Chapter 18: Conference Call

247 17 5
                                    

JAE/JAGER'S:

Umalis na kaagad ako nang makita ko ang bestfriend ni Khaki na siyang makakasama ni Alice as new endorsers of Benshoppe. 'Di ko alam kung saan ako biglang nainis. Doon sa nalaman ko na magkasama sila ni Alice o dahil sa sobrang higpit ng yakap ni Khaki rito. Ang salawahan ko lang.

Nag-shower na muna ako para mag-cool down ang pakiramdam ko. Kinuha ko ang gitara ko at tumambay sa balcony.

Kasalukuyan kong ini-strum ang Far Away ng Nickelback nang lumabas naman si Khaki sa kabilang bahay at naglakad na pabalik nang makita ako.

"Hindi kita kakagatin kaya 'wag kang umalis."

"B-baka kako naistorbo kita." at umupo na ito sa long bench.

Itinuloy ko na ulit ang pag-strum habang tahimik lang si Khaki sa kabila. Hindi talaga siya nagsasalita pero ngumingiti siya kasi may ka-text siya. Nababaliw na ang isang 'to, ngumingiti mag-isa tss..

Itinigil ko na ang pagtugtog at papasok na sana ako sa kwarto nang biglang mag-ring ang cellphone ni Khaki. Familiar talaga 'yong kumakanta sa ringtone nya. Hindi kaya...pero imposible, e.

"Hindi nakatiis kaya tumawag na," Dinig ko ang halakhak nya. Ang saya naman ng isang 'to.

Mayamaya pa...

"Wait kunin ko lang guitar ko tapos conference call tayo," at tumayo na ito at lumakad papasok ng kwarto.

Mukhang may jamming pa 'ata sila nung kausap nya.

"Okay game! I-connect call mo na 'yong dalawa," - excited much pa ang ate nyo tss..

Nakasalpak ang earphone sa tainga ni Khaki para makapag-guitar siya. Pwede namang i-loud speaker hays pahirap pa 'to sa buhay.

Para Sa 'yong Parokya ni Edgar ang kinakanta nila pero syempre siya lang ang naririnig ko. Ayos 'yong cover nya mala-Yeng Constantino lang. Sumunod naman ay Ang Huling El Bimbo ng Eraserheads. Ang pang-finale nila ay Himala ng Rivermaya.

Masasabi kong approved lahat sa 'kin lahat ng kinanta nila. At bilib ako kay Khaki, pwedeng-pwede na siyang isali sa Black Stones.

Bigla ko tuloy naalala ang tatlong ka-bandmates ko sa Black Stones. Kumusta na kaya sila? Hindi nila ako makokontak dahil nagpalit ako ng sim at sinabihan ko na rin si Radford na 'wag ipaalam sa kanila ang number ko. Kahit nga si Khaki 'di alam number ko, e pero ibinigay ko kay Alice ang number ko kanina matapos kong hingiin ang number nya syempre.

Harold, Marco at Yoshiro...magkikita rin tayo ulit at mag-jajamming. In due time.

"It's getting late tulugan na hoy kita-kita na lang sa monday!" Maya-maya pa ay narinig ko na sabi ni Khaki sa mga kausap nya.

Tumayo na ito at binitbit ang gitara nya.

"Goodnight JAE."

"Goodnight." Pumasok na rin ako ng kwarto para matulog.

* * * * *

KHAKI'S:

Ang saya ng conference call! Walang katapusang jamming with them (Harold, Marco and Yoshiro). At walang kamalay-malay si JAE na bandmates nya ang mga kausap ko. Excited na nga rin ako para makita 'yong dalawa sa monday.

After ko mag-half bath ay isinalpak ko na ulit ang earphones ko para mag-soundtrip hanggang sa makatulog ako.

Pierres Noires (Black Stones) √Where stories live. Discover now