Chapter 40.5 Intro To Musikrakan

204 15 0
                                    

(continuation)

Bigla namang may tumapik sa balikat ko. Paglingon ko ay nakita ko sina ate Grace at kuya Kheem pati na din sina Hero, Sevii at Janna na may bitbit pang banner for Black Stones. Nandito din sila para suportahan kami yehey!

"Ate Grace!" napayakap na din ako sa kanya. Taga ARV-U din siya at ahead ng 2 years sa'min.

"Full support kami sa'yo Khaki aja!" - ate Grace

"Yup! Kaya nyo 'yan go go go!" - kuya Kheem

"We support Khaki!" chorus nina Hero, Sevii and Janna na ipinakita pa 'yung banner na bitbit nila.

"Thanks guys! Ibibigay ko ang best ko mamaya!"

A/N: Kuna nabasa nyo na ang "One Week Summer" na short story ko ay may idea na kayo kung sino sila.

Maya-maya ay dumating na ang guest bands na pinangungunahan ng BlackOut at Raindrops. Lumapit din sila sa'min at nag-wish ng goodluck.

Bigtime din ang judges at mga favorite ko pa sila: Miggy Chavez of Chicosci, Jay Contreras of Kamikazee, Bamboo Mañalac of Bamboo and Ms. Yeng Constantino.

Natatanaw na din namin ang pagpasok ng iba't ibang banda na makakalaban namin. Bale 10 banda kaming lahat including GIPS na maglalaban-laban para itanghal na Musikrakan Champion.

'Eto ang list if bands na magcocompete for the title as Musikrakan Champion.

1. Black Stones

2. GuyS In Plaid Shirts

3. Dark AURA

4. Lune Noire

5. Integlot

6. Last Requiem

7. Damare

8. Exi(s)t

9. Crimson Sky

10. Rebel Hearts

Nang makumpleto na ang 10 bands ay nagsalita na ang Emcee. "Music Dome are you ready to rock and roll?"

Hiyawan naman ang isinagot ng audience.

"Let the Musikrakan begin!"

At napuno ng hiyawan at palakpakan ang buong Music Dome.

A/N: Intro pa lang 'to kaya may kasunod pa hahaha excited na 'din ba kayo kagaya ko? :D

Pierres Noires (Black Stones) √Where stories live. Discover now