Chapter 34: Alexandrea

239 13 2
                                    

KHAKI'S:

Just got home matapos kong 'pagpraktisan' ang mga goon na mukhang 'di papahuli ng buhay ay nakauwi na ako ng payapa. 'Di man lang ako pinawisan sa mga 'yun hahaha sana sa susunod ay doble dagdag na ng security at tanod dito sa subdivision para hindi na maulit ang incident kanina.

Pagkatapos ko magpalit ng pambahay ay sa salas muna ako tumambay habang nagpapatugtog at naghahanap ng mababasang Wattpad One-Shot stories dito sa laptop ko. Feel ko lang magbasa ng one shot baka sakaling makarami ng mababasa. At hanggang sa napadpad ako sa accounts nina polarlightkid at mangkunifroggy.

A/N: Hi to my fellow WTCHS @polarlightkid hahaha :D

"Hmm...Voicemail, When Would It Be at Autumn. Okay basahin ko muna ang mga ito," parang timang na kausap ko sa screen ng laptop.

Basa...

Vote...

Comment...

As usual ganyan ang routine ko kapag mag-oonline sa Wattpad. Kapag may time nga ako ay baka maisipan ko na ding gumawa ng story kasi puro poems and compositions ang laman ng acct ko. Gawan ko kaya ng story ang Black Stones? Ano naman kaya ang magiging theme? Horror? Comedy? Romance? Sci-Fi? Teen Fiction? Ay bahala na si Supergirl!

Pagkatapos kong magbasa sa Wattpad ay nag-status lang ako sa Facebook at nag-logout na din agad dahil bigla akong nagutom. Solo flight na naman ako at walang tao kina JAE dahil ilang araw ko na siyang hindi umuuwi. Siguro na-tripan nya na sa resthouse na muna nila magtigil.

Pumunta ako ng kusina at 'ni-raid' ang ref namin. May nakita akong ready made pizza dough so naisip ko na gumawa na lang ng pizza dahil may available naman na pwedeng ilagay na toppings: chicken strips, button mushroom, bell pepper, mozzarella cheese, pineapple tidbits at ketchup. Pagkatapos pagrambolin este ilagay ang lahat ng 'yan sa pizza dough ay inilagay ko na siya sa microwave oven. Nagbukas ako ng 2 Lay's at inilagay sa bowl. Kumuha na din ako ng apple juice at black Toblerone sa ref. Nang maiayos ko na sa tray ang lahat ng pagkain ay bumalik na ako sa salas at binuksan ang tv.

"Okay fight!" sabi ko pa habang ini-slice ang pizza.

Kakagat na ako nang bigla namang may nag-doorbell.

"Sino kaya 'to?" tanong ko sa sarili ko habang papunta sa may pintuan.

Sumilip ako sa peep hole. Isang babae na naka-shades ang nakita ko. 'Di ko naman mamukhaan kasi naka-hooded jacket siya.

"Ahm yes?"

"A-ate Krista!" bigla nya akong niyakap.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Isang tao lang naman ang tumatawag sa'kin on my second name. And that was 4 years ago. Hindi kaya..?

"Alexandrea?!"

"Yes ate Krista. Buti at natatandaan mo pa ako after 4 years," at hinubad nya ang suot nyang shades.

"Kailan ka pa dumating from States?" tanong ko sa kanya habang niluluwagan ang pinto para papasukin siya.

"Actually pagkababa ko ng airport ay dito na 'ko dumiretso. Buti at hindi ako naligaw hahaha," saka ko napansin ang 2 maleta sa tabi nya. Ang engot ko ba't 'di ko 'yun nakita kanina?

Tinulungan ko siyang maipasok ang mga maleta. "Solo flight ako madalas dito sa bahay dahil sa condo na malapit sa work nya umuuwi si ate Alice. Sina Mama at Papa naman ay madalas ang out of town at out of the country dahil sa trabaho nila. You can stay as long as you want Alex," nakangiting sabi ko sa kanya.

"Talaga ate?" wow parang naging stars 'yung mata nya hehe.

"Oo naman!"

"Thank you! Nakakatamad naman kasing umuwi sa bahay e puro maids lang ang nandun," naka-pout pang sabi nito.

"But you need to contact your parents first baka mawindang sila dahil hindi ka sa inyo umuwi," natatawang sabi ko sa kanya.

"Yup 'eto tatawagan ko na muna sila," sabay dutdot sa Lumia nya.

"Hello Mom? Dito po muna ako kina ate Krista mag-i-stay for a week kasi boring naman dun sa bahay at puro maids lang po ang kasama ko."

Maya-maya ay tumang-tango ito.

"Okay. Yes Mom. Babye po love ko po kayo ni Dad," at ini-end call na nya ito.

"Tara kain tayo, tamang-tama ang dating mo gumawa ako ng home made pizza."

"My favorite!"

"Teka kuha pa ako ng Lay's at drinks sa kusina."

"Okie-dokie!"

Pagbalik ko ay saktong kasusubo pa lang ni Alex ng pizza at bahagyang ngumunguya.

"Sarap nito ate! Pwede nang kahilera ng Pizza Hut 'tong gawa mo!"

"Grabe ha ang exag mo hija!"

"Hahaha! Totoo naman e ang sarap kaya!"

"Oo na, o siya kain lang ng kain at pwede pa lking gumawa ng isa kapag naubos mo lahat 'yan."

"Hahahahaha!"

A/N: Wow 2 encounters ang na-experience ni Khaki ngayon ah. Una is meetong Blythe's younger sister (syempre 'di nya alam na kapatid ni Blythe si Helena) at ang pagdating naman ni Alexandrea na younger sister ni Alexavier, her first love.

Pierres Noires (Black Stones) √Where stories live. Discover now