Chapter 1: Sisters

1K 41 25
                                    

You were everything, everything that I wanted
We were meant to be, supposed to be but we lost it
And all of the memories so close to me just fade away
All this time you were pretending
So much for my happy ending

Oh oh, oh oh oh oh..
So much for my happy ending

Oh oh, oh oh, oh oh..

KHAKI'S:

Nag-mimini concert na naman ako sa kwarto habang may hawak na hair brush at nagtatatalon sa kama. Oh yeah, feeling Avril Lavigne ako. Favorite singer ko kasi siya.

Cassiopeia Krista Sarmiento nga pala. Utang na loob 'Khaki' na lang ang itawag nyo sa'kin dahil allergic ako sa names ko, napaka-girly kasi. Ewan ko ba kina Mama at Papa kung bakit ganito ang ipinangalan sa'kin. Pwede namang Avril na lang o di kaya Amy Lee. Kaka-debut ko lang din last month so dalaga na ako kahit may pagka-boyish ako kumilos. Isa akong rakista, mahilig mag-suot ng itim na get-up pero hindi naman ako ang tipo na tadtad ng piercings at tattoo sa katawan. Hindi din ako mahilig maglagay ng eyeliner (nag-try ako one time pero maiyak-iyak naman ako kaya 'di na naulit 'yon). Mas trip ko pa ang dark eyeshadows. Mahilig din ako sa accesories basta 'black'.

My attitude depends on how you will treat me. Kung mabait ka, mas mabait ako sayo. Kung impakta ka, well, kaya ko pang magtimpi pero maldita ako ng kapiraso at black belter pa kaya 'wag nyo kong gagalitin kasi wala akong sinasanto mapa babae man o lalaki. 'Yan siguro ang rason kung bakit single pa rin ako hanggang ngayon. Natatakot 'ata sila sa'kin.

Marunong din akong mag-guitar, mag-keyboard at mag-drums. Nagcocompose din ako ng mga kanta at tula. Mahilig din akong magbasa as in! Kung bookworm ka magkakasundo tayo, apir!

* * * * *

"CASSIOPEIA KRISTAAAAA! Hinaan mo naman 'yang tugtog!"

Patapos na ako sa mini concert nang marinig ko ang matinis na boses ni ate Aphrodite Alessandra, Alice for short. 'Nak ng tokwa naman o, kapag ganyan na ang tawag nya sa'kin it means badtrip na siya so I toned down the volume a bit. 'Yong halos ako na lang mismo ang nakakarinig.

"Sorry sis, ayan mahina na!" I shouted back.

Nakauwi na siguro siya galing pictorial. Yes my sister is a model. Pareho kaming maganda pero magkalayo kami ng preferences in terms of fashion. Girly siya tapos ako medyo boyish. Namana nya kay Papa ang height nya samantalang ako mana ako kay Mama so cute size ako. Good news SINGLE pa rin yang big sis ko kaya pwede nyong ligawan 'yan.

Kasalukuyang tumutugtog ang My Immortal nang biglang tumawag si Mel, bestfriend ko.

"H-e-l-l-o," bungad ko sa kanya.

"Hello best tapos na ba ang mini concert mo?" pang-aasar nya. Malamang dinig na dinig nya 'yong tugtugan ko kanina kasi magkapitbahay lang kami.

"You're stating the obvious best. Napatawag ka? Sosyal dami load a, pwede namang text na lang o 'di kaya pumunta ka na lang dito sa bahay."

"Just checking kung may boses ka pa, baka kasi mamaos ka na kasisigaw este kakakanta mo." Langya bait ng bestfriend ko e 'no?

"Sorry to disappoint you Mr. Mel Santibañez ni hindi man lang ako nakaramdam ng sore throat." Ako naman ang nang-aasar sa kanya.

"Oo nga naman kaya idol na idol kita Miss Cassiopeia Krista Sarmiento." Sabay hagalpak nya ng tawa sa kabilang linya.

What the EFF.

"I hate you best. I really do." Asar kong sabi sa kanya.

"I love you too best! O siya ba-bye na magdidinner na ako, kain ka na dyan, nakakagutom pa naman mag-concert." And he hung up.

Napatingin na lang ako sa screen ng cellphone ko, grabe MAHAL NA MAHAL ako ni bestfriend. Mahal na mahal asarin.

Nagra-rumble na ang mga 'alaga' ko sa tiyan kaya lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Tama si best, nakakagutom mag-concert.

Naaamoy ko na rin ang savor ng ulam namin, malamang naghahanda na din si Manang Ising ng dinner. Grabe ginutom akong bigla!

"O tamang-tama ang baba mo hija at maghahapunan na." Baling sa'kin ni Manang Ising.

"Opo, e naaamoy ko kasi 'yong ulam kaya nag-alburoto lalo ang mga alaga ko." Sabay wink ko sa kanya.

"Ikaw talagang bata ka, o siya maupo ka na dito at pababa na rin ang Mama at Papa mo."

Napasulyap naman ako sa kinauupuan ni ate. Mukhang pagod na pagod siya pero ang ganda nya pa rin. Nagtataka lang ako kung bakit walang dumadalaw na manliligaw dito sa amin o hindi naman kaya may naghahatid sa kanya pauwi.

"Alam mo sis kahit mukhang pagod ka, ang ganda mo pa rin tignan. Ano'ng sikreto mo?" Bola ko sa kanya pero totoo naman na maganda siya.

"Bolera ka talaga kahit kailan Khaki, buti di ka napaos sa mini concert mo."

"Pareho pa kayo ng linya ni Mel." Hagalpak tuloy ako ng tawa.

"Gifted child ka kasi, kita mo hindi man lang nagbago ang boses mo. Kung ako 'yun baka napaos na ako."

"Magkaiba naman kasi tayo ate, tara kainan na!"

Sabay pa kaming napatingin sa may hagdanan dahil nakita naming pababa na sina Mama at Papa. Ang sweet pa rin nila. Naka-akbay si Papa kay Mama at si Mama naman nakahawak sa
bewang ni Papa.

Bibihira din namin silang nakitang nag-away, napaka-smooth ng relationship nila as husband and wife -- and a loving parents to us as well.

I lead the prayer before meal.

"Amen." chorus naming lahat.

It's dinner time! Solved panigurado mga 'alaga' ko mamaya.

A/N: Nakilala na natin ang isa sa mga bida :D

Pierres Noires (Black Stones) √Where stories live. Discover now