Add Ons (Bitin kasi ang Epilogue)

279 12 3
                                    

KHAKI'S:

AT THE AIRPORT. 

Yeah, nandito kami ngayon sa NAIA dahil napili ang Black Stones na mag-opening act sa isang foreign band na magkakaroon ng concert sa Waterfront Hotel, Cebu.

Kinuha ko ang mobile ko at nagpunta sa Wattpad site. Ipa-finalize ko na kasi ang Epilogue ng kwento na ginawa ko, kailangan pa ng kaunting edit bago pindutin ang Publish button. I became a Wattpad writer 5 months ago, natupad nga ang sinabi ko last na gagawan ko ng istorya ang Black Stones.

"Hey Khaki, sino naman ang ka-text mo at nangingiti ka pang mag-isa? Ikaw, a. Nagtataksil ka na agad kay Jager!" Lawak talaga ng imagination ni Harold. Ang sarap lang kutusan. TH masyado.

"Wala akong ka-text, nag-update ako ng Wattpad story. Taksil-taksil ka pang nalalaman." Irapan ko nga.

"Writer ka na pala, Khaki?" tanong ni Marco at sinilip pa ang ginagawa ko sa mobile.

I smiled at him. "Five months ago pa. Hindi ko lang sinabi sa inyo kasi hindi pa tapos ang kwento na ginagawa ko. Pero ngayon, pwede nyo na siyang basahin kasi na-publish ko na ang Epilogue."

"What's the title, rock princess?" Bigla naman akong inakbayan ni JAE.

"Pierres Noires." I giggled and kissed him on the cheek.

"French word for Black Stones," Yoshiro informed them.

"Wow, story pala natin 'yan? Babasahin ko na agad mamaya after ng concert sa Cebu!" Excited bigla si Harold e, 'no? 

"I'm so proud of you Cassiopeia. Dumadami na ang achievements mo kasi kinarir mo na lahat." JAE grinned. Sapakin ko na ba? 

"Compliment ba 'yan o pang-aasar, Jager?" At talaga namang ginatungan pa ni Marco.

"Don't worry, JAE. Hindi ko pa naman kinakarir lahat." Natatawa ako habang sinasabi ito kasi may naglalarong pick up lines sa utak ko.

"All-around ka sa Black Stones. Black belter, dancer, masarap magluto at ngayon writer ka pa.  Tell me, ano pa bang kulang diyan?"

"Hindi ko pa kinakarir ang pagiging butihing maybahay mo kaya kulang pa ’yang mga binanggit mo." Humagalpak na ako ng tawa sa sarili kong kakornihan.

"Whoa, ang lupit no'n Khaki, a! Walang panama ang mga banat ni Jager sa ’yo!" Pati si Harold ay humagalpak na rin ng tawa.

"Ibang klase talaga kayong dalawa. Kaya swak na swak kayo." Nakitawa na rin si Marco.

"Kaya idol na idol ko si Cassie. Sana makahanap ako ng gaya nya, kahit ’yong kakulitan lang ang mamana sa kanya." Tipid na ngiti naman ang ibinigay ni Yoshiro.

"Nakita mo na siya, bunso. Hindi ka lang aware." Napatingin tuloy ako kay JAE na nagkataong nakatingin din sa akin.

"Yes bunso. That girl na nagyaya sa ’yo magsayaw dati sa Prom. Astig nya kasi siya pa mismo ang nag-approach sa ’yo." I giggled when I recalled that scene sa Prom Night at Emerson Academy 3 years ago.

"Si Larkin? Pwede." Naging kakaiba naman ang ngiti ni Yoshiro nang banggitin nya ang pangalan no’ng babae.

"Classmate pa rin kayo hanggang ngayon, ’di ba?"

"Yes Cassie. Sa ARV-U rin siya nag-aaral."

"Ayos, mukhang magkakaroon ng Book 2 ang istoryang ginagawa ko. I'm so excited!"

"Book 2 na nga 'yan, Khaki!"

"Tama!"

"Challenge accepted!" I winked at them.

"Calling all passengers bound for Cebu, please proceed to Gate **." Ayan tinatawagan na kami kaya sabay-sabay kaming tumayo at naglakad papunta sa designated gate.

"Let's go!" 

"Alright!"

***** 

Meanwhile at the Arrival Area...

"Home at last! Nakakamiss ang ’Pinas!"

Inalis ng babae ang suot nyang shades at naglakad na animo model na rumarampa sa runway. Agaw-pansin siya sa mga tao dahil mukha siyang model-slash-celebrity sa sobrang ganda.

At dito nagtatapos ang kabanata ng Pierres Noires (Black Stones)

To God be the glory!

-- mangkunifroggy xoxo

Pierres Noires (Black Stones) √Where stories live. Discover now