"Wala lang, ayoko sa bahay eh. Nagiging halimaw na ata si mom, last week lang magka away kami tapos balik nanaman sa dati kase okay na kami". Walang sigla niyang tugon. Eh? As if naman bago yon, base sa reaksyon niya ay mukhang malala ang pinag awayan nila ni tita Joana. Bihira lang naman siyang magka ganito eh, hindi naman pala ngiti si Eros katulad ni West pero iba ang aura niya eh. Malungkot si tanga ngayon, ano ba tong mga kaibigan ko?








"Bakit kayo nag away? May ginawa ka nanaman no?". Natatawa kong katanungan sa kaniya. Napabuntong hininga siya ng malalim, hindi siya ang may kasalanan. I can by his expression and the way he breath, kapwa pasaway ang mag nanay. Sabagay, kung ano ang puno ay siya din ang bunga.







"Nag hire siya ng private investigator para sundan si Psyche sa New York hanggang sa maka uwi siya dito sa Pilipinas, sino ba namang hindi mag iinit ang ulo sa ginawa niya?". Reklamo niyang tanong saakin. Oh bakit saakin siya nagagalit? Wala naman akong ginagawa eh, isa pa parang hindi niya naman kilala ang sarili niyang nanay.








"Ang tindi naman non, parang mas malala pa ata yung nanay mo kaysa kay Thor eh". Natatawa akong pag bibiro. Jokes are half meants, totoo naman diba? Stalker si Thor pero mas creepy ang istilo niya samantalang yung nanay ni Eros? Rich way naman yon. Mas sosyal na paraan, magastos nga lang.







"Dude, that's the exact same thing I was thinking about. At least Thor has good intentions, my mom? For goodness sake, she doesn't have any of those and it's fucking making me feel frustrated". Muli niyang reklamo saakin. Kapag nagra rant ka, ganon lang dapat okay? Walang englishan! Nakaka dugo ng ilong eh. Parang si West amputcha, jusko naman!








"Kawawa ka naman pero mas kawawa pa rin ako, alam mo bang sinampal ako ng taong matagal ko ng hinahanap? Para siyang si Trinity kung manampal". Malungkot kong reklamo sa kaniya. Ako naman ngayon, hindi pa rin ako nakakalimot sa ginawa ni Lauren kanina saakin. Bahagya siyang natawa dahil sa sinabi ko, aba matindi to ah. Kanina lang naka senti mode tapos ngayon tatawa!? Baliw na ba siya? Sinapian?! Nako po!










"I won't pry dude, I think I already know who might that person be. Sometimes, women can be like a puzzle. They are hard to solve but it'll feel good once you know how to do it". Paliwanag niya saakin. Matagal-tagal na rin silang hiwalay ni Psyche pero kapag kausap ko siya tungkol sa mga ganitong bagay ay para pa ring in a relationship ang status ng love life niya, ewan ko ba dito sa taong to.









"Masaya ako kase nahanap ko na siya pero grabe, masakit pa rin yung sampal niya saakin. Nakaka hurt ng feelings". Malungkot kong aniya. Tinawanan lang ako ng gagong Eros na to, tinapik niya ako sa balikat ko pero patuloy pa rin siya sa pag tawa na para bang nang iinsulto pa na hindi mo maintindihan.









"Ayos lang yan, naka bawi ka naman ata ng halik. Kilala kita Jared, mag kakaibigan tayo". Masaya niyang sambit. Well? What I say except proud akong maging isa sa kanila? Napag tanto akong tropa ko talaga silang tatlo, sinapian ng demonyo yung buong katawan ko pati labi kaya nahalikan ko siya. At least ngayon alam kong worth it talaga yung sampal niya saakin, hindi na masyadong nakaka hurt.









Nagpa tuloy kami sa pag uusap tungkol sa mga bagay bagay hanggang sa dumating na si Vice Commander kaya kaylangan nang umalis ni Eros, I mean ako pala kase sa loob kami ng meeting room mag uusap. Maraming meeting room dito sa loob ng agency kaya doon kami sa isang silid na sound proof, kapag ganitong mga bagay ay hindi ibinabahagi sa iba. Confidencial ang misyon eh, kapag may ibang naka alam ay baka makialam siya at hindi ko dapat yon hayaang mang yari.










Under The Twilight Sky (KOV #3) Where stories live. Discover now