Chapter 54: Date With My Bestfriend

220 13 5
                                    

A/N: Na-miss ko kulitan/asaran nina Khaki at Mel so I wrote this hehe.

KHAKI'S:

Ako naman ngayon ang absent sa bonding kasama ang Akiyama cousins dahil may iba akong lakad. May date kami ng bestfriend ko, ano kayang nakain nito at niyaya ako mag-date? Friendly date lang 'to wag kayong ano dyan haha! Alam nyo namang si ate Alice ang love nun.

Nandito na ako sa park kung saan kami unang nagkakilala, ewan ko ba dito kay Mel at mukhang reminiscing ang trip nya. Dito din sa park na ito madalas kaming maglaro ni Alexavier dati. Automatic na napatingala ako sa langit pero hindi ako nasilaw kasi naka-shades ako hehe. Alam kong masaya na siya sa kinaroroonan nya ngayon. Kita nyo nga at 'pinanuod' pa nya kami sa Musikrakan last year 'di ba?

Napahinto lang ako sa pagrereminisce nang may tumikhim sa likuran ko.

"Habang tumatagal pumopogi ka bestfriend. Anong sikreto mo?" yan agad ang bungad ko sa kanya sabay ngiti.

"Inlove kasi ako best tsaka hindi mo na ako kailangan pang bolahin dahil lilibre naman talaga kita ngayon," tumatawa pa siya habang ginugulo ang buhok ko pamabihira ganito din siya dati.

"Naman oh. Kung naiinggit ka sa buhok ko e 'di try mong magpaka-longhair Mel!"

"Long-hair kaya ako dati remember?" *smirks*

"Ay oo nga pala," *pouts*

"Bawas-bawasan mo kasi ang pag-iisip kay Jager. Ayan tuloy nawawala ka sa wisyo," imba talaga mang-asar ang isang 'to, buti natagalan ko 'to maging bestfriend.

"Tse 'di ko naman siya iniisip e! Bili ka na nga ng food best gutom na 'ko," pagtataboy ko sa kanya. Aba gutom na talaga ako e.

"Wow makautos parang pinapasweldo mo 'ko ah?"

Sinamaan ko nga siya ng tingin.

"Biro lang best hahaha! Highblood masyado e sige dyan ka muna at bibili lang ako ng pang-foodtrip natin. Dyan lang best ah? Behave," kita mo 'to at ginawa pa akong aso.

"Isa!" nakataas-kilay pa ako habang pinapalagutok ang mga daliri ko.

"Hahaha!" Tawa siya ng tawa habang tumatakbo papunta sa food stalls na nakapalibot sa park.

Napailing na lang ako habang tinaranaw siya palayo. Na-miss ko ang bonding moments na ganito since busy na siya sa trabaho kasama si ate Alice.

*****

Habang naghihintay kay Mel ay naglaro muna ako ng games sa cp ko. Hindi naman talaga ako mahilig maglaro, kapag maumpungan lang talaga kasi mas gusto ko pa ang mag-soundtrip at mag-drawing.

Nasa kalagitnaan na ako ng laro nang may biglang kumanta sa may left side ko.

Well I haven't seen you in a while

But I'm still held captive by your smile

Don't you think we deserve another try?

Cause we never really let it go

And your arms still feel like coming home

And maybe we'll be better off this time?

Napatigil ako sa paglalaro at napatingin sa kumakanta. She seems familiar.

Lately, my life is like

Keep playing the same day and it

never seems to end

But when I look into your eyes, you make me feel alive again

A/N: Me & You by Nadine Lustre ang kanta.

Aha! Schoolmate ko siya sa Ashworth High. Isa din siya sa panlaban ng school namin sa singing competition dahil magaling siyang kumanta at angelic voice pa.

"Leoshell Joyce?"

Napatigil naman siya sa pagkanta. "Khaki? Is that you?"

I nod at her.

"Hey long time no see!" lumapit siya sa pwesto ko at niyakap ako. Naging ka-close ko din kasi siya nung highschool. Nawalan lang ako ng balita sa kanya after graduation dahil lumipat na sila ng bahay.

"Sabi na e ikaw yan. Mala-anghel pa din kasi ang boses mo."

"Ah ganun? Salamat hihi."

"Nag-iisa ka 'ata?"

"Medyo. Naisipan ko lang tumambay dito, nakaka-miss ang mamories natin nung highschool. Pinuntahan ko kasi 'yung schoolmate natin dati.

"Ah kaya pala napadpad ka dito."

"Yup. Ikaw sino'ng kasama mo?"

"Si Mel. Inutusan kong bumili ng food haha siya kasi nag-yaya sa'kin dito."

"Inutusan talaga? Hahaa 'di pa ka din nagbabago Khaki. Makulit ka pa rin!"

"Oo pati height ko hindi pa din nagbabago," biro ko sa kanya.

"Hahahaha!" sabay tuloy kaming humagalpak ng tawa.

"O dahan-dahan sa pagtawa at baka mapasukan ng langaw ang mga bibig nyo," biglang sabat ni Mel na nakabalik na pala at ang daming bitbit na pagkain.

"Hey Mel!"

"Leoshell? The Angelic Voice of Ashworth High!"

"Nakakatouch naman at natatandaan mo pa ako."

"Of course! Wann join us?"

Bigla namang nag-ring ang phone ni Leoshell.

"Hello Maecy? Yes. Ngayon na? Sige-sige! Bye!" si Maecy Chandy Santos ay schoolmate din namin at member ng dance troupe.

"I have to go guys, nakikipag-meet si Maecy sa'kin. Hope to see you two again," nakipag-beso beso pa siya bago umalis.

" Grabe Mel balak mo ba akong patabain?"

"Sus kayang-kaya mo ngang ubusin yan, besides 'di ka naman tumataba kahit ang lakas mo kumain hahaha!"

"Mahal na mahal mo talaga ako. Mahal na mahal asarin!"

"Mahal na mahal talaga kita bestfriend Cassiopeia Krista Sarmiento."

"Pwedeng pasapak Mr. Mel Santibañez?" tawagin daw ba ako sa full name ko grr!

"Gutom lang yan, tara umpisahan na natin 'to hahaha!"

Pierres Noires (Black Stones) √Where stories live. Discover now