Chapter 37: Showdown and Rehearsal

278 16 8
                                    

KHAKI'S:

Ayan, hindi na ako home alone dahil nandito na rin ang bandmates ko plus Alex. Ginawa na rin naming dalawa ang deal kaya sumayaw muna kami bago magsimula ang jamming. Nganga na naman sina Harold at Marco. Hindi sigyro nila sukat akalain na gano'n ako kagaling sumayaw (naks ang hangin ko!). Sibuno naman ay kinuhanan pa talaga kami ng video gamit ang cellphone nya habang tumatango-tango. Si JAE naman ay naka-crossed arms lang habang nanunuod pero obvious naman na napabilib ko na naman 'to.

"Grabe Khaki ikaw na! Ikw na talaga! Napaka-talented mo!" Ginulo pa talaga ni Harold ang buhok ko pambihira ginawa pa akong bata!

"Whoa that's awesome! Keep on rockin' girl!" Pisngi ko naman ang napagdiskitahan ni Marco.

"Wala na akong masabi kasi nasabi nanilang dalawa." Nakangiti naman si Yoshiro habang naka-thumbs up.

"Kaya nga idol na idol ko 'yan si ate Krista e! Dream girl talaga ang isang 'yan!" Feeling ko ay naghugis-puso na ang mga mata ni Alex.

"O tara simulan na natin ang jamming. Practice na din 'to for the upcoming Musikrakan pero si Harold ang vocalist." Niyaya na kami ni JAE para umpisahan ang jamming.

"Bakit?!" Tanong naming lahat sa kanya.

"Dahil pang MAIN EVENT ako tsaka exposure din 'yan for Harold at may tiwala ako sa boses at skills nya."

"Main event?!" Sabay-sabay ulit naming tanong maliban kay Yoshiro.

Tumango-tango naman si JAE. 

"Sampung banda ang maglalaban sa Round 1. OPM Songs ang category. Lima naman ang maglalabah sa Round 2 which is Cover Songs ang dategory. At sa Last Round naman ay dalawa ang maglalaban at 'yan ang pinaka-main event dahil dyan magaganap ang TWIST." Todo explain sa'min ni Yoshiro. 

"Cool!" Bukod tanging 'yan lang ang nasabi ko. Ang haba ng sinabi ni bunso pero one word lang ang sasabihin ko haha ang bait ko e.

"Well explained bunso." Nakangiti pa si JAE sabay gulo sa buhok ni Yoshi.

"So ano-ano ang mga kakantahin natin?" Tanong ko sa kanila.

"Pwede mag-suggest ng songs?" Biglang tanong naman ni Alex habang nakataas ang kamay. Tinanguan naman namin siya.

"For Round 1 which is OPM Songs category I suggest "Anino Mo" by Slapshock. For Round 2 the Cover songs category uhm "Careless Whisper" by Seether and for the Twist Round, I'll suggest two songs since alam kong magagaling kayo e 'di syempre magrerequest pa ng isang kanta ang audience kaya My Hert by Paramore ang kakantahin nyo. Dahil may twisted round, bale si ate Krista ang magiging vocalist at pwede kang pumasok dyan kuya Aareon because you will do the growling part. The other song will be Iris by Goo Goo Dolls ft. Avril Lavigne. Sure win na kayo nyan!

"Nice choice of songs!" Approve kay Harold ang suggestion ni Alex.

Agree!" Segunda naman ni Marco

"Two thumbs up!" Si Yoshiro naman 'yan.

"Magaling, magaling." Napa-slow clap pa talaga si JAE.

"Awesome Alex!"

Malapad na ngiti naman ang ibinigay sa'min ni Alex.

"Tara simulan na natin?" Kinuha na ni Harold ang electric guitar.

"Excited na 'ko mag-drums!" Pinaikot pa ni Marco ang drumsticks nya.

"Masayang jamming 'to!" Inistrum naman ni Yoshiro ang bass guitar.

"May tama kayo!" Sabay pa talaga kami ni JAE. Nagkatinginan tuloy kaming dalawa.

"Ayun naman o, sabay pa sila!" 

"Sabi ko sa'yo 'tol destiny talaga ang dalawang 'yan." Inakbayan naman ni Marco si Harold sabay tango.

"Boto ako kay Cassie for kuya Aareon." Naku naman Yoshiro!

"Nakakakilig naman!" Panunukso pa ni Alex sa'min.

Feeling ko pulang-pula na ang mukha ko. Lakas makatukso ng mga ito ah. 'Pagkaisahan daw ba kami ni JAE.

"Kayo talaga tara rehearse na!" Pagalit kuno na sabi ni JAE pero namumula naman ang tainga haha!

"Game! Sure win na ito!" 

"I know right my dear cousin. Makakabawi na tayo sa GIPS."

"Tama!" 

"Let's get it on!" 

"Taga-cheer nyo 'ko guys hihi." 

"Let the jamming begin!" Sabay-sabay kaming lahat while throwing our fists in the air.

Pierres Noires (Black Stones) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon