Chapter 33: Another Encounter

251 13 2
                                    

KHAKI'S:

BACK TO NORMAL.

Nandito ako ngayon sa ARV-U at syempre may dalawang gwapo akong kasama haha sila lang naman palagi ang ka-jamming ko dito sa school e. Oo maniwala kayo na gwapo sila kasi pinagkakaguluhan talaga sila dito. Ikaw na ang maging member ng Black Stones.

Parang walang nangyaring bagyo dahil wala naman masyadong na-damage na facilities. Saludo na ako sa mga gumawa ng ARV-U dahil matibay ang pundasyon nito.

Breaktime kaya nandito kami nakatambay sa ilalim ng puno. May dalang guitar si Harold at may beatbox naman si Marco. Ako naman ay nakatunganga este nakikinig sa kanila.

Pagmulat ng mata, agad kong naalala

Kagabi sinabi mo ayaw mo na

May mali bang nakita

May mali bang nagawa?

Bigla na lang naisip mong ayaw mo na

Lahat ng gusto mo, tamang sunod ako

Nagtataka, bakit biglang ayaw mo na

Binigla mo ng lubusan, nang ako'y iyong iwanan

Isang iglap, naisip mong ayaw mo na ~

A/N: Director's Cut ng Kamikazee ang kinakanta nila Harold at Marco.

Naalala ko 'yung time na kumanta si JAE. First time ko kasi siyang narinig na kumanta. Hindi naman kasi siya sumasali sa jamming namin. Taga-mando lang namin siya kung paano ang tamang projection (oh ha), tamang guitar chords (na madali ko namang matutunan kasi gwapo ang nagtuturo este magaling siyang magturo) at kung paano lagyan ng feelings ang kanta. Napangiti tuloy ako.

Napansin kong napatigil sila sa pagkanta kaya tinanong ko sila, "O bakit kayo tumigil?"

"Kasi ngumingiti kang mag-isa dyan Khaki," - Harold

"In love ka ba? Blooming ka din kasi ngayon," - Marco

"Oy hindi ah!" super tanggi ko sa kanila.

"Weh? 'Di nga?" duet pa nila.

"Hindi nga sabi. Parang ewan naman kayo e tara tuloy nanatin yung kanta," so ako na ang nagtuloy ng karugtong.

Lumingon sandali lang

Bago mo tuluyang iwan

Nais kong

Sumigaw, palabas at sasabihin sa iyo ang lahat

Tumakbo, palayo at iiwanan na ang alaala mo ~

Naka-dalawang set pa kami ng kanta -- AIDS at Paano (pansin nyo puro kanta ng Kamikazee haha) bago bumalik ng room for our afternoon class.

* * * * *

DISMISSAL.

"Khaki ingat ka ha este sila pala ang mag-ingat sa'yo hahaha!"

Nakarating na kami sa tapat ng condo nina Harold at Marco kaya ako na lang ang mag-isang uuwi.

"Hahaha oo na! Sige kita-kits bukas ah? 'Yung activity natin don't forget!" paalala ko sa kanila habang ibinababa si Khaixer my skateboard.

"Aye, aye Captain!" at sumaludo silang dalawa sa'kin.

* * * * *

Kampante akong nakasakay sa skateboard ko nang matanawan ko ang apat na pigura sa may bandang unahan ko. Tatlong lalaki at isang babae (take note, mukhang goons 'yung tatlong lalake). Sa itsura nila ay parang hindi gagawa ng mabuti kasi hila-hila lang naman nung isa yung babae habang inaagaw naman nung isa 'yung bag. Aba matindi mga mandurugas pa ata ang mga ito.

"Sige na Miss sumama ka na sa'min at dadalhin ka namin sa langit!" sabi ni goon #1 na mukhang manyakis.

"Wag ka ng pakipot masasarapan ka naman haha!" goon #2 na mukhang kontrabidang goon sa mga pelikula.

Nakangisi lang si goon #3. ANG PAPANGIT NILA. All caps.

Inihinto ko si Khaixer at sumigaw ng "Hoy!" pero patuloy pa din sila sa pang-haharass dun sa babae. Ay dinedma ang beauty ko? Batuhin ko nga. Ayun sapul sa ulo 'yung isa, goodluck magkakabukol na siya maya-maya.

"Kapag sinuswerte ka nga naman may isa pang chikababes dito!" sabi ni goon #3 na kung makatingin ay parang hinuhubaran na ako. Isang salita pa nito makakatikim na 'to sa'kin.

"Hoy goons na pangit bitawan nyo siya!"

"At ikaw ang papalit?" - goon #1. Ang pangit talaga nito.

"Asa ka naman e ang pangit mo!" pangkaasar ko sa kanya hoho

"Ah ganun!" at akmang susuntukin ako kaya sinangga ko yung kamao nya sabay pilipit.

"Aray!" at binigyan ko pa siya ng sipa sa balls.

Sinugod naman ako nung 2 pangit. Geez hindi ko na 'to patatagalin, nakakasama sila ng itsura sa magandang kapaligiran!

Naglabas pa ng balisong si goon #2, sus as if namang matatakot nya ako dun kaya bago pa nya maisaksak sa'kin e nailagan ko na sabay karate chop ko sa bandang leeg nya, ayun plakda. Si goon #3 naman ang bagal sumugod kaya inunahan ko na. Na-sampolan siya ng flying kick ko hahaha. Dumating naman ang mga tanod at binitbit 'yung mga panget este goons.

"Ayos ka lang Miss?"

"O-oo salamat ha? Utang ko sa'yo ang buhay ko. Helena. Helena Sta. Ana," pakilala nya sa'kin.

"Khaki Sarmiento. Teka taga-saan ka ba?"

"Taga kabilang subdivision ako. May pinuntahan lang akong kaibigan dito at pauwi na sana nang harangin naman ako ng mga nasapak mo kanina," natatawang naiiling na sabi nito.

Sakto namang may dumaang taxi at pinara na nya ito. "Salamat ulit ha? Hanggang sa muling pagkikita Khaki!"

A/N: Natatawa ako habang ginagawa yung fight scenes e hahaha loka talaga 'tong si Khaki e :D

Helena Sta. Ana at the right --->

Pierres Noires (Black Stones) √Where stories live. Discover now