jared? Tapos ka na? Eto yung necktie mo, huwag kang mag suot ng kulay pula. Hindi tayo pupunta sa party o event". Paalala ni ate Riane saakin. Napatalon ako dahil hindi man lang siya kumatok sa pintuan ko, basta nalang siya nag salita habang bitbit ang necktie na tinutukoy niya. May punto naman siya pero bigla akong nanlambot, bakit ba trip niya akong gulatin?








"Ate bakit ba ang lakas ng tama mo sa utak? Uso namang kumatok eh". Medyo iritado kong pag rereklamo sa kaniya. Bahagya siyang natawa saakin lalo na sa naging reaksyon ko pero bakas sa reaksyon niya ang lungkot at kahit anong ngiti niya ay hindi niya yon mabubura, pinipilit niya ang isang bagay na alam niya namang mahihirapan siyang gawin sa araw na to at iyon ang ngumiti ng totoo.






"Kung nag aalalala ka kase baka makita ko yang tinatago mo, huwag kang mag alala kase unti mong pwetan mo nahawakan ko na noon". Natatawa niyang tugon saakin. Naka bihis na ako bago pa siya pumasok, nagulat lang talaga ako kase bukas ang pintuan tapos walang pahintulot siyang pumasok at nag salita. Sino bang hindi mapapa talon sa gulat? Atsaka yung sinabi niya saakin, ayos lang yon kase bata pa kami noon eh ngayon? Hindi na kaya hindi na rin ayos.







"Ang baboy mo naman, doon ka na nga. Akin na yang necktie ko". Sagot ko sa sinabi niya. Siya na ang lumapit saakin para ayusin ang necktie ko, pinabayaan ko nalang siya kaysa mag talo pa kami. Isa pa, gusto niya nalang iparamdam na kahit kailan ay hindi namin makakalimutan si mama. Walang pwedeng pumalit sa kaniya, kahit na sino pa yan at kahit siya pa ang bagong mahal ni dad ngayon.








Anak din si dad kaya sana maintindihan niya kung bakit hindi namin kayang kalimutan nalang ng ganon si mama, kung kinaya niya yon pwes kami ni ate Riane ay hindi. Magkakaiba kami kahit pa sabihin mong siya ang tunay naming ama, kapag naiisip ko ang mga ganitong bagay ay mas lalong dumadagdag ang sama ng loob ko. Hindi naman na dapat ako nagugulat kase matagal na naming alam na ganon na si dad at hindi na siya mag babago,







"Ayan, mukha ka ng tao ulit. Kung may gagawin ka pa, dalian mo para sabay tayong makapag almusal. Minsan lang to kaya pag bigyan mo na ako, sure akong eto rin ang gusto ni mommy". Malungkot niyang paalala. Tipid siyang ngumiti matapos niyang ayusin ang necktie ko, palaging red wine o Burgundy ang kulay ng suot kong tie pero ngayon? Naiba naman, naka suot ako ng kulay itim at napag tanto kong bagay din naman pala saakin.







Nauna siyang lumabas sa kwarto ko habang ako nama'y mag papatuloy na sa pag aayos para matapos na ako, ayoko rin namang umalis sa bahay na walang laman yung tiyan ko. Mamaya automatiko na akong mawawalan ng ganang kumain kaya dapat ngayon palang maka kain na ako kahit kaunti lang para mamaya hindi ako magugutom, hindi ko pa naman makikita si AL. Ibig sabihin non ay walang motivation, mas lalong nakakapang hina habang iniisip ko ang bagay na yon.







Under The Twilight Sky (KOV #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon