Chapter 23: My Family and Bandmates

233 15 2
                                    

KHAKI'S:

*doorbell rings*

Dali-dali kong binuksan ang pinto, baka si Mel na 'to kasi nagtext siya kanina na pupunta siya dito sa bahay. Home alone kasi ako dahil nasa work pa si ate.

Pagbukas ko ng pinto, "Surprise!" sa halip na si Mel ang makita ko ay sina Mama at Papa ang nabungaran ko sa may pintuan.

"Ma! Pa!" sabay yakap ko sa kanila. Si Mel naman ay nasa likuran nila at ngiting ngiti si mokong.

"Kaya pala hindi kayo nagpasabi kyng ano'ng araw kayo uuwi kasi gusto nyo pa ng surprise ah. Kakuntsaba nyo pa si bestfriend!"

"Hahaha priceless nga ang itasura mo anak. Nasa maleta 'yung pasalubong namin sa'yo," sabi naman ni Papa.

Nang maipasok na namin ang lahat ng bagahe ay excited kong binuksan ang isang maleta.

"OMG Slash's autobiography!" feeling ko nagniningning ang mata ko habang tinitignan ang makapal na libro. Ayos dagdag book collection na naman!

Halikwat ulit ako at may nakita akong isang set ng make-up?! 'Di naman ako gumagamit nito.

"Ma, kay ate po ba 'tong make-up kit?"

"No, para sa'yo yan Khaki."

"What?! Pero Ma hindi naman ako gumagamit nito maliban sa black eyeshadow," napanguso tuloy akong bigla.

"Anak pansinin mo muna 'yong set ng kulay bago ka magreklamo."

Tinignan ko ulit 'yong kit. Puro dark colors nga siya, make-up kit ng isang rakista.

" Ayos na rin pero ewan ko po kung kailan ko 'to magagamit."

"ASAP anak."

Nagkibit-balikat na lang ako. May nakita akong isang medium box na may pang rocket girl outfit. Ang ganda kaso magmumukha akong girly nito.

"Khaki 'di ba bukas na 'yung BOTB sa Emerson Academy? Pwede mo isuot yan. Pustahan tayo agaw-eksena ka 'dun hahaha sasabihan ko nga si Alice na ayusan ka," biglang sabi naman ni Mel.

"Hmmm...pwede din pero no need to fix myself that much."

"Ah basta you will be the 'rocker chic' tomorrow!"

At nginitian ko na lang siya. Sabi nya ay manunuod din siya kasama ni ate. So hindi si JAE ang kasama ng big sis ko manuod bukas?

"Ma, Pa, pahinga muna kayo at ako na ang bahala sa dinner natin. Bestfriend tawagan mo si ate para sama-sama na tayo kumain."

"Aye, aye Captian!"

At dumiretso na ako sa kusina para magluto ng dinner.

* * * * *

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto nang may mag-doorbell, malamang dumating na si ate Alice and as usual si JAE na naman ang kasama nun.

"Hello po Tito, Tita mga classmate po kami ni Khaki at bandmates nya. 'Eto naman ang bunso namin sa banda."

Teka, teka si Harold 'yung nagsasalita ah? Maya-maya pa ay nakarinig na ako ng mga yabag papunta dito sa kusina.

"Wow ang bango naman nyan Khaki nakakagutom!" - Harold

"Swerte ng magiging bf nitong si Khaki busog lagi hahaha!" - Marco

Kumuha naman si Yoshiro ng kutsara at tinikman ang luto ko. "Sarap nito Cassie!" at nag-thumbs up pa sa'kin.

"Tulungan ka na namin sa paghahanda ng dinner," sabi ni Harold habang kumukuha ng mga plato.

"Oo nga tutal makikikain na din kami dito hahaha," segunda naman ni Marco habang naglalagay ng mga baso.

"Nagutom akong bigla," sabi naman ni Yoshiro habang naglalagay ng kubyertos.

"Malapit na 'tong maluto kaya ihanda nyo na yang mga tyan nyo."

Napuno ng malakas na tawanan namin dito sa kusina.


Pierres Noires (Black Stones) √Where stories live. Discover now