Chapter 45: Musikrakan: The Final Battle (Part 2)

208 15 5
                                    

A/N: Intro muna ulit hahaha baka di na naman magkasya sa cp ko :D

JAE/JAGER'S:

Nagulat ako sa announcement ni Gray about the wedding pero hindi ako nagpahalata sa mga ka-banda ko. No hurt feelings dahil madali naman akong naka-move on, salamat sa mga itinuturing kong kapatid (bukod kay kuya) na sina Harold, Marco at Yoshiro. Si Cassiopeia ay 'wag na natin isama kasi...alam nyo na hehe.

Lalong naghiyawan ang mga tao dahil biglang kinabig ni Gray si Blythe at hinalikan. Ang PDA lang a, o baka naman kasama ito sa 'diskarte' nila for the Final Round. Well, mukhang nakuha nila ang atensyon ng mga tao kaya lang...

"Whoa tindi kinabog nyo ang Jadine at Kathniel!" Biglang sumigaw si Aura.

"This is supposed to be a rock contest and not for lovebirds for Pete's sake! PDA much, get a room Gray!" Hindi naman nagpatalo si CL.

Tawanan tuloy ang mga manunuod. Ang mamaldita pala talaga ng WTCHS na ito, but with CLASS.

"Okay next na Black Stones naman!" Sigaw naman ni Clarence.

"Yeah we want Black Stones!" At sinegundahan naman ni Sheya.

At effective ang ginawa nilang 'scene steal' dahil nag-chant na rin ang lahat.

"We want Black Stones! We want Black Stones! We want Black Stones!"

Napakamot tuloy sa ulo si Harold. "Tindi pala ng WTCHS Khaki! Scene stealer lang?"

"Ang cool nga nila!" Natatawang sabi naman ni Marco.

"Si Aura parang si Cassie pumorma. Rakista din kasi," hirit naman ni Yoshi.

"Sabi nga nila 'Never Mess With The WTCHS'!" Khaki smirked.

Isa-isa namang umakyat na ng stage ang apat dahil tinwag na sila ng Emcee. Sila na ang susunod at huling magpeperform.

* * * * *

Nang maiayos na ang instruments nila ay nagsalita na si Harold.

"Nagkasama-sama tayong muli dito sa Music Dome at papatunayan namin ngayong gabi kung sino ang karapat-dapat na maging Musikrakan Champion!"

Sigawan, palakpakan at rock sign naman ang isinukli ng mga tao sa sinabi nya. Pagkatapos nyang magsalita ay umalis sa pwesto nya si Harold at si Khaki ang pumalit and this time ay keyboard ang gagamitin nya.

"In this Final Round ay ako naman ang magiging vocalist so ARE YOU READY TO ROCK AND ROLL MUSIC DOME?" tanong ni Khaki sa kanila at nayanig ang Music Dome sa hiyawan at palakpakan.

"Black Stones will never be Black Stones without Jager Aareon Elizalde. So JAE umakyat ka na rito kung ayaw mong kaladkarin pa kita," she winked at me.

Tawanan na naman tuloy ang mga tao. Ano kayang balak ng isang 'to? Dali-dali naman akong pumunta ng stage baka kasi totohanin nya ang sinabi nya. Pagka-akyat ko ay inabutan ako ni Harold ng electric guitar.

"We're going to sing 'My Heart' by Paramore. This song reminds me of someone dear to me. Alam kong masaya na siya habang pinapanuod kami way up there," at tumingin naman ito sa itaas. Marahil si Alexavier ang tinutukoy nya.

Inilabas din ni Khaki ang Cassiopeia necklace na suot-suot nya. Nakatago kasi iyon kanina underneath her clothes.

Lumapit siya kay Marco at itinaas ang kamay at nagbilang. Nag-headbang siya bilang hudyat nang magsimula na ang intro. Ang astig! So ang role ko pala ay back-up vocals at sa growling part.

Pierres Noires (Black Stones) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon