Chapter 14: Bonding and Jamming

330 20 10
                                    

KHAKI'S:

DISMISSAL.

Kaming tatlo uli nina Harold at Marco ang magkakasabay umuwi. Malapit lang din sa ARV-U ang condo units nila so binitbit ko na lang ang skateboard ko at naglakad na kami.

"Kapag maaga ang dismissal bukas, punta tayo ng Emerson Academy. Dalawin natin si Yoshiro pati ang Team BLAST," sabi ni Harold habang sinisipa ang bato sa daan (feeling soccer player lang mga gano'n?)

"BLAST? Short for Black Stones?" tanong ko sa kanya.

"Matalino ka talaga Khaki." Si Marco ang sumagot at tinapik ang ulo ko.

"Fans club ng Black Stones ang BLAST, highschool students sila sa Emerson Academy at karamihan ay mga kaklase ni Yoshiro."

"Pero sila 'yong tipo na mga mababait unlike ng iba na kulang na lang ay maghubad sa harapan namin para mapansin, tsk."

"Sina Mishiel at Jenway ba ang tinutukoy mo 'tol?" natatawang tanong ni Marco sa pinsan nya.

"Oo grabe ang dalawang 'yon. Sorry na lang 'di ko talaga sila type. Mas gugustuhin ko pang maka-bonding ang BLAST kesa sa kanilang dalawa."

"Sinabi mo pa, baka ma-rape tayo ng wala sa oras kapag pinatulan natin ang pagfiflirt nila."

"Wow, ha biglang lumakas ang hangin." Tukso ko sa kanila.

"Pwera biro, Khaki." Duet na naman ang magpinsan na 'to.

"Okay fine!"

Nang makarating na kami sa tapat ng condo ay nagpaalam na ang dalawa. Hiningi na rin nila ang number ko at tatawag daw sila mamaya for conference call.

* * * * *

"How's school?" Bungad sa 'kin ni ate Alice nang makauwi na ako.

"Great! May nakilala akong two guys na bagong classmate din at band members sila." Excited ko pang sabi sabay upo sa sofa.

"E 'di mabuti may makakasama ka na sa school nyo since graduated na kami ng bestfriend mo."

"Yup! Hayaan mo ate invite ko sila sa 'tin one time para makilala mo."

"Kumusta naman ang new neighbor natin?"

"Okay lang kahit lagi nya akong inaasar." Napanguso naman akong bigla sa tanong ni ate.

"Baka crush ka?" Inilapag ni ate ang potato chips at iced tea sa center table.

"Sus, asa ka pa. BH nga ang isang 'yon." Kumuha ako ng isang bag ng potato chips at binuksan.

"Malay mo naman 'di ba?"

"Malabo 'yon. Kasing labo ng sabaw ng adobong pusit."

At nag-duet kami tuloy sa pagtawa. Snack time!

* * * * *

Hindi na ako nagluto ng dinner dahil umorder na lang si ate sa Pizza Hut at nagfoodtrip kaming dalawa sa balcony. Minsan ko na lang makasama nang ganito si ate dahil busy na rin siya sa work nya.

Katatapos lang kantahin ni ate ang Ours by Taylor Swift (syempre ako ang nag-guitar) nang biglang nagsalita si JAE sa kabilang bahay.

"Nice voice. And nice face too." Sabi pa nito habang pumapalakpak.

Napatawa naman si ate at napataas naman ang kilay ko. Tumalon naman si JAE papunta sa'min.

"Jager nga pala at your service." Wow gumagano'n pa ang beast na 'to sa ate ko.

"Aphrodite Alessandra. Alice na lang, nice to meet you." Tinanggap naman ni ate ang pakikipag-shake hands ni JAE.

"Ang ganda naman ng pangalan mo. Kasing-ganda mo." Sabay kiss sa kamay ni ate.

Pero balewala naman kay ate ang ginawa ni JAE. "Bolero much? Anyways why don't you join us? Jamming lang kami ni Khaki."

"Sure my goddess."

Langya dumadamubs pa ang isang 'to, tinamaan yata sa maganda kong ate. Hindi ko tuloy maiwasan na irapan siya. Hindi naman siya nakatingin, e.

So nag-start na kami sa aming mini concert.

Pierres Noires (Black Stones) √Where stories live. Discover now