Chapter 15: Yoshiro and Team "BLAST"

307 18 8
                                    

AT ARV-U

KHAKI'S:

Guess what? Nagdilang-anghel si Harold dahil suspended na ang afternoon class namin dahil may meeting ang mga prof. Kaya 'eto, matutuloy na ang plano namin na pumunta ng Emerson Academy.

Umuwi muna saglit 'yong dalawa at naka-motor na sila pagbalik.

"Sa akin ka na sumabay Khaki, kaskasero 'yang si Marco, akala mo hinahabol ni Kamatayan!"

"Joyride ang tawag do'n, 'tol."

"Feeling mo lagi kang nakikipag-karera!"

"Okay, kay Harold na ako aangkas."

Matapos ang asaran ng dalawang 'to ay ready na kami papuntang E.A.

AT EMERSON ACADEMY

Sumaludo kaming tatlo kay manong guard nang papasok na kami ng E.A. Hindi naman kami nahirapang makapasok dahil kilala na nya sina Harold at Marco. Matapos i-park ang mga motor nila ay naglakad na kami, ay sila lang pala kasi gamit ko si Khaixer (my precious skateboard). Ang lawak kasi ng E.A. kaya ang sarap gamitin ng skateboard ko.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante kasi ang popogi naming tatlo este silang dalawa lang. Sikat talaga sila sa school na 'to.

"OMG sina Harold at Marco ng Black Stones!"

"Walang duda! Pero sino 'yung kasama nila?"  

"Baka new vocalist? 'Di ba lielow si Jager ngayon?"

Grabe nagbubulungan pa sila ng lagay na 'yan pero dinig na dinig namin, tsk.

"Hi girls!" Duet nilang dalawa with matching kaway pa. Ayun todo kilig naman 'tong mga highschooler na ito.

"Sino po siya? New vocalist nyo?"

"She's Khaki, additional member namin pero 'di naman siya kapalit ni Jager. She can sing and play instruments as well," inform ni Harold sa kanya.

"And an skateboard enthusiast, too." Dagdag info naman ni Marco.

"Hi!" Nag-peace sign ako sa kanila.

"Hello!"

Hindi na nakapagpakilala ang tatlo dahil may isang humahangos na papalapit sa'min. JaPinoy ang isang 'to pustahan. Napansin ko na may bitbit siyang libro. Bookworm din kaya magkakasundo kami nito panigurado.

"Ano ka ba naman Yoshiro, alam kong mukha kaming artistahin ni Marco pero hindi mo na kailangang tumakbo palapit sa'min dahil kami na nga mismo ang pumunta rito para bisitahin ka." Kinindatan pa ni Harold ang bagong dating habang nagyayabang este tumatawa.

"Na-miss ko lang kasi kayo." Nahihiyang napakamot pa ito sa ulo.

"'Nga pala 'eto si Khaki bagong miyembro natin pero 'di naman siya ang papalit kay Jager as vocalist. She can play any instrument as well." Pakilala sa'kin ni Marco.

"Hi! Yoshiro right? Nice to meet you!" Inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

"Harmless 'yang si Khaki kaya don't be shy, baby boy!" Pang-aalaska pa ni Harold. Namula tuloy si Yoshiro.

"Bookish ka rin pala? Magkakasundo tayo."

"Talaga? Glad to hear that!"

May 3 teenagers na lumapit sa'min.

"Hello kuya Marco, kuya Harold!" Sabay-sabay na pagbati nila.

"Hi cute girls! By the way this is Khaki, our additional member."

"Khaki sila naman sina Jessa Mae or JM, Cede Jane or CJ, and Haylene. Sila ang President, V-Pres and Secretary ng Team BLAST." Si Marco ang nagpakilala habang itinuturo isa-isa ang 3 teenagers .

"Hello ate Khaki! Nice to meet you po. Ang cute nyo naman!" Kung hindi ako nagkakamali ay si JM ang nagsabi nito.

"Astig pa ng porma!" Si CJ naman ang sumunod na ito.

"Good taste of fashion. Astig!" Panghuli naman ay si Haylene.

"Thanks for the compliment, girls!" Ngiting ngiti naman ako sa kanila. Nalunod yata ako sa mga papuri nila.

"Kuya Harold, e 'di sasali na kayo sa Musikrakan next month?"

"Oo naman JM! Babawiin namin ang trono namin sa Guys In Plaid Shirts."

"Sweet revenge!"

"Lalo na at nadagdag na sa amin si Khaki, e di mas malaki na ang chance namin na mag-champion uli, CM." Tiwala agad si Marco sakin e 'no?

"Tama! Full support po ang Team BLAST sa inyo!"

"Salamat sa inyo cute girls! Aasahan namin kayo sa Musikrakan, ha?"

"Oonamanyes!"

Matapos naming magpaalam sa kanilang tatlo ay lumabas na kami ng E.A. dahil may jamming kami kina Yoshiro.

A/N: Ang tatlong girls ay friends ko haha hello sa inyo JM, CJ and Haylene!

Pierres Noires (Black Stones) √Where stories live. Discover now