Chapter 9: Awkward!

362 22 6
                                    

JAE/JAGER'S:

"Whoa!"

Matapos ang isang oras na pag-aayos ay mukha na talagang 'bahay' itong new haven ko. Naiayos ko na sa kanya-kanyang pwesto ang mga kasangkapan. At para hindi ko masyadong indahin ang pagod ay nagpatugtog ako ng OPM songs. Kasalukuyang tumutugtog ang Ang Huling El Bimbo ng Eraserheads.

Tumunog naman ang doorbell, bumalik siguro si kuya. Dali-dali akong pumunta sa may pintuan at hindi na nag-abala pang tumingin sa peephole.

Si Cassiopeia pala. Gulat na gulat at nanlalaki ang mga mata nya habang nakatingin sa akin. Bahagya pang nakaawang ang bibig (kissable lips) at palipa-lipat ang tingin sa mukha at sa dibdib ko.

Dibdib?! Napa-tsk na lang ako nang marealize na hubad-baro nga pala ako. Nakita nya tuloy ang kamachohan ko ('di ako mayabang, nagsasabi lang ako ng totoo).

She regained her composure. "Kung ako sa'yo magbibihis na ako bago pa lumusob dito 'yong dalawang beki sa hypermarket kanina."

I smirked at that thought. Tinalikuran ko muna siya at pumunta sa sofa kung saan nakasampay ang black sando ko.

Niluwagan ko ang pinto at pinapasok siya.

"Ano'ng masamang hangin ang nagdala sa'yo dito Cassiopeia?"

She frowned. "You left this." at iniabot sa akin ang headset ko.

"Nakalimutan ko pala 'yan sa inyo. Salamat."

"S-sige uuwi na ako. Afternoon nap muna."

"Wala ka nang pag-asa tumangkad."

"Tse!" Sarap asarin ng isang 'to haha!

"O sige salamat ulit sa pagdadala ng headset ko." Nakakalokong tinawanan ko pa siya habang hindi maipinta ang mukha nya.

"Ciao!"

At dali-daling lumabas siya ng bahay ko.

* * * * *

KHAKI'S:

"Whew!"

Grabe kulang na lang liparin ko ang pag-uwi kakainis kasi si JAE! Irampa daw ba ang 6-pack abs nya sa harapan ko?! Duh? Parang ang sarap-sarap pisilin!

Erase-erase! Behave Khaki B-E-H-A-V-E!

Umakyat na ako ng kwarto para mag-afternoon nap. Kahit inaasar pa ako ng kumag na 'yon na wala na akong pag-asa na tumangkad pa, wala akong pake. Matutulog pa in ako at walang makakapigil sa'kin. Kahit IKAW na nagbabasa ng chapter na 'to. Echos lang peace!

I grabbed my phone at hinanap ang playlist na naka-ready na ang mga chilling music para makatulog ako ng matiwasay.

Matutulog muna ako ha? Kita-kits na lang tayo sa next chapter apir!

Pierres Noires (Black Stones) √Where stories live. Discover now