Chapter 5: Chit-chat

437 28 14
                                    

JAE/JAGER'S:

Sa dami ng potato chips na dinala ni Cassiopeia sa balcony ay talagang solved na ang dinner ko. Bukas na ako mamimili ng 'matinong' pagkain. Kinapalan ko na lang talaga ang mukha para makipag-foodtrip sa kanya habang nag-i-stargazing.

Tanging ang paglagutok ng potato chips at ingay ng wrapper ang maririnig nyo dahil hindi kami nagsasalita. Kain lang kami nang kain kumbaga. Siguro naiilang siya sa akin dahil alam nyang ayoko ng maingay. Malakas ang self-control nya ha dahil obvious naman na hindi tahimik ang babaeng ito. Baka nga todo volume pa ito kung magpatugtog.

After 30 minutes of defeaning silence, I volunteered to speak.

"Salamat sa foodtrip, bawi na lang ako sa'yo. Pwede kitang ipagluto."

Bigla siyang napatingin sa akin at parang inoobserbahan kung nagsasabi ako ng totoo o hindi. Marunong akong magluto, suki kasi ako ni Mommy sa kusina kaya tinuruan nya ako. Sayang nga lang at dalawang taon na pala mula ng pumanaw sila ni Daddy from a car accident.

"You can cook? Really? Wow!"

I smirked. Hindi siguro siya makapaniwala.

"Yes. My Mom taught me how to cook when she's still alive."

"Oh, sorry to hear that..."

"It's okay."

"Marunong din akong magluto, kung gusto mo exchange foods tayo o 'di kaya partners in crime este partners in kitchen." pagpapatawa pa nito.

Bahagya akong napangiti at tumango. Magandang ideya nga 'yun.

* * * * *

KHAKI'S:

It's almost 12 midnight nang magpaalam na si Jager. Napasarap ang kwentuhan namin. Gano'n talaga, pareho kasi kaming rakista. Nalaman ko na band vocalist siya pero lielow na muna siya dahil sa isang incident (na 'di naman nya nasabi sa'kin). Gusto ko nga ring magtayo ng banda kaso wala naman akong mahagilap sa school. Yung ibang rakista kasi may kanya-kanya ng banda na. Besides karamihan kasi ng mga tao doon ay hiphop ang genre kaya mga rapper sila. Yung mga babae naman mga kikay.

"Matulog ka na Cassiopeia. Sorry at napuyat kita."

Ayaw nya talaga akong tawagin sa nickname ko na Khaki.

"Don't be sorry, napasarap lang talaga ang kwentuhan natin at 'di namalayan ang oras."

"Goodnight."

"Goodnight JAE.."

At tumalon na siya papunta sa kabilang bahay.

Ngayon lang yata ako napuyat ulit dahil sa pakikipagkwentuhan. Usually 10-11pm ang oras ng tulog ko. I looked at the wall clock. Quarter to one in the morning.

Matapos mag-half bath ay isinalpak ko na ang earplugs sa tainga ko and prepare to doze off to sleep.

* * * * *

JAE/JAGER'S:

Nakahiga na ako sa air bed habang nakaunan sa aking mga kamay pero hindi pa rin ako makatulog. Nabilang ko na din lahat ng tupa (pati nga itim isinama ko na) pero mulat na mulat pa din ang mga mata ko. Isa lang ang solusyon dito, magsoundtrip hanggang sa makatulog. Sabagay gabi na din kasi ako nagising from afternoon nap.

Habang nakikinig ng kanta ng Coheed and Cambria na Wake Up, biglang sumagi sa isip ko ang foodtrip at kwentuhan namin ni Cassiopeia. Sa totoo lang ayoko munang mainvolve sa kahit sinong babae dahil sa ginawa ni Blythe pero hindi ko rin napigilan ang sarili ko na makipagkwentuhan kanina. Hindi ko naman idinetalye ang tungkol sa amin ni Blythe. Ewan ko ba pero magaan agad ang loob ko kay Cassiopeia although trip ko talagang asarin siya at pagbagsakan ng pintuan kanina para 'di na nya ako kausapin muli. Alam mo 'yung pakiramdam na parang ang tagal ko na siyang kakilala and she's easy to get along with. Yeah, I admit kahit may pagka-boyish siya ay maganda talaga siya. E di lalo na siguro kapag nag-ayos siya at nagsuot ng girly dress e baka tumulo na ang laway ko hehe.

Saktong patapos na ang kanta ng makaramdam ako ng pagka-antok. Salamat at dinalaw mo na ako.

A/N: Pampatulog ko 'yang kanta na 'Wake Up' ng Coheed and Cambria.

Pierres Noires (Black Stones) √Where stories live. Discover now