Chapter 11: Dinner Together

328 23 6
                                    

JAE/JAGER'S:

Nakabukas na ang pinto ng new haven ko para hindi na mag-abalang mag-doorbell pa si Khaki. Pinaupo ko muna siya sa may salas para manuod ng tv. August Rush ang kasalukuyang palabas sa Fox Movies.

"Sigurado ka na ayaw mong magpatulong sa pagluluto?" pangungulit nya sa'kin.

"Don't worry kagabi pa naka-marinate ang beef and chicken kaya relax ka lang dyan at manuod," sabi ko naman at bumalik na ng kusina.

Inihanda ko na lahat ng ingredients na lulutuin ko. Since pareho kaming hindi kumakain ng pork ni Khaki, I decided na chicken hamonado, beef steak, fish with sweet and sour sauce at buttered corn and carrots ang lutuin. Kinuha ko sa cupboard ang 1 lata ng Campbell's Mushroom Soup at inilagay sa non-stick pot.

Concentrated ako sa pagluluto nang maramdaman ko na may nanunuod sa ginagawa ko. Kulit talaga ng babaeng 'to.

"Sabi ko manuod ka na lang ng movie. 'Wag kang mag-stalk sa ginagawa ko."

"E tapos na 'yong movie tsaka boring kaya tulungan na lang kita. Ako na gagawa ng dessert."

Wala nga pala akong naihandang dessert, tsk.

Humarap ako sa kanya. "Okay, sige tutal wala akong naihandang dessert kaya ikaw na ang gumawa."

"Aye, aye Captain!" at sumaludo pa talaga siya sa'kin.

Humila siya ng upuan para gawing tuntungan dahil mataas ang cupboard namin. Pinipigilan ko'ng tumawa, ang cute nya kasi parang bata na naghahanap ng candy.

"Let me see...2 packs of graham crackers, 1 can fruit cocktail, 1 can condensed milk..." at kinuha nya lahat 'yon.

Binuksan naman nya ang ref at kumuha ng 2 packs ng all-purpose cream. Hmmm...mukhang gagawa siya ng Graham cake kaya ako na ang kumuha ng Pyrex na lalagyan para hindi na siya tumuntong ulit sa upuan.

"Graham cake?"

"Yup!"

Nagsuot siya ng gloves at nagsimulang gawin ang Graham Cake. Ako naman ay nagcoconcentrate na sa pagluluto.

* * * * *

"It's dinner time!

Duet pa talaga kami. Tinulungan nya rin akong maghanda ng lamesa at ang resulta? Para kaming kakain sa restaurant kasi nakaayos lahat ng nasa lamesa.

"Wow mukhang masarap lahat ng niluto mo JAE, matutuwa sa'yo ang mga 'alaga' ko hehehe."

"Eating monster pero 'di ka naman tumataba, ayos 'yan 'di mo kailangan mag-diet.''

"Sus 'di uso sa'kin ang diet!"

After a short prayer, inatake na namin ang mga pagkain.

* * * * *

"Sarap ng dinner solved na solved ako!" sabi pa ni Khaki habang sumusubo ng ginawa nyang Graham Cake.

"Ayos din 'tong dessert na ginawa mo tamang-tama lang ang tamis, hindi nakakauta.

"Thanks buti nagustuhan mo."

Nag-thumbs up ako sa kanya.

Siya na rin ang nagpresinta para magligpit. Nakakahiya nga kasi ako ang nag-imbita sa kanya tapos pinagliligpit ko, pero mapilit siya, e kaya hinayaan ko na lang.

Nang maayos na lahat sa kusina ay niyaya ko siya sa balcony para makipag-jamming at stargazing na rin.

What a wonderful night.

Pierres Noires (Black Stones) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon