Chapter 40: Intro to Musikrakan

240 15 1
                                    

KHAKI'S:

THIS IS IT. MUSIKRAKAN NA \m/

Same old scenario. Inaayusan na naman ako ng aking fairy godmother este ni ate Alice. Nilagyan nya ng pink strands ang buhok ko sa bandang unahan kaya ang ganda ko (maniwala kayo hehe).

Ang get-up ko? Combination of black and pink: black long sleeves na may white and pink dots, black skirt na may pink na parang tutu na nakapatong sa ibabaw oh yeah I'm the rock princess!

"Done!" sabi ni ate Alice matapos akong lagyan ng light make-up ang nilagay nya pero ang ganda ko pa din hahaha ipagpilitan daw ba? E sa maganda naman talaga ang itsura ko ngayon.

"You look great Khaki! You're our rock princess!" inakbayan na naman ako ni Harold pero wala namang malisya 'yun kasi magkakapatid na talaga ang turingan namin together with his cousin Marco at ang aming bunso na si Yoshiro. Si JAE 'wa na isali kasi 'future boyfriend' ko 'yan hahaha!

"Ang gugwapo nyo mga bro! Marami na naman kayong pakikiliging mga babae hahaha!" puri ko naman sa kanila.

"Ehem!" biglang tumikhim naman si Mel.

"Naks naman bestfriend gwapung-gwapo ka din ngayon ah!"

"Akala ko hindi mo na ako mapapansin e yaan mo may discount ka na sa Benchshoppe" pagbibiro naman nito.

*doorbell rings*

"Krystelle!" tuwang-tuwa na sabi ko nang buksan ko ang pinto at sila ni RAE ang bumungad sa'kin.

"Ehem! Supportive fans kami ng sweetheart ko kaya manunuod din kami 'di ba?" sabay akbay ni RAE kay Krystelle.

"Sweetheart? Well congrats to both of you!" obvious naman na in a relationship na ang dalawang 'to.

Sinuklian naman nila ako ng isang malapad na ngiti.

"Oops am I late?" humahangos na sumilip si Alexandrea sa may pintuan.

"Just right on time Alex," umuwi muna kasi siya saglit at nag-mall para lang bumili ng susuotin ngayon.

"Kumpleto na tayo so let's go? Mas mabuti na 'yung maaga tayo," yaya ni Harold sa'min.

"Taralets!"

Kanya-kanya kaming sakay sa mga sasakyan. Sina RAE at Krystelle sa Jaguar, sina ate Alice at Mel sa Lancer, sina Harold, Marco, Yoshiro at Alex sa Pajero at kami naman ni JAE sa Porsche.

"Are you nervous Cassiopeia?" tanong ni JAE habang nagmamaneho.

"Medyo, pero mas nangingibabaw ang excitement kaysa nerbyos."

"Good. I trust you as well as I trust the other 3 members of Black Stones."

"Thanks JAE. Excited na din ako sa gagawin mo mamay hahaha!"

Nginitian naman nya ako.

* * * * *

MUSIC DOME.

Halos mapupuno na ang loob ng dome nang dumating kami kahit may 1 oras pa bago mag-start ang Musikrakan. Feeling ko instant celebrity na ako (o sige kami na para marami hehe) dahil the moment na pumasok kami ay puro flash ng camera ang sumalubong sa'min. Idagdag pa ang mga maririnig mong paghanga mula sa mga manunuod.

"Ayan na ang Black Stones kyaaaa ang ganda ni Khaki!"

"Ang popogi naman nung apat OMG!"

"Tara pa-picture tayo!"

At may lumapit na nga sa'min para magpa-picture.

Kasunod naman namin sina ate Alice at Mel pati na din si Alexandrea na nagmukha na ding model sa kanyang swag get-up.

"Sina Aphrodite at Mel 'yan ng Benchshoppe 'di ba? Mas maganda at gwapo pala sila sa personal!"

"Look, there's Alexandrea Dela Merced of Step Up Crew! 'Di ba sila ang nagchampion sa America's Best Dance Crew this year?"

"Papa-autograph ako sa kanila!"

"Tara pa-picture tayo dali!"

Ayun dinumog na din sila ng 'fans' nila.

"Cassiopeia Kristaaaaaa!" OMG nandito din sila? Sila lang naman ang tumatawag sa fullname ko.

Paglingon ko sa may kanan ko ay nakita ko sina CL, Aura, Clarence and Sherina. Yes, they are the famous WTCHS.

"WTCHS!" patakbo akong lumapit sa kanila at niyakap sila isa-isa.

"Surprised Sweetie?" - CL

"Akala mo hindi kami pupunta 'no?" - Aura

"Lakas kasi maka-text prank ni Au e hahaha!" - Clarence

"Goodluck to you and to Black Stones," - Sherina

"Thanks guys! Nawala ang kaba ko dahil sa inyo," teary eyed kong sabi sa kanila. Tears of joy syempre.

A/N: Get to know more of WTCHS in "Never Mess With The WTCHS" by polarlightkid :D

Pierres Noires (Black Stones) √Where stories live. Discover now