Chapter 3: My Heart

448 31 7
                                    

JAE/JAGER'S:

Umalis na si kuya pati ang bestfriend ni Cassiopeia. Napansin ko na ayaw nyang magpatawag sa pangalan na 'yan pero trip ko na 'yan ang itawag sa kanya. Wala lang, pang-asar lang para mabadtrip siya at hindi na ako kausapin. Ayoko munang makipag-usap kahit kanino lalung-lalo na sa mga babae. At BABAE si Khaki although may pagka-boyish siya but the fact still remains that she is a GIRL.

Hindi ko na hinintay na magsalita siya at naglakad na ako papasok sa aking "new haven".

"JAE pati ba naman ikaw ii--"

"Pwede ka na'ng bumalik sa inyo Cassiopeia," putol ko sa ano pa mang sasabihin nya at hindi din ako nag-abalang lumingon pa.

"Are you deaf? It's Khaki K-H-A-K-I!"

"Shut up Cassiopeia, you're so annoying!" I slammed the door in front of her.

"Aba't! Argh!"

Sige mainis ka sa'kin para hindi mo na ako kausapin. 

1 minute...

2 minutes...

3 minutes...

"Malamang napikon na 'yon at umalis na," bulong ko habang naka-crossed arms at nakasandal sa may pinto.

May dalawang kwarto sa may itaas. At pinili ko ang kwarto na may balcony. Pwedeng mag-stargazing doon. Katulad ng ginagawa namin noon. With HER. Move on Jager, MOVE ON!

Buti na lang at hindi ko nakalimutang dalhin ang magic air bed ko kasi wala akong tutulugan 'pag nagkataon. Lalabas na sana ako ng kwarto ng marinig ko ang pag-strum ng guitar at angelic voice ng babaeng 'yun.

"So that girl Cassiopeia can play the guitar and sing as well," and I closed my eyes.

* * * * *

KHAKI'S:

"That beast! Grrr!"

Grabe inuubos talaga ni JAE ang pasensya ko! Pigilan nyo 'ko baka masapok ko na 'yon, e!

Matapos kong magpapapadyak na parang bata at basta na lang iwan ng lalaking 'yon at pinagbagsakan ng pinto ay nagmartsa na ako papasok ng bahay namin. Kainis!

Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang nakasabit kong gitara. Tatambay na muna ako sa balcony baka sakaling kumalma ako.

Nagsimula akong mag-strum ng gitara habang nag-iisip ng kung ano ang kakantahin ko.

And I ended up singing "My Heart" by Paramore.

I am finding out that maybe I was wrong
That I've fallen down, and I can't do this alone
Stay with me, this is what I need Please?
Sing us a song and we'll sing it back to you
We could sing our own but what would it be without you?

* * * *

"...my heart is..."

Isang malaim na huntong-hiningaang pinakawalan ko. Napaiyak na naman ako ng kantang 'to geez ang emo ko lang e, 'no? Damang-dama ko kasi 'yong feeling ni Hayley no'ng kinanta nya 'to tapos napaiyak din siya.

Matapos ng ilang minutong pag-tipa ng gitara ay pumasok na ako ng kwarto dahil inantok akong bigla. Weird.

* * * * *

JAE/JAGER'S:

I opened my eyes and a tear fell. Tsk ang bading lang. Nadala siguro ako sa way ng pagkanta ni Cassiopeia dahil nanggagaling mismo sa puso nya 'yong bawat pagbigkas nya ng mga linya ng kanta. Naks. A, basta!

Bumaba ako saglit at kinuha ang bag ng magic air bed sa compartment ng kotse ko pati na rin ang pang-pump. Ewan ko ba, bigla akong inantok after ko marinig ang kanta. Weird.

A/N: One of my fave songs ko ang My Heart :)

Pierres Noires (Black Stones) √Where stories live. Discover now